Single Dad ( KABANATA 10 )
KABANATA 10
ILANG araw ang lumipas ay naging maganda naman ang takbo ng buhay ko sa pagiging yaya ni Kenny. Nakagaan din sa aking trabaho ang pagkawala ni Jane, dahil wala nang lakas ng loob si Karen na bulihin ako. Naging seryoso na ito sa trabaho at madalas na rin akong kinakausap, ngunit hindi kami gaanong ka-close sapagkat nararamdaman ko na may lihim pa rin itong inggit sa akin. Hindi ko alam kung anong dapat ikagalit ni Karen, kasi hindi ko naman hiniling na bigyan ako ng mga magagandang damit ni Sir Mike. Pero nang makita niya iyon ay lubos-lubos ang paghanga nito sa damit ganun din ang pagkadismaya dahil hindi man lang siya nabigyan. Hindi ko naman siya mabigyan, dahil baka naman magalit si Sir Mike pagnakitang suot iyon ni Karen.
Palagi ding nasa trabaho si Sir Kinly kaya naman magaan ang takbo ng buhay ko sapagkat hindi kami nagkikita ng amo ko. Si Ate Ester at Ate Lita ang siyang madalas kong nakakakuwentuhan kaya close na kaming tatlo.
Sa kabilang banda. Ito na ang itinakdang araw na isinet ng mga kaibigan ni Kinly ang pakikipag-blind date niya sa isang babae. Busy siya sa trabaho ngunit kailangan niyang umuwi ng maaga para lang puntahan ang babaeng ka-date niya. Sinigurado pa iyon ni Alfred na makakapunta nga siya at hindi niya iindyanin ang babae. Kaya napilitang pumunta si Kinly sa isang mamahaling restaurant na pinareserved ni Mike.
Pagpasok ni Kinly sa pintuan ng resto ay sinalubong kaagad siya ng isang empleyado.
“Sir, may reservation po ba kayo?“ tanong nito.
“Yes. I’m Kinly Roger," saad niya rito.
“Okay sir, this way po." Itinuro nito ang daan patungo sa upuan na pinareserved ng kaibigan. Hanggang sa makarating sila sa dulo kung saan medyo tahimik at iisang babae lang ang nakaupo.
“Thank you!" saad niya sa empleyado ng resto.
“Your welcome sir.“ Tugon naman nito.
Lumapit siya sa babaeng nakaupo. Saka lang niya nakita ang itsura nito dahil nakatalikod ito kanina.
Isang chintang babae na may tangkad na limang talampakan. Nakaheels ito at nakasuot ng maikling bestida na fit na fit sa katawan niya. Medyo makaumbok ang dibdib na parang sinadyang paumbukin iyon kasi asset niya iyon upang magustuhan siya ng lalaki.
“I’m sorry I’m late, medyo traffic sa daan." Bungad ni Kinly sa babae.
Medyo natulala pa ito sa unang pagkakakita niya kay Kinly, ngunit bigla ring natauhan nang muling magsalita si Kinly.
“Hey!" basag ni Kinly sa nakatulalang babae.
“Oh! I'm sorry, medyo nagulat lang ako. I didn't expect na sobrang guwapo pala ng ka blind date ko. Akala ko ay nagbibiro lang si Mike.“
Nagkibit-balikat lang si Kinly. Alam niyang guwapo siya pero katulad ng inaasahan ay masyadong bulgar ang paghanga sa kaniya ng babaeng kaharap niya. Hindi maganda sa babae na siya pa ang unang pumuri at nagpakita ng pagkagusto.
“Anyway, I’m Helena Torrens. And you are Kinly Roger right?" anito.
"Yes. Can we order the food now?" Tanong ni Kinly na parang nababagut na kaagad sa ka blind date niya.
“Yeah, sure!" tugon naman nito.
Ilang oras ang nakalipas ay madali ring natapos ang blind date nila ni Helena. Kaagad na rin siyang umuwi sa bahay dahil mas gusto pa niyang magpahinga. Gusto pa nga nitong papasukin siya sa kaniyang bahay, ngunit tumanggi siya kasi talagang hindi niya type ang babaeng katulad ni Helena. Hindi niya inaasahan na pagdating niya sa bahay ay naroon pala ang mga kaibigan niyang sila Mike, Alfred at Gab. Humingi siya ng coffee, para mawala ang antok niya. Sana ay matutulog na siya pagdating pero may mga bisita pa pala siyang kailangang i-intertain.
Lumabas si Alice, dala ang kape na pinatimpla niya kay Ate Ester.
“Where is Kenny?" tanong niya rito.
“Tulog na po sir, kaya tumulong muna ako kay Ate Ester sa kusina kasi wala po si Aling Lita." Paliwanag ni Alice. Tuwang-tuwa naman si Alfred dahil kanina pa niya nakikita si Alice. Nakatitig ito kay Alice na kaagad namang napansin ni Kinly. Kaya nairita na naman siya sa kaniyang maid.
“Bakit ang aga mo yata ngayon? Hindi ka ba nag-enjoy kay Helena, Kinly?“ tanong ni Mike.
"I don't like her, masyado siyang maingay.“
Nagtawanan ang mga ito.
“Natural lang sa babae ang maingay sa kama, Pare!“ saad ni Gab kay Kinly.
Saktong naglalagay naman si Alice ng kape sa table nang banggitin iyon ni Gab. At hindi niya inaasahan ang mga ganoong usapan. Kaya nataranta siyang ibaba sana ang kape para makaalis na siya ngunit dumulas ang hawakan kaya medyo natapon ito at napaso siya.
“Aww!!" daing ni Alice.
Nataranta naman si Kinly sa nakita kaya bigla siyang napaangat upang tulungan si Alice pero naunahan naman ito ni Alfred na kaagad na kinuha ang kaniyang panyo at pinunasan ang kamay ni Alice.
“Careful, Alice. Hindi ka dapat nagmamadali.“ Paalala ni Alfred kay Alice.
“So-sorry po, Doc Alfred. Medyo nataranta lang po ako. Sige po, papasok na po ako sa loob." Tumalikod na ito kaya saglit na nagkaroon ng katahimikan.
“I think virgin pa si Alice,“ wika ni Gab.
“Of course she is, hindi pa nga siya nagkaka-boyfriend e.“ Tugon naman ni Mike.
"Shhss, huwag n’yo nang pag-usapan ang future wife ko. Mabalik tayo kay Pareng Kinly na pinag-uusapan."
“Future wife?!" sabay na saad ni Mike at Gab.
“Why not?" natatawang sabi ni Alfred sa reaksyon ng dalawa.
“Tsk! Tigilan mo nga iyan at mahirap makahanap ng masipag na yaya sa panahon ngayon. By the way, mabalik tayo kay Helena? Bro, natural lang sa babae ang maingay. At mas nakakagana nga iyon lalo na kapag sinabayan pa ng ungol.“ Natatawang sabi ni Gab.
“Shut your mouth! Hindi iyan ang ibig kong sabihin. Ayoko sa babaeng madaldal, at kung anu-anong kinukuwento. Hindi man lang siya nakahalata na hindi ako interesado sa mga kuwento niya sa buhay.“ Paliwanag ni Kinly.
“What?! You mean the dinner is over without anythings happen?“ manghang tanong ni Mike.
“I don't like her," mabilis na tugon ni Kinly.
“I know it! Alam ko na ang mga tipo ni Pareng Kinly. May bago akong iba-blind date sa ’yo at sigurado ako na magugustuhan mo siya.“ Ani Alfred kay Kinly.
“Puwede bang itigil na natin itong kalokohan na ito?“ ani Kinly sa tatlo ngunit parang ayaw magpaawat ng mga ito.
“Hindi puwede hanggang hindi mo nakikita ang babaeng magpapagaling sa karamdaman mo. I’m sure na magugustuhan mo siya.“
Napakibit-balikat na lang si Kinly sa kaibigan na si Alfred. Gusto na niyang tanggihan sana ito pero alam niyang hindi siya titigilan ng mga ito.
“Hope na maging okay na ang next blind date,“ ani Mike kay Alfred.
“Oo, sigurado ako na magugustuhan niya ’yong ipapakilala ko. Anyway pare, kailan pala ang day off ni Alice?“ pag-iiba ng tanong ni Alfred.
“Day off?“ takang tanong ni Kinly.
“Yes. Day off? Of course lahat ng trabahador may day off sa trabaho.“ Paliwanag ni Alfred sa kaibigan.
“Ha? Bakit mo naman naitanong iyan, Alfred? Anong balak mo kay Sister Alice? Naku ha, don't use her as your toy. Maawa ka sa kaniya, she is here para magtrabaho, huwag mong sirain ang pangarap niya." Paalala ni Mike kay Alfred. Natahimik naman si Kinly. Kailanman ay hindi humingi ng day off si Alice. Wala naman kasi itong pinupuntahan.
“Hindi ko gagawin iyan sa kaniya. Trust me! I like to invite her for a date. I want to courting her.“ Pag-amin pa nito sa lahat.
“Are you serious, Bro? Bakit kay Alice ka natamaan ay hindi ba’t maraming babaeng patay na patay sa ’yo? Tsaka marami namang babaeng puwede mong ligawan, bakit si Alice pa?" takang tanong ni Gab.
"She is also a woman, at isa pa kakaiba siya sa lahat ng babaeng nakilala ko. Hindi ko alam pare e pero alam mo ba ’yong na love at first sight ka.“
Nagtawanan ang lahat bukod kay Kinly na tahimik lang at seryosong nakikinig habang umiinom ng kape.
“Paranoid ka na, Alfred. Siguro ay nasosobrahan ka na sa trabaho kaya dapat magpahinga ka rin katulad ni Pareng Kinly. Mas malala pa yata ang sakit mo e!“ natatawang saad ni Gab.
“I'm serious! Kaya ano na pare, kailan ba ang day off ni Alice para ma-invite ko siya for a date?" baling ni Alfred kay Kinly.
“Ask her, not me! Make sure lang na may mag-aalaga kay Kenny dahil kung wala she’s not allowed to go out.“ Seryosong sabi nito.
“What?! Napakabait mo talaga, Boss Kinly." Ani Alfred na medyo nainis sa sinabi nito.
“Okay. I will help you bro, we will take care of Kenny. Wala naman kaming ginagawa kapag weekend so puwede nyo siya ihabilin samin ni Angie.“ Saad ni Gab na kinasaya naman ni Alfred.
"Napakabait mo talaga, Bro! Thank you! So, Boss Kinly. Did you heard that?" muling baling ni Alfred kay Kinly.
“Bahala ka!" anito na walang makikita expression sa mukha.
Napapalakpak si Alfred dahil sa tuwa. Kaya napailing-iling na lang si Kinly.
At nang matapos ang usapan nilang tatlo ay umuwi na rin ang mga ito. Si Kinly naman ay silinip muna si Kenny bago siya matulog. Tulog na ang anak niya, ngunit wala si Alice. Mukhang nasa baba pa ito kaya sinamantala niya na matitigan ang kaniyang anak habang natutulog.
“Son, I know it's hard to understand everything. But I’ll make sure you'll be fine.“ Hinawakan nito ang buhok ni Kenny at hinalikan sa noo. Saka nagpasyang umalis. Sakto namang pagbukas niya ng pinto ay bumungad si Alice. Bagong ligo ito at ngayon ay nakasuot na nang panipis na panjama at sando. Ngayon lang niya nakitang nakasando ito, kitang-kita ang cleavage ni Alice na siyang unang nahagip ng kaniyang paningin. Kaagad naman niyang binawi ang tingin at sa iba ibinaling ang mata.
“Sir?!“Gulat na sabi ni Alice. Hindi malaman kung anong gagawin nang makita siya.
“Chineck ko lang si Kenny," saad ni Kinly sabay labas ng kuwarto. Naamoy niya pa si Alice na amoy aroma. Ito siguro iyong ginagamit nitong lotion sa katawan na siyang bumahid sa kaniyang ilong na biglang nagpatuliro sa kaniya. Napailing na lang siya at hindi pinansin ang nararamdaman.
Pumasok siya sa kuwarto at nagtanggal ng suot niyang necktie. Ganoon din ang kaniyang long sleeve polo na isa-isa niyang tinanggal sa botones. Nakaramdam siya bigla ng init sa katawan kaya’t naisipan din niyang mag-shower upang mapreskuhan. Tumapat siya sa ilalim ng rumaragasang tubig, unti-unting nabasa ang kaniyang mukha hanggang sa mabasa na rin ang kaniyang katawan. Nakapikit siya habang nakahawak ang dalawang kamay sa pader. Nag-iisip. Nang biglang mag flashback sa utak niya ang itsura ni Alice na nakasuot ng manipis na sando na kita na ang maputing cleavage. Ganoon din ang balikat nito na tamang-tama ang pagkahulma na naglalarawan sa isang seksing babae. Ganoon din ang isang aromang amoy nito na wala na sa pang-amoy pero hindi maalis sa kaniyang isipan. Bigla siyang natigilan at umiling. “This is insane! She’s not my type! Never!“ aniya na pilit isiniksik sa kaniyang isipan ang katagang iyon.
Dalawang araw bago sumapit ang weekend nang sabihin ni Manang Ester sa kaniya na humihingi ng day off si Alice. Hindi na siya nagtanong kung bakit dahil alam naman niya ang dahilan kaya walang ibang salita na pumayag siya. Hindi niya kailangang biguin ang kaibigan at baka sabihin pa nitong may gusto din siya sa babaeng iyon.
Pero kasabay noon ay ang pagsasabi ni Alfred na makikipag meet na ang kablind date na tinutukoy nito. Gusto man niyang tanggihan dahil pakiramdam niya ay nasasayang lang ang oras niya ay hindi naman niya magawa. Pagbibigyan na lang niya ito ngayon pero huling beses na siyang makikipag blind date. At kapag palpak pa rin ay hindi na siya papayag sa kalokohan ng mga kaibigan.
Sabado ng gabi ang oras kung saan ang blind date niya na tatagpuin niya ulit sa isang restaurant. Si Alfred ang nagpili ng lugar at oras. Katulad ng nauna ay late na naman siyang dumating. Ngunit kakaiba ang pagdating niya sa lugar dahil naroon ang kaibigan nitong si Alfred. Kasama nito ang babaeng ka-blind date niya. Nagtaka siya kung bakit naroon din ito, siguro ay nagsisigurado na matutuloy ang blind date kaya kailangan pa nitong pumunta roon.
“Mabuti naman at dumating ka na, Pare. This is my cousin, Jessy. She is from Italy, but she is pure pilipino. Kakauwi lang niya noong isang linggo." Pagpapakilala ni Alfred sa kaniyang pinsan.
Ngayon naunawaan na ni Kinly kung bakit kailangan kasama pa siya dahil pinsan pala niya ang ipapakilala. Maganda ito, matangkad lang siya ng kaunti, mestisa at sexy. Ngunit para sa kanya ay hindi ito gaanong kaattractive. Nakipagkamay siya kay Jessy. Mahiyain naman ito, kabaliktaran noong nauna na sobrang daldal.
“Maupo tayo," saad ni Alfred.
“Umorder ka na ba?" tanong naman ni Kinly sa kaibigan. Mukha kasing babantayan pa sila nito.
“No, because I’m waiting for someone.“ Paliwanag nito.
Kumunot naman ang noo ni Kinly.
“Who?" tanong nito.
“My date." Tipid nitong sagot.
“What do you mean?"
“Sorry, pare. Hindi ko nasabi sa ’yo na doble date pala ito.“ Wika ni Alfred sa kaniya. “Oh, she's here!“ Tumayo si Alfred upang salubungin ang kaniyang hinihintay na ka-date. Napalingon naman si Kinly sa pintuan at doon niya nakita kung sino ang ka-date nito.
Si Alice, nakasuot ito ng isang sleeveless halter neck red dress. Nakaheels na may taas na 2 inches at nakalugay ang buhok.
Natulala si Kinly nang makita niya si Alice sa ganoong ayos,, ngunit maya-maya lang ay napalitan ito ng inis. Bakit hindi sinabi ni Alfred na ang date pa lang ito ay para sa dalawang couple at malaking insulto sa kaniya na ang makakasama pa niya ay ang yaya ng kaniyang anak.
Please Follow, Comment and Share
#trending #story #w*****d
Jobelle Radones