“UNCLE HIRO, WALA naman sanang favoritism. Doon tayo sa kwarto! Hayaan mo na ang pader riyan!” sigaw ni Cayne. Agad napabangon sa kama si Hiro at napatakbo patungo sa pintuan. Bago ito lumabas, nilingon siya nito at kinindatan. Napatango siya bilang sagot dito kaya tuluyan na itong lumabas. Napabuntonghinininga na siya. Naghihinayang lang siya na hindi natuloy ang paghahalikan sana nilang dalawa. Iyon sana ang una niyang pagkakataon na makahalik ng isang lalaki na nasa kaniyang sarili. “Ikaw talaga, Kuya Cayne! Kanina ka pa,” sabi niya sa kaniyang sarili. Tiningnan niya ang orasan at malalim na ang gabi kaya napagdesisyunan na lang niya na matulog. Gusto na niyang magpahinga lalo pa at ang dami na ng nangyari simula pa lang noong sumikat na ang araw. Ipinikit na niya ang kaniyang m