BUMALING ako kay Signor Goncuenco na kasalukuyang nakikipag-usap sa isang babaeng shareholder habang abala sa harap ang head director sa pagsabi ng mga pangalan present at wala sa mga oras na ito. Nakatuon ang atensyon niya sa papel na hawak hawak habang ang naturang babae sa kanyang giliran ay abala sa pagpapahayag ng salita.
Napaiwas ako ng tingin nang bumaling siya sa akin o kay Rowan. Nagkunwari akong walang nakita at bahagyang tinakpan ang aking mukha gamit ng aking palad. “Does your wife work with you in the office?” bumaling ang lahat kay Signor nang magsalita ito, bigla namang tumahimik ang lahat.
Nakatingin siya kay Rowan. Sumulyap ang aking asawa sa atin bago sinagot si Signor. “No, she’s a full time housewife.” Nagkaroon ng mahinang tawa. The head director in front somewhat looked offended when Signor interrupted his speech.
“You should at least let her, It’s fun Rowan,” singit ng isang babae at tumango sa sariling sinabi.
“Uh,” bahagyang yumuko si Rowan at hinawakan ang aking kamay mula sa ilalim ng mesa. Pinisil niya ito nang kaunti.
“Continue, sir.” ani ni Signor and seated comfortably in his chair habang hindi inaalis ang ngisi sa kanyang labi. He glanced at me again dahilan ng lalong pagbilis ng pintig ng aking puso.
Nagkaroon ng mainit ng argumento sa pagitan ng board habang si Signor ay nakahilig lamang sa sandalan ng kanyang upuan, kasalikop ang kanyang dalawang palad at nakikinig lamang sa kanya. Kumpara kay Rowan na parating conscious sa sarili, siya naman ay looking arrogant at mukhang mataas ang confidence sa katawan.
“Kier is the best fit for the CEO’s position.” Ani ni Chairman Leondo habang tinatapik ang likuran ni Kier. Sumulyap naman si Kier kay Rowan, checking his cousin’s reaction. Gayon din ang ginawa ko, kitang kita ang bakas ng disappointment sa kanyang mukha. I know how much effort he puts up in the company, I witnessed all of them every time he works at night.
Gumuhit ang ngiti sa aking labi at hinawakan ang kanyang kamay na nasa ibabaw ng mesa. Nahagip ng mga mata ko ang pagsulyap ni Signor dito bago inangat ang mga mata sa akin at bumaling sa head director.
“10% - 15% of losses from the last two years isn’t acceptable,” ani ng isang member of the director.
“Just so you know, Signor had doubled their business chain within four years.” Ani naman ng isang babae. Tumango naman ang lahat, sang ayon sa kanyang sinabi.
Wala akong naiintindihan sa kanilang pinag-uusapan, basta ang alam ko they are comparing Signor and Kier achievements in business. Mas lalo akong naliliwanagan kung bakit natatakot si Rowan at nais niya akong sumama sa kanya. Hindi man lang siya kumibo nang marinig ang mga hinaing ng bawat isa.
“Rowan,” I called him. Tumingin siya sa akin ngunit agad ding ibinalik ang kanyang paningin kay Signor. Baka sa kanyang mga mata na hindi niya matanggap na mas humigit pa si Signor sa kanya. Anyone can be the CEO kahit hindi mo kadugo ang may-ari, even the one who has the largest investment and they are all rooting for Signor.
Pagkatapos ng mahabang araw ng pagpipili sa wakas sinabi na ang nais nilang maging CEO. Kahit si Mr. Leondo ay suportado ang desisyon ng board of directors.
“Congratulations, Signor Goncuenco, you are the new elected CEO of Kledd, Inc.” ani ni Chairman Leondo. Lahat ay pumalakpak para sa kanya. Bumigat ang aking kamay ngunit sa huli ay nagawa ko pa ring pumalakpak.
He glanced at me, raising one of his brows. Umiwas ako ng tingin nang napuna kong nagkakatitigan kami ng ilang segundo. Tumayo ang lahat para i congratulate siya, gayon din naman ang ginawa namin ng aking asawa.
Pumunta sa harap si Signor to give his speech. He thanked everyone, especially those who voted for him, and even those who didn't still included on his heartfelt speech. Napatingin ako sa harap at bahagyang nagulat nang magtama ang mga mata naming dalawa, na para bang kanina pa siya nakatingin sa akin.
Bakit ba ganyan siya makatingin sa akin? Wala naman akong naging atraso sa kanya at hindi ko rin siya kilala.
Isa isang nagsisi-alisan ang mga board nang matapos ang meeting. Tinapik ni Chairman Leondo ang balikat ni Rowan. Kahit malayo ako narinig ko ang binulong niya rito.
“Kulang ka pa,”
NABASAG ang flower vase nang makauwi kami sa aming pamamahay. Napahawak sa ulo si Rowan at mabilis ang kanyang paghinga. Halatang dismayado siya kanina at inilabas niya ang kanyang hinanaing nang makarating kami ng Condo.
Mabilis ako tumungo sa drawer at nanginginig ang aking kamay dahil sa kaba habang hinahanap ang sigarilyo na madalas ginagamit ni Rowan. Lumapit ako sa kanya at binigay nang mahanap ko pati ang lighter. Habang sinisindihan niya ito ay kinakalas ko naman ang kanyang necktie.
Natatakot siya minsan ipaliwanag ang kanyang hinanaing at kapag hindi umayon ang kapalaran sa kanyang kagustuhan ay nagagalit naman siya.
Tinapik ko siya sa kanyang balikat without saying anything hanggang kumalma siya.
Bumagsak ang aking balikat at huminga nang malalim. Napahawak siya sa kanyang batok at dali daling pumanhik sa itaas. Naiwan ako sa hapag kasama ang usok mula sa sigarilyo na kanyang ibinuga.
Doon ko nalaman na binili ng Goncuencong iyon ang majority ng stock ng Kledd, Inc. Making Kledd be one of his business divisions. Kaya pala problemado si Rowan nitong nakaraang araw na halos hindi siya makausap dahil sa kanyang malamig na ekspresyon sa mukha. He wanted Kledd to be independent pero sa tingin ko sinadya iyon ng kanyang ama since alam niyang magiging successful ang Kledd under Signor Goncuenco’s guidance and management.
Rowan is selfish, ayaw malamangan, at hindi gustong mapagsabihan pero sa kabila ng lahat ng iyon, mabait siya sa akin. Hindi niya ako kailanman pinagbuhatan ng kamay kahit minsan natatakot ako sa kanya.
He has my support, no matter what...
NAPATINGIN ako kay Rowan at bahagyang napangiti, natutulog na siya nang mahimbing. Itinaas ko ang kumot na nakabalot sa kanyang katawan at saka ko kinuha ang pakete ng sigarilyo sa tabi ng kama. Aalis na sana ako nang hindi sinasadyang natabig ko ang mga papeles sa tabi ng pakete, nahulog silang lahat ng dokumento sa sahig.
Umupo ako at isa isang kinuha ang mga ito nang mapuna ang isang bank transactions files at naka attach doon ang isang passbook. Nanlaki ang mga mata ko sa gulat nang makitang three consecutive withdrawal transactions ang nakapaloob sa ikalawang pahina. Hindi lang ito simpleng withdrawal dahil katumbas tatlong milyong euro mahigit ang bawat transaction. Isa isa kong iniscan kung saan niya ginamit ang perang iyon.
Mas lalong lumuwa ang aking mga mata nang makita ang transaction number ay tumugma sa isang papeles. It was company’s money at ginamit niya sa personal na pangangailangan. Nanginig ang aking kalamnan nang makita ang halaga ng utang na kailangang mabayaran sa Kledd.
Kaya ba hindi siya kailanman pinagkatiwalaan ng kanyang Ama because of this? Napakalaking halaga nito! Ibebenta niya ang kanyang kaluluwa sa demonyo upang mabayaran lang ito if there’s no other ways.
HINDI ako makatulog kakaisip. Hindi dapat pa ako nangingialam since I’m only his wife pero hindi, hindi ko kayang tumahimik na lang habang ang asawa ko ay may kinakaharap na problema. Bumabagabag pa rin sa aking isipan kung saan niya pinag-gamitan ang perang iyon? May foundation ba siya? Charity or such?
I need to help him kahit hindi niya sabihin. Kung gusto niya ng validation sa kanyang Ama, kailangang malinis ang kanyang pangalan.
KUMAWAY ako kay Rowan mula sa hagdan nang paalis siya ng bahay for work. Kumaway siya pabalik at saka niya isinara ang pintuan. Napatingin ako sa paligid at umupo sa hagdan. Napakalaki ng bahay na ito at wala man lang akong ginagawa upang aliwin ang sarili ko.
Pakiramdam ko abala ako noon sa ibang bagay kaya hindi nasanay ang aking katawan na manatili lang dito. Tumayo ako at tinakbo ang daan papuntang kwarto. Nag-ayos ako ng aking sarili. Gusto kong puntahan si Papa upang itanong sa kanya ang tungkol sa utang ni Rowan sa kumpanya. Alam kong may alam siya rito base sa pakikitungo niya sa kanyang sariling anak.
Isinuot ko ang mahabang cardigan at itim na close neck T-shirt sa ilalim nito at itim na trouser. Panangga laban sa malamig na panahon. Itinago ko sa bag ang mga papeles na nakita ko kagabi sa tabi ng kama.
Hindi ko kabisado ang Roma. Minsan na akong naligaw nang sinubukan kong mamasyal. Hindi naman ako binabawalan ni Rowan na mamasyal kaso ang problema takot akong maligaw ulit. Sa tulong ng driver sa kotse na aking nasakyan ay nakarating ako ng ligtas sa aking destinasyon.
Minu minuto akong napatingin sa paligid upang makasigurong hindi ako nakita ni Rowan. Ngunit sigurado naman ako na wala siya rito sa mga oras na ito dahil ang sabi niya’y pupunta siya sa warehouse. Itinago ko ang aking mukha sa likuran ng aking bag nang makapasok ako ng elevator.
Mabilis ang aking hakbang nang makarating ako sa floor kung saan ko mahahanap ang opisina ng ama ni Rowan. Kung asawa ako, dapat may paki-alam ako sa ginagawa ng aking asawa kahit gaano ito kaliit at hindi mananahimik na lang sa bahay na para bang walang nangyayari sa kanyang trabaho.
Huminga ako nang malalim at kumatok sa pintuan. Hindi ko alam kung papaunlakan ako gayong wala naman akong appointment sa kanya.
“Come in,” narinig kong boses mula sa loob. Pinihit ko ang doorknob at unti unting pumasok sa loob. Nang maisara ko ang pintuan ay humarap ako nang tuluyan sa table.
Lumuwa ang aking mga mata sa gulat nang mapunang hindi si Mr. Leondo ang nakaupo roon kung hindi si Signor Goncuenco. Nakahilig siya sa sandalan habang nakasalikop ang kanyang dalawang kamay. Matalim at malamig na titig ang ipinukol niya sa akin.