“Maia,” boses ng lalake sa aking harapan.
Nakasuot siya ng puting long sleeve polo shirt na nakatupi hanggang manggas. Kahit ilang beses kong idilat ang aking mga mata upang maging malinaw sa akin ang kanyang postura at mukha ay hindi pa rin umuubra.
May hawak hawak siyang glass of tequila. Nakakalas naman ang kanyang dalawang butones mula sa ibabaw, showing a little sight of his chest hair. Matipuno ang kanyang pangangatawan at matangkad.
Nang umiling ako ay lumapit siya sa akin. Umatras ako nang tatlong hakbang hanggang maramdaman ko ang malamig na pader sa aking likuran. Itinukod niya ang kanyang isang kamay sa giliran ng aking ulo at inilapit ang malabong mukha niya sa akin. “Cheating is a key to escape, Maia.” bulong niya sa aking tenga.
He gently caressed my cheek down to my neck. Napapikit ako nang mariin nang maramdaman ang hindi ordinaryong sensasyon na handog niya sa aking katawan.
Hindi man malinaw ang kanyang mukha, ang ngisi sa kanyang labi ay sapat na upang makita ang kanyang reaksyon. “We’ll see then, hanggang napagtanto mong wala nang ibang paraan.” Aniya at sarkastikong tumawa.
Mabilis akong napabangon dahil sa panaginip na iyon. These past few nights, walo hanggang sampong beses akong binibista na naturang lalake sa aking panaginip. May kakaiba sa kanyang pagkatao at iyon ang hindi ko maipaliwanag. Hindi ko alam kung ano ang motibo niya o sadyang may kinalaman lang ang kanyang presensya sa aking nakaraan.
“It’s past midnight, bakit ka pa nagising?” bumaling ako sa direksyon ng baritonong boses. There I saw my husband Rowan. Mukhang kakarating lang niya mula sa opisina dahil nagbibihis pa lang siya nang magising ako bigla.
“N-nagising lang ako,” tugon ko sa kanya. Sumulyap siya sa akin bago inayos ang zipper sa kanyang shorts.
“Binangungot ka na naman ba?” tanong niya nang hindi nakatingin sa akin. Umilaw ang kanyang phone sa kanyang mukha habang nagtitimpa rito. Tumayo ako upang pumunta sa CR.
“Oo,” tipid kong tugon nang makarating ako. Nanghilamos ako ng mukha at napatingin sa repleksyon sa aking harapan. Hindi ko maipaliwanag ang pakiramdam sa tuwing nakikita ko nang paulit ulit ang ginoong iyon sa aking panaginip ngunit sa tuwing nagigising ako, nakakalimutan ko nang buong buo ang kanyang mukha.
Walong buwan ang nakakalipas nang bumangon ako mula sa pinakamahabang tulog na nangyari sa buhay ko. Hindi ko alam ang kaganapan bago nangyari iyon, hindi ko alam kung bakit wala akong naalala at kahit hanggang ngayon.
Ginampanan ko naman ang pagiging asawa kay Rowan pagkatapos ng trahedya kahit wala akong maalala. Kung walang sinabi si Ms. Amy Giltendez, ang kanyang ina tungkol sa pagsasama namin, hindi ko alam kung saan ako pupulutin. I’m living with Rowan for eight months in a two-storey condo unit dito sa Roma pero pakiramdam ko may kulang. Gusto kong hanapin ang sarili ko, pero hindi ko rin alam kung kailan magsisimula. I feel so lost since I woke up ngunit natatakot ako, natatakot akong maiwan siyang mag-isa.
I mean, he is my husband. Why would I leave him when we are bound to be together? Masasaktan ko lang siya.
Lumabas ako ng Comfort room pagkatapos kong mag-ayos upang makatulog na nang maayos. Si Rowan ay nasa ibabaw na ng kama at nakasandal sa headboard habang ang ilaw ng laptop ang tumatama sa kanyang mukha. Nakatuon ang buo niyang atensyon dito.
Kung ano ang kinamamangha ko kay Rowan, iyon ay kanyang pagiging passionate sa pag hahandle ng business. Masipag siya sa negosyo. Walang reklamo sa kanya bukod sa malamig na trato niya sa kanyang mga empleyado.
Humiga ako sa tabi niya at inangat ang kumot sa aking katawan. Tumalikod ako sa kanya at hindi na siya inabala. Naririnig ko naman ang pagtimpa niya sa laptop, making it harder to go back to sleep again.
Napatingin ako sa malaking bintana sa aking tabi, kung saan makikita mula roon ang buhay na buhay na syudad. Ni hindi ako kailanman nasanay sa ganitong modernong tanawin kahit walong buwan na ang nakakalipas. Tila bago sa aking paningin at tila ngayon ko lang naramdaman ang buhay na tinatamasa ko kasalukuyan.
Gusto ko silang tanungin, pero nauunahan ako ng takot.
Namayani ang katahimikan ilang sandali. Mula sa aking likuran, naramdaman ko ang paghiga ni Rowan at ang paglapit ng kanyang mukha sa aking likuran. “Kumusta ang araw mo?” tanong niya sa inaantok na boses.
Mabilis na magpalit ng mood si Rowan. Sa walong taon naming pagsasama, iyon ang alam ko tungkol sa kanya. Ewan ko ba, pakiramdam ko nararamdaman naman niya ang takot ko sa tuwing galit siya at tahimik.
Tumihaya ako upang makita ang kanyang mukha. Malamig siyang nakatingin sa akin, he’s always been like this. Hindi mo alam kung anong emosyon ang naglalaro sa kanyang mga mata o talagang hindi ko lang siya kilala.
“Ikaw kumusta? Kumusta ang bagong major shareholder?” tanong ko sa kanya. Recently, may isang shareholder ang bumili ng mahigit kalahating pursyento ng shares ang ang Kledd, Inc isang jewelry manufacturer and retailer company na dito sa italya ang main headquarter, na pagmamay-ari ng ama ni Rowan. Ngunit hindi ko nakikilala kung sino ito.
Gumuhit ang ngiti sa kanyang labi ngunit hindi iyon nangunguhulugan ng kasiyahan. Huminga siya nang malalim at napatingin sa kawalan. “Bukas ang malalaman kung sino ang karapat dapat sa CEO’s position.” Aniya sa kalmadong tono. “I badly need your presence, ikaw ang lakas ko.” Patuloy niya at nikayap ako nang mahigpit.
“Pero bakit malungkot ka?” tanong ko sa kanya. Hinimas ko ang kanyang matigas na braso na namamahinga sa aking tyan. Umiling naman siya, denying my words.
“Hindi ako malungkot, natatakot ako.” Aniya.
Hindi siya kailanman pinagkatiwalaan ni Mr. Leondo Giltendez* ang kanyang Ama. Nag-iisa siyang anak, pero mas anak pa ang turing ng kayang ama sa kanyang pinsan na si Kier. Mabuti na lang at nariyan ang kanyang ina. He’s a current CFO pero mas nais niyang maging CEO. Ngunit, hindi ang papa niya ang may hawak ng desisyon kahit anak niya pa si Rowan, kung hindi ang board of director, including the shareholder.
“You can do it,” ngumiti ako.
“Kapag nakakaalala ka na, babalik tayo ng Pilipinas.” Aniya at hinalikan ako sa noo. Parati niyang sinasabi ito sa akin ngunit sa tuwing nanghihingi ako ng detalye tungkol sa nakaraang namin ay nagagalit siya. Kung hindi ko nakita ang mga pictures namin together at saka ang wedding pictures, hindi ako maniniwala sa mga naririnig ko sa mga sinasabi ng pamilya niya.
I couldn’t imagine how happy I was before my memory was lost. Nakikita ko sa mga litrato ang mga ngiti ko. Ibang iba ang saya ng dating ako kumpara sa ngayon.
“At kapag naging CEO na ako, pwede na tayong magkaroon ng anak.” Aniya. Nalulula ako sa taas ng pangarap niya. Nais ko lang ang simpleng pamumuhay, ngunit kailangan kong tanggapin ang katotohanan.
Unti unti niyang nilalapit ang kanyang mukha sa akin. Pumikit ako, anticipating a kiss. Nang dumampi ang labi niya sa akin ay tinugunan ko ito nang marahan. Madalas itong mangyari tuwing gabi. Kung hindi kami nagkakaroon ng sagutan, nagkakaroon ng kwentuhan at halikan, ngunit hindi umaabot sa puntong madalas na ginagawa ng mag-asawa..
Hindi ako handa.
“ARE you ready?” tanong niya sa akin nang pumasok kami sa Elevator. Tumango ako sa kabila ng kabang nararamdaman. Bukod sa mangyayari ngayon, kinakabahan din ako sa aking suot. I am wearing a bodycon off-shoulder black dress. Hindi ako kumportable ngunit ito ang pinili ni Rowan para sa akin para maging presentable sa board.
Napahawak ako sa braso ni Rowan nang pagbuksan kami ng pintuan nang makarating kami sa conference room kung saan gaganapin ang declaration sa new CEO ng Kledd, Inc. Agad kaming binati ng mga kalalakihang nakasuot ng coat and tie at iilang kababaihan.
Malawak ang naturang conference room at kaunti lang ang liwanag, majority sa malaking screen sa harap nanggagaling. Pinakilala naman ako ni Rowan sa bawat board na nasa loob. Nakita ko si Mr. Leondo sa pinakadulo at sa kanyang giliran ang pinsan ni Rowan na si Kier. Nag-uusap sila ng masinsinan, at lalapitan ko sana sila nang pinigilan ako ni Rowan.
Napatingin ako sa kanya habang hawak hawak niya ang aking tyan. Umiling siya at saka kami humakbang sa aming upuan. Inatras niya ang upuan at iginiya ako roon. Tumabi naman siya at inihanda ang mga papeles na kakailanganin.
“Everyone,” bumaling kami sa direksyon kung saan nanggaling ang boses. Nakatayo ang isang babae sa harap ng screen habang nakataas ang kanyang dalawang kamay na tila kinakalma ang lahat. “Let’s wait for the majority shareholder to arrive, for about 5 minutes.” Aniya at ngumiti.
Sari saring bulungan ang namayani. Mas lalo akong kinabahan, nang mapuna ang naglalarong ekspresyon sa kanilang mga mukha. May iba ang na e excite na makita siya, iilan sa kanila ay babae. Napahawak sa aking kamay si Rowan habang abala sa binabasa sa isang dokumento.
Napatingin naman ako kay Kier sa hindi kalayuan, pakiramdam ko siya ang mapipili ng board pero naniniwala akong mas malaki ang potential ni Rowan dito.
Tumayo ang lahat nang bumukas ang dalawang pinto. Naunang pumasok ang isang lalake, “Sorry if we’re a bit late.” Anito. Mas lalo niyang binuksan ang pinto at doon pumasok ang isang matangkad at matipunong lalake. He’s wearing an all black coat and tie. Nakahawak siya sa kanyang necktie at dumirekta agad ang malalalim na mga mata sa akin.
Napalunok ako nang ilang beses. Tila nakita ko na siya noon ngunit hindi ko maalala kung kailan at saan. His deep brown eyes and the way he looks gives a familiar feeling. Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa. Perpekto ang hubog ng kanyang pangangatawan, sakto sa kanyang tangkad. Ang kanyang munting bigote sa kanyang ibaba ng kanyang labi ay bumabagay sa hubog ng kanyang panga at magulong buhok. Never thought that my perspective about Rowan’s being the perfect man alive can put on shame after seeing him.
Lumapit naman si Chairman Leondo at binati ang kanyang pagdating. Nakipagkamay ang mga board at iilang kasamang shareholder sa kanya. Halos mawalan ako ng hininga nang lumapit siya sa amin.
Ngumiti si Rowan sa kanya ngunit matalim na titig ang ipinukol niya rito. “This is my wife, Maia Giltendez.” Pakilala ni Rowan sa akin at hinawakan ako sa beywang upang bahagyang igiya palapit sa kanya. “Uh, this is Signor Goncuenco.” Patuloy ni Rowan.
Nanlalamig ang aking kamay nang inabot ko ang kanyang kamay. Nang magdikit ang aming mga palad, bolta boltaheng kuryente ang dumaloy mula roon papunta sa aking katawan. Hindi niya pa tuluyang binibitawan ang aking kamay ilang segundo ang lumipas kung kaya’t umangat ang aking mukha upang tingnan siya dahilan ng pagtama ng malalalim at malalamig niyang titig sa akin.
“Maia Giltendez,” aniya sa baritonong boses. Narinig ko ang kanyang pag-ngisi bago tuluyang binitiwan ang aking kamay.
Narinig kong sinambit niya muli ang aking pangalan nang tumalikod siya sa amin. “Maia,”