Kabanata VI

1835 Words
KINUHA ko mula sa aking bag ang face powder nang maiparada ni Rowan ang kanyang sasakyan sa tapat ng bahay ng kanyang ina. Ayon kay Rowan, matagal nang naninirahan ang kanyang pamilya sa Italya. Dito na siya mismo pinanganak kaya hindi niya kabisado ang lugar ang kultura sa Pilipinas maliban na lang sa lenggwaheng tagalog na madalas nilang gamitin sa pagsasalita. Napatingin si Rowan sa akin nang maisara ko ang face powder. Nauna siyang bumaba at pinagbuksan ako ng pintuan. “Handa ka na ba?” tanong niya sa akin. Gumuhit ang ngiti sa aking labi at tumango. Kanina pa ako nakahanda, hindi na bago sa akin ang kaba sa tuwing nahaharap ko ang kanyang mga magulang. “You look anxious. Don’t be, hindi naman sila nangangagat.” Patuloy niya at ngumisi nang makababa ako. Huminga ako nang malalim, naging visible sa akin ang usok mula sa aking bibig dulot ng malamig na klima. Inayos ko ang aking scarf nang iginiya ako ni Rowan papasok ng kanilang bahay. Sinalubong kami ng mga gwardya at kinuha mula sa kamay ko ang box na naglalaman ng red velvet cake.  Inilibot ko ang aking paningin nang makapasok kami sa bahay. Malaki ang tahanan nina Rowan, makaluma at tahimik. Isabay mo pa ang tugtog mula sa piano at mukhang kilala ko na kung sino ang tumutugtog sa mga oras na ito. Bumaling kami sa pinanggalingan ng musika at nahinto ito nang magtama ang paningin namin kay Mrs. Amy Giltendez. Matalim lang na mga mata ang ipinukol niya sa amin pagkatapos ay bumalik siya sa pagtugtog na para bang hindi niya kami nakita. Hindi niya man lang kami sinalubong at binati. “Isang himala ang maisipan niyong bumisita rito.” Aniya nang hindi nakatingin sa amin. Lumapit kaming dalawa sa kanya at saka siya binigyan ng halik ni Rowan. Nang ako ang sumunod ay biglang bumagal ang pagkumpas niya sa piano.  “We are here for dinner, Ma. Nariyan ba si Papa?” tanong ni Rowan sa kanya. Ngumiwi si Mrs. Amy pero ang kanyang atensyon ay nasa tinutugtog pa rin.  “Nasa itaas.” tipid niyang tugon. Hindi na nagsalita si Rowan. Mukhang may napapansing hindi maganda sa sitwasyon. Gayunpaman, hindi na iyon binigyan ng importansya ni Rowan. Ang mahalaga para sa kanya ay ang mabisita ang kanyang mga magulang.  Siya lang ang nag-iisang anak ng mag-asawang Giltendez kaya tahimik ang buhay ng mag-asawa sa malaking bahay na ito. Wala rin kaming anak ni Rowan para man lang magkaroon sila ng kasiyahan. Nang sumapit ang gabi ay naghanda ng makakain sa hapag ang mga katulong.  Dismayado ako nang makita ang pasta at beef na nakalatag rito. Hindi ako sanay na kumain na walang kanin pero wala ako sa posisyon para magreklamo pa. Nandito ako para makihalubilo sa mga magulang niya na malamig ang pakikitungo sa akin. Kailangan ko ring makuha ang loob nila lalo na kay Mr. Leondo sa kagustuhan na makapag trabaho sa Kledd. Iyon lamang  ang tanging nakikita kong solusyon para mabayaran ang utang ni Rowan. Alam kong hindi sapat ang sasahurin pero gagamitin ko ang employment status ko para makautang sa ibang constitution. Nagsimula ang kainan, si Mr. Leondo ang nanguna sa pagdarasal.  Si Rowan naman ay ang naglagay ng pagkain sa aking pinggan matapos iyon. Napansin ko ang pagsulyap ni Mrs. Amy sa ginawa ng anak bago iniwas ang tingin sa akin. “Kumusta ang buhay niyong mag-asawa?” panimula ni Mrs. Amy. Napatingin naman si Rowan sa kanya at ngumiti. “Okay lang naman, Ma.” Sagot naman ni Rowan sa kanya. “I am planning to purchase a new car for Maia.” Patuloy niya. Natigilan ako at nagtatakang tiningnan naman siya ng kanyang ina.  “H-hindi ako marunong magmaneho, Rowan.” Ani ko sa kanya. “Tuturuan kita.” Nakikita ko ang saya sa mukha ni Rowan. Ibig sabihin ba niyan ay papayagan na niya akong gumala kahit saan? Kung sabagay ilang buwan na akong nakakulong sa condo namin, hindi ko na halos masundan ang kaganapan sa labas. Kung hindi dahil sa mga balitang napapanood ko sa T.V, malamang mangmang na ako ngayon. “Hmm. Mas mabuti pa nga Rowan.” Ani ni Mr. Leondo at uminom ng wine saka siya tumingin sa akin. “Hindi mo alipin si Maia. Hindi mo pwedeng hawakan sa leeg ang isang tao lalo na’t may diperensya ka sa pag-iisip.” Patuloy nito na siyang nakapagpatigil sa akin sa gulat. “Leondo!” suyaw ni Mrs. Amy. Si Rowan naman ay napatingin sa kawalan, nanlalaki ang mga mata. Sakit sa pag-iisip? Wala silang nabanggit tungkol dito. Hindi man lang ba nila ako pinaalam sa akin ang tungkol sa condition ni Rowan? “You don’t have to worry, Maia. It is a personality disorder and anxiety pala.” Wika ni Mr. Leondo. Bumaling siya kay Rowan na ngayon ay nanginginig ang kamay habang mahigpit na nakahawak sa kanyang kutsara’t tinidor. Hinaplos ko ito para pakalmahin siya, ngunit hindi iyon umubra. “Mas mainam sa kanya ang less pressure working environment. If he doesn’t work to be at the top, wala akong magagawa. Ang gamot sa disorder na ‘yan ay ang pagtanggap ng pagkatalo. Aanhin mo ang maintenance mo kung ikaw mismo ay hindi nag se self improve? That is why kulang ka pa, Rowan.”  “Leondo, that’s enough. Not in front of his wi—” “It’s time for Maia to know the truth. Sawang sawa na ako sa pagtatago.” Aniya at muling bumaling sa akin. “Work in the office, Maia. Be a secretary for the CEO. Signor fired the previous secretary for being incompetent. I think you are fit for the position.” Aniya at nakangiti sa akin. “What?” hindi makapaniwalang tanong ni Mrs. Amy. Kahit ako ay nagtataka rin, paano niya nasasabing bagay ako sa position kung hindi man lang niya ako nakitang magtrabaho sa opisina? O minsan na ba akong nakapag trabaho roon bago ako nawalan ng alaala? At bakit sa kay Signor pa? Napatingin ako kay Mr. Leondo. Hindi kaya magkasabwat silang dalawa ni Signor, sinabi ba ni Signor ang tungkol sa utang ni Rowan? Pinakiusapan ba siya ni Signor na ako ang maging sekretarya niya? Paano niya naisip na kailangan ko ng trabaho at madali niyang na offer sa akin ang position? Hindi ko masasagot ang tanong sa isipan ko kung hindi ko tatanungin si Signor. Malaki nga ang posibilidad na magkasabwat nga sila ni Signor. Wala akong sinabihan na gusto kong magtrabaho kahit na minsan nahahalata ni Rowan sa akin na gustong gusto kong maging parte ng Kledd kahit sa pinakamababang position. “She graduated in Business Administration in the Philippines. Malay mo dito niya maalala ang lahat, hindi ba Rowan?” tanong ni Mr. Leondo sa kanyang anak. Hindi naman nagsalita si Rowan na siyang ikinatawa ni Mr. Leondo. Nakatikom ang kanyang bibig at kanina pa tulala. Sa palagay ko, gusto niyang suntukin ang ama niya ngayon dahil sa ginawang panghihiya nito sa aking harapan.  “Iyon ay kung tatanggapin ni Maia ang alok ko.” Nakangiting sambit ni Mr. Leondo. Alok niya o alok ni Signor? Hindi ako nag-aasume pero bakit ako ang piniling paglaanan ng atensyon ni Signor? Ano bang mayroon sa akin? Napatingin ako kay Rowan. Kung tatanggapin ko at hindi nagustuhan ni Rowan ang pagpayag ko, siguradong magkakabangayan kaming dalawa sa condo. Gusto ko kahit papaano ay ikonsidera ang nararamdaman niya. “Go ahead.” Tipid niyang sabi. “Buhay mo naman ‘yan at isa pa, may tiwala ako sa ‘yo.” Aniya at hinawakan ang aking kamay at sinundan ng ngiti. Gusto kong magtrabaho pero umaatras ang kagustuhan ko dahil si Signor ang pagsisilbihan ko. Dismayadong napailing na lamang si Mrs. Amy.  WEARING a black pencil skirt and a white blouse under a maxi length gray coat ay naglakad ako papasok ng Kledd. Nakasunod lamang ako kay Mr. Leondo at kay Rowan na siyang mag i-introduce sa akin sa mga employees at kay Signor.  “You had already met him during the CEO election. He’s kind and professional, hindi mo kailangang kabahan.” Ani ni Mr. Leondo. Napatango ako ngunit sa likuran ng aking isipan ay gusto kong tumawa. Kind and professional, huh. Kung alam lang nilang minsan ko na siyang nakausap at hindi naging maganda ang pag-uusap naming dalawa. Nang bumukas ang elevator ay agad na yumuko ang mga employees para magbigay galang sa dalawa. Ako ay nakasunod lang sa kanilang likuran, at hindi man lang ako nagawang lingunin ni Rowan na para bang hindi niya ako kinikilalang asawa. He’s been spacing out mula kanina.  Nang bumukas ang pintuan ay malakas na pagbati ni Mr. Leondo ang iginawad niya kay Signor. Bumilis ang tahip ng akung puso lalo na nang bumaling siya sa akin. “Medyo inaantok pa ako. I have been flying from Manila then back to Rome. Hindi lang Kledd ang hinahawakan ko.” Aniya nang kumustahin siya ni Mr. Leondo, hindi niya inaalis ang mga mata sa akin. “Hindi kinaya ng Personal Assistant ko kaya nag resign.” Aniya at tumawa saka niya inalis ang tingin sa akin. “It’s a good practice for Interlocking directorates. Kaya malaki ang tiwala ko sa ‘yo, you can lead not just only one Industry.” Puri ni Mr. Leondo at tumingin sa akin. “I suggest you Maia Giltendez, Rowan’s wife, to be your secretary. She can be your personal assistant if you want but make sure to return her to her husband after work.” Biro ng matanda at tumawa. “Pa,” rinig ko ang pag-alma ni Rowan. Bakit siya natatakot sa sariling ama? Bakit hindi niya ako magawang ipaglaban? Pareho lang kaming talunan dito. Ngumisi si Signor at umiling. “Certainly,” tipid niyang sagot at muling tumingin sa akin. “How about Rowan?” “Nah! I strictly prohibited romance in the office.” Tumawa naman si Mr. Leondo. Napansin ko ang pagkuyom ng kamao ni Rowan. Alam kong hindi niya nagugustuhan ang sinasabi ng Ama pero wala siyang ginagawa kung hindi ang makinig. Kahit ako ay gusto kong umalma kung pwede sa ibang position na lang ako ilagay at ‘wag kay Signor pero natatakot akong umalma. Natatakot ako sa mga Giltendez dahil hindi ko alam kung ano ang pwede nilang gawin kung sakaling may humarang sa desisyon nila. Isa sa mga kinabibiliban ko kay Signor ay ang pagkuha niya ng tiwala kay Mr. Leondo.  “Pwede mo siyang kilalanin,” ani ni Mr. Leondo at sumenyas kay Rowan para makalabas ng pintuan. Nagkatinginan kami ng asawa ko bago tuluyang sumara ang pintuan. Leaving me alone with Signor. Nakatago ang kanyang dalawang kamay sa kanyang mga bulsa nang humakbang papalapit sa akin. Ilang sandali pa’y unti unting sumilay ang ngisi sa kanyang labi. “Sa akin pa rin ang bagsak mo, Mrs. Giltendez.” 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD