Single Dad ( Kabanata 9 )
KABANATA 9
KAHIT na alam kong hindi naman ako ang mapapaalis kundi si Jane ay kinakabahan pa rin ako. Ilang sandali lang habang nasa sala kami ni Kenny ay nadinig ko si Jane na nagsisigaw. Palapit ito sa akin habang galit na galit na bumaba galing sa taas. Mukhang pinatawag ito ni Sir Kinly at ngayon nga ay natuklasan na nito ang totoong nangyari.
“Ano, Alice! Masaya ka na ha! Masaya ka na dahil nagtagumpay ka na ako ang mapaalis hindi ikaw?!“ galit na galit na sabi nito. Muli na namang nabulabog ang buong bahay at maging si Ate Ester ay napalabas na sa kaniyang kuwarto. Nagambala ito sa kaniyang pagpapahinga. Dumating din si Mang Ruben na narinig ang ingay mula sa loob.
“Wala akong kasalanan sa pagtanggal sa ’yo, Jane. Ikaw ang gumawa niyan kaya ka natanggal,“ saad ko kay Jane.
“At talagang nagmamaang-maangan ka pa rin hanggang ngayon. Bakit, akala mo ba porke natanggal ako ay nagwagi ka na? Nagkakamali ka, Alice dahil hindi pa tayo tapos!“
“Jane! Tigilan mo si Alice. Wala siyang ginagawa sa ’yo. Kung ano man ang nangyari sa ’yo ay kasalanan mo iyon dahil sa pagkaambisyosa mo.“ Sabat ni Ate Ester.
“Huwag kang epal na matanda ka! Alam mo isa ka pa e, matagal na akong nagtitimpi sa ’yo. Masyado kang nagmamagaling akala mo lahat ng bagay ay alam mo. Hindi porke matanda ka e palagi kang tama!“ singhal nito kay Ate Ester.
“Jane! Stop it!“ isang malagong na boses ang nagpatigil kay Jane. Si Sir Kinly iyon na ngayon ay pababa na ng hagdan.
Kahit na masama pa ang pakiramdam ay bumaba ito para resolbahin ang problema sa kaniyang bahay.
“Sir Kinly, aalis na ako kaya huwag mo na akong pagalitan. Alam ko naman na kahit mali ang desisyon nyo ay susundin ko. Kahit na ang babaeng ito naman ang may kasalanan!“ Dinuro pa ako nito.
“Then leave quietly! At huwag kang gumawa ng gulo sa pamamahay ko!“ seryosong saad nito.
Tumingin sa akin si Jane nang matalim. Pero hinayaan ko lang ito. Huwag lang akong masasaktan dahil sisiguraduhin kong lalaban ako.
Nag walk out ito papunta sa kwarto niya upang kunin ang mga gamit niya. Si Sir Kinly naman ay muling pumasok sa kaniyang kuwarto dahil kahit may sakit ito ay nakaharap pa rin ito sa laptop at nagtatrabaho.
“Umakyat na kayo sa taas, Alice. Doon mo na lang paglaruin si Kenny sa kuwarto niya pansamantala. Hindi titigil iyan babaeng iyan hanggat hindi pa nakakaalis dito sa bahay. Huwag kang mag-alala dahil hindi naman uubra ang kamalditahan ng babaeng iyan. Mabuti nga sakaniya at natiyempuhan na siya ni Sir.“
“Sige po, Ate Ester. Ipapasok ko na po si Kenny sa kwarto niya.
Pumasok kami ni Kenny sa kaniyang kuwarto, ngunit nag-iiyak naman si Kenny. Gusto niyang pumunta sa Daddy niya.
“Yaya punta tayo Daddy... huhuhu."
“Naku, Kenny! Masama ang pakiramdam ng Daddy mo. Bawal tayo pumunta roon kasi baka mahawa ka ng sakit.“ Pakiusap ko sa bata ngunit lalo itong nag-iyak. Hindi ko ito mapatigil, hanggang sa bumukas ang pintuan at bumungad si Sir Kinly.
“Daddy!“ tuwang-tuwa na tumakbo si Kenny sa kaniyang ama.
Nadinig yata ni Sir Kinly ang pag-iyak ni Kenny kaya't napasugod ito sa kuwarto.
“Why are you crying, Baby?" tanong nito sa anak.
“Daddy, sama ko sayo...“ pagsusumamo ng bata sa ama.
Pinahid ni Kinly ang luha ng anak sa pisngi at binuhat iyon papunta sa kama.
“Son, I’m sick. Gusto mo bang magkasakit din?“
“Opo,“ tugon nito.
Nagulat si Kinly sa naging sagot ng anak.
“Wow, napakagalang naman ng anak ko. Sino ang nagturo niyan sa ’yo?“ tanong nito.
“Yaya Alice, tell. Yes means opo,“ anito.
Medyo namula ako sa sinabi ni Kenny. Bakit wala namang big deal don. Dapat lang na alam ni Kenny ang pagbigkas ng opo.
“Very good, pero hindi pa rin tayo puwedeng maglaro, dahil masama pa ang pakiramdam ko. At marami pa akong trabahong tinatapos.“
“Trabaho lagi, Daddy. Gusto ko Mommy,“ malungkot na saad nito.
Pareho kaming nagulat sa sinabi ni Kenny. First time banggitin ni Kenny ang salitang Mommy.
“Who told you that?" galit na tanong nito sa anak. Napalingon ito sa akin kaya napailing ako.
“Sir wala po akong sinasabi..." mabilis na tanggi ko.
“Cocomelon.“ Malungkot na saad nito.
“Cocomelon? What cocomelon?“ muling tanong ni Sir Kinly sa anak.
“Ay sir sa pinanunuod niya po siguro iyon. Narinig ko po ung bata sa cocomelon my Daddy at ma—“
“Stop! I’m not talking to you!“ saad nito sa akin.
Napatikom tuloy ang bunganga ko. Bakit kasi sa tanda niyang iyan hindi niya alam ang cocomelon, ano ba siya hindi naging bata? Mabuti pa ako may alam kahit wala naman akong cellphone.
“Listen, Kenny. Yaya is there for you. Pag gusto mong maglaro, sabihin mo lang sa kaniya. Kapag natapos ko na ang trabaho ko, I promise na maglalaro tayo. But not this time, okay?“
Naluluhang napatango si Kenny sa kaniya. Hinalikan siya ni Sir Kinly sa noo saka umalis.
Nilapitan ko si Kenny, lumuhod ako sa harapan niya at hinawakan siya sa dalawang kamay.
“Huwag kang mag-alala, Kenny. Maglalaro tayo, gusto mo bang sumakay kay darna?“ tanong ko rito.
“Who's Darna, Yaya?“ takang tanong nito.
“Darna is yung nalipat na superhero. Gusto mo maging darna ako?“
“Really, Yaya?!“
“Oo, just sakay may back and I will lipad for you.“
Dali-daling kumarga si Kenny sa likod ko at nang makakarga na ito sa likod ko ay tumayo na ako at nagtatakbo sa malawak na kuwarto. Tuwang-tuwa ito habang nagsisigaw sa saya.
Sa kabilang banda, seryosong nakatitig si Kinly sa kaniyang screen ng laptop. Malalim ang iniisip nito habang pinagmamasdan ang masayang paglalaro ni Kenny. Nagpalagay siya ng mga cctv sa iba't ibang parte ng bahay na hindi nakikita ng kahit na sino. Pinasadya niya iyon sa technician, para kahit abala siya sa trabaho ay makita niya ang kalagayan ng kaniyang anak. Masipag naman ang bagong yaya ni Kenny, pero bakit parang naiinis pa rin siya rito kahit wala naman itong ginagawa. Ayaw niya sa babae iyong maraming alibi at maraming paliwanag.
Medyo sumasakit ang ulo niya kaya tumigil na siya sa pagtatrabaho. Muli siyang nahiga at nagpahinga at paggising niya ay may dumating na bisita. Ang mga kaibigan niya na may dalang pagkain.
“Kinly! Kumusta ka? Lasing na lasing ka kahapon,“ saad ni Angie.
Nasa garden sila at nakaupo sa mahabang upuan. Nakalagay sa lamesa ang iba't ibang pagkain na dala nilang mag-asawa. Naroon din si Mike na may dalang mga paperbag. At hinihintay pa nila si Alfred na on the way na raw.
“Paano n’yo nalaman na nandito ako sa bahay?“ takang tanong ni Kinly.
“Your secretary said na may sakit ka raw kaya hindi ka nakapagtrabaho. And that is the biggest good news for us." Saad ni Angie.
Natawa si Mike sa sinabi ni Angie.
“At masaya pa kayo na nagkasakit ako?“ takang sabi nito.
“Of course not, masaya lang kami kasi atleast nagkaroon ka ng time para magpahinga. Siya nga pala, where is Alice?“ tanong ni Mike.
“And why are you looking for her?“ takang tanong naman ni Kinly.
“I have some clothes for her. Natuwa kasi ako sa kaniya kaya itong mga stock na dress na gawa ko ay ibibigay ko na lang sa kaniya. Where is she?“
Napailing si Kinly sa sinabi nito. Hindi niya akalain na pati mga kaibigan niya ay nakakakuha ng atensyon nito.
Dumating si Karen, dala ang juice para sa mga ito. Kaya inutusan na rin ni Kinly na tawagin si Alice.
“Sa susunod huwag mo nang pag-aksayahan ng oras para magdala ng mga ganiyan. She is not important person, yaya lang siya ng anak ko.“ Ani Kinly kay Mike.
“At bakit ka naman nagagalit ng ganiyan kung hindi siya importanteng tao ha, Kinly? At isa pa, I really like her attitude. She looks innocent. Gusto ko nga siyang aluking mag model sa susunod na tournament na dadaluhan ko next month e. Malaki ang kikitain niya sa akin, kaysa sa pagyayaya." Pag-amin ni Mike kay Kinly.
“Tsk! It's up to you." Maikling tugon nito.
Sa kabilang banda. Iritang tinawag ni Karen si Alice sa kuwarto.
“Hoy! Pinatatawag ka ni Sir sa baba.“
“Ha? Bakit?" Kinakabahan na naman ako pag pinatatawag ako ni Sir Kinly. Pakiramdam ko ay palagi akong may nagagawang mali.
“Malay ko. Bakit kailangan mo pang magtanong, hindi ka na lang pumunta doon!" mataray na sabi nito. Hindi na nito inantay ang sagot ko, kasi umalis na rin kaagad ito. Pareho talaga sila ng ugali ni Jane. Mabuti na lang at wala na si Jane. Iisa na lang ang maldita dito sa bahay.
Nagmadali na rin akong bumaba at baka magalit pa si sir sa paghihintay. Nakita ko nga ang mga ito sa hardin kasama si Sir Mike, Mam Angie at ang asawa nitong si Sir Gab.
“Oh, Hi Dear?! I have something for you." Tumayo ito at inabot sa akin ang mga paper bag.
“Ano po ito, Sir Mark?“ nagtatakang tanong ko.
“Mga dress iyan na alam kong magagamit mo sa mga date mo, or sa mga paglabas mo kasama ang boyfriend mo.“ Nakatawang sabi nito.
Nakita ko ang mukha ni Sir Kinly na parang inis na naman at seryoso itong nakatitig na naman sa malayo. Umiinom ito ng tea.
“Naku, wala po akong boyfriend.“ Pag-amin ko kay Sir Mike.
“Really? Sa ganda mong iyan wala kang boyfriend or manliligaw man lang?" takang sabi ni Mam Angie.
Nahihiya akong tumango.
“Bakit naman magkakaroon ng boyfriend si Alice e strikto itong amo niya.“ Nagtawanan ang tatlo, bukod kay Kinly na magulat sa sinabi ni Gab.
“What? Wala akong pakialam sa kaniya. Ang rules ko rito ay unahin ang trabaho bago ang kung anong bagay. Binabayaran ko sila para magtrabaho, kung ayaw nila ay marami namang trabahong puwedeng pasukan riyan. Kaya wala akong pakialam sa love life niya.“ Mahabang tugon ni Kinly. Hindi nito nagustuhan ang pagbibintang sa kaniya na kaya wala siyang boyfriend ay dahil mahigpit ang amo niya.
“Why are you mad, Kinly? I’m just kidding, you know? Natatawang sabi ni Gabriel.
Hindi nagsalita si Kinly.
“O nariyan na pala si Alfred e!“ saad ni Mike na napansin ang pagdating ng isa pang kaibigan.
“What are you waiting for? Bumalik ka na sa loob at baka nag-iiyak na si Kenny." Singhal ni Kinly sa akin kaya nagulat ako. Nataranta ako dahil sa galit na saad nito. Kaya dali-dali na akong umalis.
“Bakit mo naman pinaalis kaagad si Alice? Kararating lang ni Alfred o!" ani Angie kay Kinly.
“Siya ba ang pinunta ninyo rito? Kung ganoon, siya ang palalabasin ko at papasok na ako sa loob. Marami pa akong trabaho.“ Seryosong sabi ni Kinly.
“Hey! Kinly! Masyado ka naman yatang seryoso. Bakit parang nagbago ka na? Common, Kinly. Matagal nang panahon simula nang nagkaganyan ka. Namimiss na namin ang dating, Kinly.“ Saad ni Angie kay Kinly.
“Anong nangyayari dito? Bakit parang malayo pa lang ako ay naririnig ko na ang seryosong usapan ninyo?“ wika ni Alfred.
“Ewan ko ba rito kay Kinly. Parang ayaw na niya tayong maging kaibigan.“ Ani Angie.
“That's not true. Hindi n'yo lang ako nauunawaan."
Napailing-iling si Alfred.
"Iyan ang sinasabi ko kay Pareng Kinly, pare we are here to help you. We are not your enemy because we care for you. Gusto naming makalimutan mo si Angela." Mahabang paliwanag ni Alfred.
“Fine! I will visit your clinic tomorrow.“
Sa wakas ay sumuko rin ito sa kakulitan ng mga kaibigan.
“No. You don't need to do that. I-arrange namin ang pakikipag-blind date mo sa ibang babae.“ Sabat ni Mike.
“What? Are you serious?“ gulat na gulat na sabi nito.
“Of course. Kasi kapag binuksan mo ulit ang puso mo para sa ibang babae, baka sakaling makalimutan mo ang ex-wife mo.“
“Tsk! You are so ridiculous!“ napapailing na sabi ni Kinly.
“Kinly, we are here to help you. Hindi kami narito para magpatawa.“ Paliwanag ni Angie.
“Fine! Make sure that girl is not a golddigger. I’m not waisting my time para lang magpapasok sa buhay ko ng manloloko!" ani Kinly sa mga kaibigan.
“Well. Hindi naman kami pipili ng babaeng hindi ka pahahalagahan. Kaya nga narito kami para tulungan ka hindi para dagdagan ang problema mo.“ Paliwanag ni Angie.
Natuwa ang mga ito sa pagpayag ni Kinly na makipag-blind date sa babae. Sa wakas ay babalik na ang pagiging masayahin ng kanilang kaibigan pagnatipuhan nito ang kablind date niya.
“Where is Alice? Kanina lang ay nakita ko siya habang pababa ako ng sasakyan.“ Biglang tanong ni Alfred sa mga kaibigan.
“Nakita kasi ni Kinly na parating ka kaya bigla siyang pinapasok nitong amo niya. Pinagdadamot niya ang yaya ng inaanak natin kasi baka daw sulutin mo.“ Natatawang birong totoo ni Mike.
“What? Of course not! May trabaho siyang dapat paglaanan ng oras. Bakit ba masyado kayong mabait sa yaya ng anak ko? Puwede bang lubayan ninyo siya.“ Ani Kinly sa mga ito.
Sabay-sabay na napangiti ang mga ito na may kahulugan, bukod kay Alfred na parang nalungkot dahil hindi niya nakita si Alice.
“Tsk! What?! Did I say something wrong?“ muling tanong ni Kinly.
“No nothing. Curious lang kami kung bakit masyadong kang aggressive pagdating kay Alice.“ Wika ni Angie.
“Tigilan ninyo ako, baka magbago ang isip ko at kalimutan kong kaibigan ko kayo.“ Naiinis na sabi ni Kinly.
Natawa naman si Angie at Mike dahil sa inis na itsura nito pag si Alice ang pinag-uusapan.
Please Follow, comment and Share.
#trending
#story
#w*****d
Jobelle Radones