NATAPOS SUMIGAW NI Hiro ay napatakbo na ito papunta sa itaas. Napatingin lang siya rito habang hindi alam kung ano ang dapat na gawin. Hinabol ito ng kaniyang ama kaya mas binilisan pa nito ang pagtakbo. Sa nakikita niya, gusto nitong mapag-isa. Nang dumaan na ito sa tapat niya, hinawakan niya ang braso nito. Napatingin lang ito sa kaniya sabay tanggal ng kamay niya na nakahawak sa braso nito. Pagkatapos, muli na itong napatakbo patungo sa kuwarto nito. Parang sinaksak ang puso niya nang makita ang mga mata nito. Nakikita niya na labis na nasasaktan ito. Huli niyang nakita na umiyak ito, noong nagkaroon ito ng isang matinding kasalanan kay Yvonny. “U-Uncle!” sigaw niya habang nagpupunas ng luha sa kaniyang mga mata. Napahugulgol na lang si Celeste nang hindi siya pinansin ng kaniyang