Single Dad ( Kabanata 11 )
KABANATA 11
HINDI ko alam na makakasama pala namin ni Doc Alfred si Sir Kinly sa dinner. Hindi naman sa akin sinabi nito kasi kung alam ko ay baka tumanggi na lang ako. Hindi ko kasi matanggihan si Doc Alfred dahil napakabait nito sa akin. Kaya bilang ganti ng kabaitan ay pumayag akong kumain kasama niya. Ngunit parang gusto ko nang magbackout nang makita ko si Sir Kinly sa restaurant na pinaghatiran sa akin ni Mang Ruben. Nagpumilit din kasi si Mang Ruben na ihatid ako, matapos na ihatid namin si Kenny sa bahay ng mag-asawang Angie at Gab. Nang bumungad ako sa pintuan ay nakita ko kaagad si Doc Alfred, ngunit natigilan ako nang makita ko si Sir Kinly. Parang ayaw ko nang tumuloy kaso mas nakakahiya kung para akong si Cinderella na tatakbo.
“Alice!“ tawag sa akin ni Doc Alfred.
Lumapit na ako dahil mas nakakahiya naman kung ako pa ang lalapitan ni Doc Alfred. Hindi ako makatingin kay Sir Kinly. Pakiramdam ko nagulat din ito nang makita ako, at ngayon ay parang galit na naman ito. Napansin ko ang isang babaeng nakaupo sa tabi ni Doc Alfred. Maganda siya at mukhang artista. Parang ito na yata ang pinag-uusapan ng magkakaibigan na kablind date ni Sir. Bagay sila, isang maganda at guwapo.
“Maupo ka, Alice.“ Napaka-gentelman talaga ni Doc Alfred. Ipinaghila pa niya ako ng silya para lang makaupo ako. Pakiramdam ko tuloy para akong sinisilaban sa hiya na nararamdaman ko.
“Who is she?“ tanong ni Jessy kay Alfred.
“She is Alice, siya ’yong yaya ni Kenny.“ Paliwanag ni Alfred.
“Who’s Kenny too?" muling tanong nito.
“He is my son." Biglang sagot ni Kinly.
Natigilan si Jessy sa sinabi nito.
“I’m sorry, Jes. Nakalimutan kong sabihin na may isang anak si Kinly.“ Paliwanag ni Alfred kay Jessy.
“It’s okay, nagulat lang ako." Pag-amin nito kay Alfred.
“Well, mabait naman ang inaanak kong si Kenny. I’m sure na magkakasundo kayong dalawa.“ Wika pa ni Alfred kay Jessy.
“Really? So kailan ko siya puwedeng ma-meet?“ Excited na tanong nito.
Natahimik si Alfred at tiningnan si Kinly. Hinihintay na magsalita at gumawa ng moves para kay Jessy, ngunit parang hindi ito interesado kaya natatawang bumaling ito sa akin.
“Alice, gusto mo ba ng ibang maiinom?“ anito.
“Ha? Hindi na po, Doc Alfred. Okay na po ako rito sa juice."
“Food, may gusto ka pang orderin?"
“Huwag na po, at marami na nga po itong nakahanda sa lamesa. Sayang naman po kung hindi mauubos.“
“O sige, pero puwede bang tanggalin mo na ’yong doc sa pangalan ko. Alfred na lang para hindi ko naman maramdaman na nasa trabaho ako palagi." Natatawang sabi nito.
“Hayaan mo siyang tawagin kang Doc, at tama lang naman iyon. Respeto rin sa ’yo lalo na kapag kasama niya si Kenny. Para alam ng anak ko na doktor ka niya.“ Saad ni Kinly.
“Puwede ba kitang makausap saglit, Pare? Excuse me girls at may pag-uusapan lang muna kaming dalawa. Mabilis lang naman ito," seryosong sabi ni Alfred dito. Tumayo na ito at nagtungo sa labas, sumunod naman si Kinly na seryoso ring umalis.
“What is their problem?" tanong ni Jessy sa akin.
"Hindi ko po alam e," tugon ko rito.
Pero pakiramdam ko ay wala sa mood si Sir Kinly. Baka hindi nito gustong kasama ako. Ano kaya at magpaalam na ako. Oo tama, magpapaalam na ako pagbalik nila kasi hindi ko kayang makitang galit si Sir Kinly. Ayoko rin mawalan ng trabaho dahil lang sa dinner na ito.
Sa kabilang banda, seryosong kinausap ni Alfred si Kinly sa naging ugali nito kanina.
“What's wrong with you, bro?“ tanong ni Alfred.
“What's wrong with me? Dapat nga ikaw ang tanungin ko. Why you didn't tell me, that this is a doble date?"
“Hindi ba puwedeng nakalimutan ko lang? Saka hindi kasi ako sure kung sisiputin ako ni Alice kaya naman hindi ko na nasabi sa ’yo. Anong problema don, bro? Alice is my date, dapat si Jessy ang iniisip mo. Paano magwo-work ang blind date na ito kung ’yong mga simple niyang tanong ay wala ka namang balak sagutin man lang? Ipinahihiya mo siya, pare. Kaya hindi na ako magtataka kung bakit hindi magwo-work ang mga bina-blind date namin sa ’yo kasi kahit sino pang babaeng i-date mo kung wala ka namang balak i-entertain ay wala ring kuwenta, because you really don't want to let them into your life.“ Naiinis na sabi ni Alfred.
Hindi nakapagsalita si Kinly. Kaya napailing-iling na lang si Alfred. Nang wala na silang mapag-usapan ay nagyaya na ulit itong pumasok sa loob. Sakto namang tumayo si Alice.
“Ahm, Doc Alfred, Sir Kinly. Medyo masama po ang pakiramdam ko, uuwi na po sana ako.“ Paalam nito.
“Okay, ihahatid na kita." Saad ni Alfred ngunit biglang umimik si Kinly.
“Sumabay ka na sa akin at kailangan pa nating sunduin si Kenny.“ Saad nito sabay talikod at naglakad na palabas ng restaurant. Napatingin naman ako kay Jessy na mukhang nadismaya sa dinner date nila kaya humingi ako ng pasensiya kay Doc Alfred ganoon na rin kay Jessy. Baka kasi kasalanan ko kung bakit nasira ang gabi nila.
Sumunod ako sa parking lot. Sa hindi kalayuan ay nakita ko ang sasakyan ni Sir Kinly. Sasakay sana ako sa backseat pero paghawak ko sa bukasan ng pinto ay naka-lock iyon kaya kinatok ko si Sir Kinly sa bintana. Bumaba naman ang salamin.
“Sir naka-lock po ang pinto,“ wika ko.
“Balak mo bang gawin akong driver mo?!" tanong nito.
“Po? So-sorry sir hindi po ako marunong mag-drive ng sasakyan,“ tugon ko sakanya.
“Tsk! Dito ka sa harapan sumakay!" anito na parang naiinis pa ang boses.
“Ah o-okay po sir!" Umikot ako sa kabilang side ng kotse at doon ako sumakay sa harapan katabi ng driver seat.
Bakit ba laging mainit ang ulo niya e sa hindi ko naman alam ang ibig niyang sabihin. Akala ko kasi balak niya akong pag-draybin.
Habang nagmamaneho si Sir Kinly. Hindi ko maiwasan na mapatingin sa bawat galaw niya. Maging pagbuntong hininga niya ay naririnig ko rin sa sobrang tahimik sa loob ng sasakyan. Nakatingin ako sa harapan ngunit nahahagip pa rin ng paningin ko ang mga kamay nito kung paano siya magmaneho. Nakikita ko na seryoso rin itong nagda-drive kaya naman sumimpleng tingin ako sa kaniya para makita ko kung hindi na ba nakakunot ang noo nito, ngunit pagtingin ko ay nakatingin din pala ang mata nito sa akin kaya biglang bawi ko ng tingin at ibinaling sa harapan muli ang paningin. Medyo namula ako nang mahuli niya akong tiningnan ko siya. Isang beses ko lang kasi siyang natingnan sa mukha, ’yon yung gabing lasing ito at nilalagnat.
Kapag si Sir Kinly ang makakasama ko palagi, siguradong panis ang laway ko.
Ilang sandali lang ay nakarating kami sa bahay ng kaibigan niyang si Mam Angie at Sir Gab.
“Kunin mo na si Kenny," utos nito sa akin.
Kaya dali-dali na akong bumaba ng sasakyan. Mukhang ayaw nitong makipag-usap sa mga kaibigan niya.
“Oh, Alice?! Tapos na kaagad ang dinner ninyo? Parang ang bilis naman yata.“ Takang sabi sa akin ni Mam Angie.
“May problema ba?" tanong naman ni Gab.
“Ah... e... bigla po kasing sumama ang pakiramdam ko kaya nagpaalam na po akong umuwi.“ Pagdadahilan ko na lang.
“Ganoon ba, do you want coffee? Baka gusto mo munang mag-stay kahit sandali," saad ni Ma'am Angie.
“Naku, huwag na po kasi kasama ko po si Sir Kinly. Nasa sasakyan po siya at pinakukuha lang po niya sa akin si Kenny." Pag-amin ko sa mag-asawa, kaya naman naunawaan na kaagad ng mga ito.
“Oh, now I know what's going on. Pero tulog na si Kenny," saad ni Angie sa akin.
“Ako na ang bubuhat kay Kenny,“ wika naman ni Gab.
Hindi na ako tumanggi dahil sa suot kong sandals baka madapa pa ako pagnagpumilit pa akong magbuhat kay Kenny. Sumunod na lang ako rito paglabas. Nang makita ni Kinly na parating na kami ay bumaba ito ng sasakyan at binuksan ang back seat para doon maihiga si Kenny. May unan na rin doon kaya hindi mahihirapan si Kenny na ituloy ang pagtulog.
“Kumusta ang date ninyo, bro?“ tanong ni Gab kay Kinly.
“Date?“ takang tanong ni Kinly.
“Yes. Date," ulit ni Gab sa kaibigan.
Napatingin sa akin si Sir Kinly, kaya naman dali-dali na akong pumasok sa loob ng sasakyan. Mukhang ayaw kasi nitong madinig ko ang pag-uusapan nila. Mukhang kasalanan ko nga kung bakit natapos kaagad ang date nila. Kung hindi ako nagpaalam na umuwi e di sana ay naroon pa kami at kumakain. Malaking kahihiyan iyon kay Doc Alfred kasi hindi naging maganda ang unang beses na pagyayaya nito sa akin.
Ilang sandali pa ay sumakay na rin si Sir Kinly sa sasakyan. At umalis na rin kami sa lugar.
Habang nasa biyahe at seryosong nagda-drive si Sir Kinly ay lakas loob ko siyang kinausap.
“Sir, pasensya na po kayo kung naabala ko po kayo ngayong gabi." Hinging paumanhin ko rito.
“What do you mean?" kaagad na tanong naman nito habang ang mukha ay nakaharap pa rin sa daan.
"Mukhang kasalanan ko po kasi na natapos ang dinner date ninyo ni Mam dahil sa akin."
“I left because I was bored, not because of you."
Medyo napahiya ako sa sinabi nito, ganoon pa man ay humingi pa rin ako ng pasensiya.
“Okay po sir, pasensya na po kung mali po ang nasa isip ko."
“Next time, don't go out with fred. You don't know him yet.“ Paalala nito sa akin.
Alam kong hindi ko pa kilala si Sir Alfred, pero mukha namang mabait siya.
“Okay sir," naging tugon ko na lang kahit na labag sa kalooban ko na tanggihan ulit si Doc Alfred.
Nakita kong napatingin sa akin si Sir Kinly. Mukhang nagulat ito sa mabilis kong tugon. Ganoon pa man ay nanatili itong tahimik muli hanggang sa makarating kami sa bahay. Siya na ang nagbuhat kay Kenny papasok ng bahay habang ako naman ang nagbukas ng pintuan para makapasok siya.
Tinanggal ko ang suot na sapatos ni Kenny. Si Sir Kinly naman ay naupo sa tabi ni Kenny at pinagmasdan saglit ang natutulog na anak.
“Sir, gusto nyo po ba ng kape? Ipagtitimpla ko po kayo.“ Tanong ko rito, na hindi ko naman akalain na papayag ito na ipagtimpla ko siya.
“Dalhin mo na lang sa kuwarto ko," saad nito.
Kaya dali-dali na akong lumabas upang magtimpla nv kape. Mamaya na ako magbibihis ng pangbahay kasi baka mainip ito sa paghihintay.
Pagdating sa kusina ay iniready ko kaagad ang baso, ngunit walang laman ang water despenser, mukhang nakaligtaang palitan iyon ni Aling Lita kaya nag-init na lang ako sa heater ng tubig. Hindi kasi ako marunong gumamit ng ibang appliances nila kaya hindi ako naglalakas loob na doon mag-init ng tubig. Baka kulang pa ang sahod ko pagnasira ko iyon.
Ilang sandali lang ay mainit na ang tubig. Sinalin ko na kaagad iyon sa baso na may lamang black coffee. At dinala na iyon sa kuwarto ni Sir Kinly. Kumatok muna ako upang ipaalam na papasok ako, pero walang natugon kaya binuksan ko na ang pintuan. Wala doon si Sir Kinly na ipinagpasalamat ko, atleast hindi ko siya makikita.
Ipinatong ko ang kape sa table niya malapit sa nakabukas na laptop. At doon ko nakita ang monitor nang cctv sa buong bahay. Hinanap ko kaagad kung may cctv sa kuwarto ko sa baba, mabuti na lang at wala, pero laking gulat ko nang makita ko ang kuwarto ni Kenny. Nakita ko sa monitor ang alaga ko na tulog na tulog. Kung ganoon ay nakikita pala niya ang ginagawa namin ni Kenny sa maghapon. Biglang akong kinabahan, lalo na nang makita ko ang sarili ko sa monitor kung saan may roon din pala sa loob ng kuwarto ni Sir Kinly.
“Kunf ganoon, nakita niya ang nangyari?!" Gulat na gulat na wika ko, napaatras akong bigla dahil sa natuklasan. Pero may nabangga ako sa likuran ko na biglang sumulpot doon na hindi ko naman namalayan. Kaya nang mapalingon ako ay laking gulat ko nang makita ko si Sir Kinly na nakatayo roon. Nakahubad baro ito at nakatapis ng isang puting towel. Medyo basa pa ang buhok nito kaya napag-alaman kong naligo pala ito at ngayon ay nakalabas na. Dahil sa pagkagulat ay nataranta ako, ngunit dahil sa heels kong suot ay dumulas iyon sa marmol na sahig, kaya nawalan ako nang balanse. Mabilis namang nahawakan ni Sir Kinly ang kamay ko at ang kabilang kamay ang pinangsalo niya sa akin. Natulala ako at hindi kaagad nakakilos nang harapan kong matitigan ang mukha ni Sir Kinly. Naramdaman ko rin ang matigas na tiyan nito nang tumuon ang braso ko roon. Halos limang segundo yatang hindi ako kumukurap hanggang sa ito na ang magsalita.
“What are you doing?“ tanong nito.
Dali-dali akong lumayo kay Sir Kinly. Nahiya akong tumingin sa kaniya dahil nakahubad baro ito. Parang biglang nag-init ang mukha ko at pinawisan ang noo ko.
“So-sorry sir, hi-hindi ko po sinasadyang tumingin sa laptop. Wala naman po akong ginalaw." Saad ko sa kaniya.
Napatingin ito sa laptop na nakabukas. Saka muling tumingin sa akin.
“Ngayon na nakita mo na may cctv ang buong bahay. Siguro mas mag-iingat ka sa mga kilos mo."
“Opo sir, maingat naman po ako sa lahat ng ginagawa ko, lalo na po kay Kenny. Sige po sir aalis na po ako." Paalam ko rito. Pero bago ako makalabas ng pinto ay nagpahabol ito ng salita.
“Thank you for taking care of me when I was sick."
Nanlaki ang mata ko sa sinabi nito. Kung ganoon alam niyang inalagaan ko siya. Tapos kung anong ginawa ko sa kaniyang pagtitig nang gabing iyon ay nakita rin niya. At ang pagyakap niya sa akin ng mahigpit. Pakiramdam ko ay gusto ko nang lumubog sa kinatatayuan ko kaya imbis na tumugon ay tuluyan na akong umalis at dali-dali nang bumaba para makarating na agad ako sa kuwarto ko. Pagpasok sa kuwarto ay napasandal ako sa likod ng pintuan at doon sinampal-sampal ang mukha.
“Ano bang nangyayari sa akin? Bakit ganito ang pakiramdam ko?" saad ko sa sarili ko. At bago pa ako mabaliw sa kakaisip ay nagbihin na ako nang damit. Hanggang sa muli ko na namang maalala ang sinabi nito. Napangiti ako na parang wala sa sarili. First time kong marinig ang pagpapasalamat niya. Sa lahat ng kasungitan nito sa akin ay biglang nawala iyon sa isang thank you lang.
“Nababaliw ka na, Alice. Bakit ba ganiyan ang reaskyon mo. Alalahanin mo na pansamantala lang iyan, bukas masungit na naman iyan." Pilit kong kinalma ang sarili ko. At ngayon na alam ko na may cctv ang bawat parte ng bahay ay mag-iingat na ako sa kilos ko. Paglabas ko ng kwarto ay pilit kong ikinalma ang sarili ko, bumalik ako sa kwarto ni Kenny. Nahiga na ako sa tabi nito. Nang maalala na may cctv sa kuwarto ay nagtaklob ako ng kumot. At doon parang baliw na ngumingiti ng walang dahilan.
PLEASE FOLLOW, COMMENT AND SHARE
#trending #story #w*****d
Jobelle Radones