Kabanata 8

2325 Words
Single Dad ( Kabanata 8 ) KABANATA 8 HINDI ko alam kung bakit parang naistatwa ako sa narinig ko. Bakit pag nagsalita siya walang hindi dapat sundin? Tungkulin ko rin ba ito bilang yaya ng anak niya? Malakas ang kaba ko sa dibdib lalo na nang lalo pang higpitan nito ang pagkakayakap sa akin. “Sir, bitiwan n’yo po ako. Si Alice po ito, ’yong maid nyo.“ Sabi ko sabay tulak sa kaniyang dibdib para sana bitawan niya ako sa pagkakayakap pero nagkamali ako dahil parang hindi pa ito nakontento at lalo pang hinigpitan ang pagkakayakap. “Sobrang lamig... nilalamig ako...“ anito na parang paos na paos ang boses. Naawa ako sa pakiusap nito kaya hindi muna ako kumilos at hinayaan na mabawasan ang lamig na nararamdaman nito. Hinayaan kong gawin niya akong pangpainit upang maibsan ang lamig na nararamdaman niya. Ilang sandali pa ay muli na naman itong nakatulog. Kaya naman iyon na ang pagkakataon na unti-unti akong umalis sa pagkakayakap ni Sir. Nang makatayo ako ay pinatay ko ang aircon nito. Inayos ko ang kumot ni Sir, bago lumabas ng pintuan. Ibinalit ko kay Ate Ester ang kalagayan nito na kaagad namang nag-aalala ang mayordoma. “Diyos ko, kawawa naman si Sir Kinly. Bakit kasi sabay pa kaming nagkasakit. Utusan mo si Lita na magluto ng lugaw para kay Sir Kinly. Ikuha mo rin ng gamot sa aparador at painumin mo. Pasensiya ka na, Alice. Nadagdagan pa ang trabaho mo nang dahil sa akin.“ Hingin paumanhin nito. “Huwag po kayong mag-alala at hangad ko rin naman pong gumaling kayo. Magpahinga na lang po kayo at ako na po ang bahala kay Sir Kinly.“ Wika ko rito na kinatuwa naman ni Ate Ester. Papasok pa lang ako ng kusina ay nasalubong ko na si Jane na nakataas ang kilay at nakapamaywang. Parang inaantay talaga niya ang pagdaan ko. “Anong meron at galing ka sa kwarto ni Sir Kinly?“ tanong nito. “May sakit si Sir Kinly kaya naroon ako para alagaan siya.“ “Oh bakit ikaw ang mag-asikaso sa kaniya? Hindi ba bata ang dapat mong inaasikaso?“ nakataas kilay pang sabi nito. “Inutusan ako ni Ate Ester kaya ginagawa ko ito. Saka tulog pa naman si Kenny.“ Aalis na sana ako para tumuloy sa kusina pero muli na naman akong hinarang nito. “Ah kaya pala habang tulog ang alaga mo e pumapapel ka sa amo natin. Porke nilalagnat e sinusulit mo na ang paglapit-lapit sa kaniya ganoon?“ “Ano bang problema mo sa akin, Jane? Kung gusto mo ikaw na lang ang mag-asikaso tutal naman mukhang mahaba pa ang oras mo, kasi nagagawa mo pa ngang kausapin ako imbis na trabaho ang inuuna mo!“ Inis na sabi ko rito. Napupuno na kasi ako sa kakapansin nito sa mga ginagawa ko. “Okay! Madali akong kausap, ako na ang mag-aasikaso kay sir. Bumalik ka na sa alaga mo at iyon ang atupagin mo!“ Napailing-iling ako sa sinabi nito kaya imbis na pumasok ng kusina ay bumalik na lang ako sa kuwarto ng alaga ko. “Nakakainis talaga ’yang Jane na iyan! Masyadong nagmamagaling, napaka-inggetera!“ maktol ko sa sarili habang nakatayo sa gilid ng kama ni Kenny. Hindi ako mapakali dahil baka sabihin ni Ate Ester ay hindi ko sinunod ang sinabi niya bagkus ipinasa ko pa kay Jane ang trabaho. E nabanggit pa naman nito sa akin na ayaw ni Sir Kinly na papasok sila Jane at Karen sa kuwarto nito. Pero anong magagawa ko kung masyadong pakilamera itong si Jane. Lumipas ang ilang sandali, hindi pa rin ako mapakali at di mawala sa isip ko ang ginawa sa akin ni Sir Kinly kanina. Baka kung kay Jane gawin ito ay magpaubaya ito at samantalahin ang pagkakaroon ng sakit ni Sir. Siguradong lalandiin nito si Sir para lang magkaroon siya ng papel sa buhay nito. At paano kung may mangyari sa kanila? Siguradong pipilitin ni Jane na panagutan siya nito, hanggang sa matanggal na ako sa trabaho dahil siguradong mainit ang dugo nito sa akin, ako ang unang sisibakin nito bilang maid ni Kenny. Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa, kaya muli akong bumalik sa kuwarto ni Sir Kinly. Pagbukas ko ng pintuan ay narinig ko ang kalabog na nabasag na baso. Kaya dali-dali kong ibinuka ang pintuan at pumasok sa loob. Nadatnan ko si Jane na namumutla at takot na takot kay Sir Kinly. “Are you deaf? I said go away!“ Sigaw nito kay Sir Kinly. Nakita ko ang baso sa sahig na nabasag. Siguro ay tinabig iyon ni Sir Kinly kasi pinilit ni Jane na asikasuhin ito kahit ayaw nito. “Sir, kailangan n’yo pong uminom ng gamot. Hindi po kayo gagaling kapag hindi mo po ininom ito.“ Pagpupumilit pa rin nito lalo na nang makita niya akong nakita kong pinagagalitan siya ni Sir. “s**t! Gaano ba kahina ang utak mo at hindi mo maintindihan ang sinabi ko na umalis ka na dahil hindi kita kailangan?! Go away, now!“ bulyaw nitong muli kay Jane. Kaya dali-dali na itong umalis sa harapan ni Sir Kinly. Inirapan pa ako nito na parang kasalanan ko pa na napagalitan siya. Pilit na bumangon si Sir Kinly ngunit nanghihina ding napahawak ito sa kaniyang ulo. Siguro ay nananakit ang ulo nito at nahihilo pa. Kaya lumapit ako upang sana ay alalayan siya, pero naramdaman nito na ang paglapit ko. “What are you doing here? Did I tell you to come?“ Galit na tanong nito sa akin. “Hindi po sir pero inutusan po ako ni Ate Ester na abyadin ko muna kayo habang hindi pa rin siya magaling. May sakit po ngayon si Ate Ester at wala pong ibang mag-aasikaso sa ’yo ngayon kundi ako.“ Saad ko rito. “Tsk! I don't need you, you may go!“ muling pagtataboy nito sa akin. Dahil sa inis ay napaismid ako rito. “Bahala ka nga riyan! Payakap-yakap pa kanina, sana pala hinayaan na kitang mangisay!“ inis na bulong ko. “May sinasabi ka?!“ tanong nito. “Wala sir,“ tugon ko. Akmang aalis na ako nang muli itong magsalita. “Linisan mo iyang nabasag sa sahig, bago ka umalis.“ Utos nito. Pag sinusuwerte ka nga naman o, siya ang nagbasag tapos ako ang paglilinisin. Kinuha ko ang basurahan na nasa kuwarto lang din niya saka isa-isang pinulot ang bubog. “What are you doing?“ tanong nito. “Pinupulot po ang bubog... a awww!" Kinakausap kasi ako nito kaya hindi sinasadyang nabubog ako dahil napamali ako ng dampot. Dumugo ang hintuturo kong kamay. “Tsk! Bakit kasi hinahawakan mo ang bubog, hindi ka gumamit ng walis at daspan?!“ Kahit nahihilo at masakit ang ulo ay tumayo ito para kunin ang bimpo na kaniyang cabinet. “Punasan mo iyan, ayokong makakita ng dugo.“ Saad nito na ang tinutukoy ay ang dumudugo kong daliri. “Sorry sir,“ hingin paumanhin ko sa kaniya. “Go away and treat yourself, maraming gamot sa cabinet.“ “Sige po sir, babalik po ako para kumuha ng walis at—“ “Huwag na, ipapatawag ko na lang si Ruben.“ Saad nito sabay higa sa kama. Talagang masama ang pakiramdam nito. Masungit si Sir Kinly pero may pakiramdam rin. Ewan ko ba kung bakit sa pagsusungit niya sa akin ay nararamdaman ko na may kabaitan pa rin itong taglay. Kasi nag-alala siya nang masugatan ako. Nakangiti akong lumabas sa kuwarto ni Sir. Nakita ko si Jane na nakaabang sa labas. “Ano? Tuwang-tuwa ka dahil napagalitan ako?!“ anito. “Ha? Ano bang pinagsasabi mo, Jane? Ano ba talagang problema mo sa akin? Hindi naman kita inaano.“ “Alam mo, maang-maangan ka pa e pero alam ko na tuwang-tuwa ka na pinagalitan ako kanina. Kaya nga ngiting-ngiti ka e. Ano ka praning at ngingiti-ngiti ka ng walang dahilan? Saka bakit dala mo yan?" Tanong nito na ang tinutukoy ay ang towel na binigay sa akin ni Sir Kinly. “Alam mo, Jane napapraning ka na. Kaya dala ko ito kasi nilinis ko ’yong basong nabasag, kaso e nabubog ako. Ano okay ka na?!“ “Ay wow! So nag-ala-ala kang mabubog para pag nakita ni Sir na nasugatan ka e akala mo e gagamutin niya iyan para sa ’yo, hahaha. Ambisyosa ka pala, Alice?“ Natatawang sabi nito sa akin. “Hindi ako ambisyosa, Jane. Hindi ko kailangang magpapansin para magpabida. Hindi ko kailangang magpaawa para tulungan. Hindi mo ako katulad na walang inatupag kundi ang pansinin ang kilos ko. Baka naman kasi gawain mo iyon, Jane kaya ganiyan ang mga nasa isipan mo.“ Nanlisik ang mata ni Jane sa sinabi ko. Halatang guilty dahil hindi ito nakaimik. Kaya umalis na ako at iniwan ko siyang nakabusangot ang mukha. Nagpasok na ako sa kuwarto ni Kenny. Hindi ko na ginamot ang sugat ko at hindi naman iyon malala. Napisil-pisil ko na naman iyon kaya tumigil na rin ang pagdurugo. “Nakakainis talaga, hindi ko alam kung anong klaseng ugali ang mayroon sa Jane na iyan.“ Nang magising si Kenny ay muli kaming lumabas sa garden upang doon maglaro. Nabawasan na ang pagharap ni Kenny sa gadget kasi mas nalilibang pa ito sa mga laruan na ngayon pa lang niya nagagawang paglaruan. Itinayo kasi namin ang tent niya sa labas at naroon ang malaking sasakyan niyang laruan. Nagbahay-bahayan kami ni Kenny at tuwang-tuwa ito. Malakas ang tawa nito na umabot na sa atik ng bahay. Maya-maya pa ay nagulat ako sa pagdating ni Jane. May dala itong meryenda na ipinagtaka ko. “Heto na ang meryenda ninyo!“ anito. Hindi ko alam kung bakit ginawa iyon ni Jane pero masama ang hinala ko sa kinikilos nito. Aabutin ko na sana ang hakaw nitong tray nang biglang ibuhos nito sa sarili niya ang lahat ng pagkain. “Ahhh! Ano bang problema mo, Alice ha?!“ sigaw nito sa akin. “A-ano? Ikaw ang gumawa niyan bakit isisisi mo sa akin?!“ “Ang kapal ng mukha mo talaga, Alice!“ Sinabunutan ako nito, kaya gumanti ako para ipagtanggol ang sarili ko. Parehas kaming gumulong sa sahig hanggang sa mag-iyak na si Kenny. Dahil sa ingay ay napasugod si Mang Ruben at ang hardinerong si Lucas para awatin kaming dalawa. Si Karen naman ay nakiawat pero ramdam kong tuwang-tuwa ito sa nangyayari. “Anong nangyayari dito?!“ sigaw ng isang galit na tinig na nagmula sa pintuan. At doon ko na nga natanaw si Sir Kinly na palapit sa amin. “Sir, dinalhan ko si Kenny ng meryenda pero tinapon ni Alice sa damit ko.“ “A-ano?! Napakasinungaling mo talaga, Jane!" “Shut up! Hindi ba kayo titigil dalawa o parehas ko kayong tatanggalin sa trabaho? Look what you did to my son?! Hindi n’yo ba nakikita ang ginagawa ninyo sa harapan pa ng anak ko?!“ Galit na sabi nito. “Pero sir si Alice po ang may kasalanan, tingnan nyo po ang damit ko, binuhos po niya sakin ang dala kong meryenda.“ Muling saad ni Jane. “Hindi po iyan totoo sir, siya mismo ang nagbuhos nan sa sarili niya.“ “Stop! Hindi ko kailangan ng paliwanag ninyong dalawa. Ang ginawa ninyo sa harapan ng anak ko ay hindi ko mapapalampas! Kaya kung sino man sa inyong dalawa ang nagsimula ay magsimula nang mag-impake ng gamit.“ Tumawa si Jane na tila alam niyang ako ang palalayasin ni Sir Kinly. “Sir bakit naniniwala po agad kayo kay Jane? Hindi nyo naman po nakita ang nangyari.“ Naiiyak kong sabi kay Sir Kinly. “Are you telling me na hindi dapat ako nakikialam?" “Hindi po sir, ang ibig ko pong sabihin ay—“ Hindi na ako pinatapos sa sasabihin ni Sir Kinly dahil nagsalita rin kaagad ito kay Mang Ruben. “Ruben, pakikuha ako ng coffee at padala sa room ko.“ “Opo, sir.“ tugon naman ni Mang Ruben. “Goodbye, Alice.“ Nakangising umalis si Jane kasama si Karen. Ako naman ay nanghihinang napaupo dahil sa nangyari. Bakit ba siya ganoon? Anong klaseng rules ba ang mayroon ang bahay na ito at lahat ng mali ay nagiging tama?! Ganoon ba ang patakaran sa bahay na ito, na lahat ng mahina ay napapalayas? Pakiramdam ko ay tapos na ang mga pangarap ko para sa mga kapatid ko. Nakakailang araw pa lang ako ay mapapauwi na agad ako. Sabagay ano nga ba ang mapapala ko sa bahay na ito ay hindi yata tao ang may ari ng bahay na ito kundi isang bakulaw na yayakapin ka tapos mamaya ay ipagtatabuyan ka. Pumasok ako sa loob, para sana ipaliwanag ang panig ko kay Ate Ester. Alam kong mauunawaan nito iyon, kahit na alam kong hindi na mababago ang desisyon ni Sir Kinly. Ngunit nakasalubong ko si Mang Ruben sa pintuan. “O Alice, saan ka pupunta?“ tanong nito. “Kay Ate Ester po, magpapaalam lang po ako.“ “Ha? Bakit?" takang tanong nito. “Narinig n'yo naman po ang sinabi ni Sir Kinly kanina, Mang Ruben. Kaya mag iimpake na po ako kaysa ipagtabuyan pa po ako.“ “Ha? May sinabi ba si Sir Kinly na ikaw ang aalis?“ “Po? Ano pong ibig ninyong sabihin?“ “Nakita ko si Sir Kinly na chine-check ang cctv sa computer niya. Kaya huwag ka nang mag-alala, Alice. Matalino si Sir Kinly, hindi siya basta-basta naniniwala sa mga paliwanag dahil ang gusto niya ay ibidensya.“ Nakangiting paliwanag ni Mang Ruben, para akong nabunutan ng tinik sa dibdib sa sinabi nito. “Akala ko po ay maniniwala siya kay Jane.“ “Hindi mo pa kilala ang amo natin. Hanggang wala kang ginagawang mali ay huwag kang kabahan. Sige, Alice at lalabas na ako." Paalam nito sa akin. “Sige po, Mang Ruben. Salamat po.“ Please Follow, Comment and Share. #trending #story #w*****d Jobelle Radones
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD