“CYNTHIAAA!” SIGAW NI Thamara. Nang marinig ni Celeste ang boses ng kaibigan na tinawag ang pangalan ni Cynthia ay nagsitayuan ang kaniyang mga balahibo sa buong katawan. Napahagulgol siya sa labis na takot. Paglingon niya sa kaniyang likuran, napasigaw siya nang makita ang biak na ulo sa kaniyang harapan. Sa pagkakataong iyon, nandilim ang kaniyang paningin at nawalan ng malay. Hindi niya nakayanan ang takot sa nakita. Pagkagising ni Celeste, sigurado siya na nasa loob siya ng clinic sa kanilang unibersidad. Iginiya niya ang kaniyang tiningin sa paligid at wala siya ni isang tao na nakita. Walang tigil na sa pagpatak ang luha sa kaniyang mga mata. Mas lang siyang kinabahan. Nang naalala niya ang tumilapon na mga mata at utak sa sahig, napasuka siya sa sahig. Nang marinig ng nars ang in