Kabanata 7

2263 Words
KUMUHA pala si Kinly ng beer na maiinom. Sinundan ito ni Alfred dahil kumuha naman ito ng juice. “Pare, bakit masyado ka yatang strict kay Alice.“ Saad ni Alfred sa kaniya. “Whats the different? Mahigpit ako sa lahat ng maid ko dahil ayokong lumalampas sila sa limit nila. At isa pa narito siya para alagaan si Kenny hindi para maging pasyonista.“ “Hmmm. So you agree na maganda si Alice at kakaiba siya sa naging yaya ni Kenny, right?“ natatawang tanong ni Alfred. “What are you talking about? I don't care what is her looks. Ang nakikita ko lang na dapat ginagawa niya ay ang alagaan si Kenny ng maayos, wala ng iba.“ Malamig ang tinig na sabi nito. “That's the reason, kung bakit kailangan mo ako, Kinly. Hindi ka na tumatanggap ng appreciation. Wala ka nang kabuhay-buhay pare, kasi nakukulong ka sa nakaraan kung saan pinagdadaanan mo ang kalungkutan. Hindi mo pa rin matanggap na matagal na kayong hiwalay ni Angela.“ “That's not true, pinili kong putulin ang relasyon namin para maputol na ang koneksyon na mayroon kami ng babaeng iyon. Kaya hindi totoo iyang mga sinasabi mo. Hindi mo lang ako maunawaan pare, kasi mas gusto ko ngayon na huwag na munang makipagrelasyon dahil wala na akong tiwala sa mga babaeng katulad niya na puro sariling kaligayahan lang ang iniisip.“ “Kaya ang tingin mo ay pare-pareho ang ugali ng mga babae? Iyan ang pinakamalaki mong pagkakamali. Iba-iba ang ugali ng mga babae pare, at tingin ko ay hindi mo diserved ang mag-isa sa buhay. Kailangan mo ng babae, pare. Kailangan mo ng isang babaeng katuwang sa buhay.“ Mahabang saad ni Alfred sa kaniya. “Kaya ba pati yaya ng anak ko ay ginagawa mong laruan na ipapain sa akin kung maa-attract ako? Well, you're wrong because she is not my type of girl.“ “Good kasi ako gusto ko si Alice, at parang ngayon pa lang ako magseseryoso sa babae pare. Kaya huwag mo siyang itulad kay Angela, because she is different.“ Pagkasabi nito ay tuluyan nang umalis si Alfred. Naupo si Alfred sa tabi ni Alice, at masayang nakipagkuwentuhan dito. Inis na tinungga naman ni Kinly ang beer na nasa baso. At nasundan at nasundan pa iyon. Hanggang sa may isang babaeng lumapit kay Kinly at naglakas loob na magpakilala. “Hi. Kanina pa kita napapansin, bakit nag-iisa ka rito? Bakit hindi ka pumunta roon para mag-enjoy?“ tanong nito kay Kinly. Namumungay naman ang mata ni Kinly na tiningnan ang babae. “Do I know you?“ tanong nito. “No. By the way I’m Jennifer Sarmiento the groom’s couzn, and you?“ “I don't care who you are, so leave me alone!“ inis na taboy ni Kinly kay Jennifer. Parang napahiya naman si Jennifer sa inasal nito kaya iritang nag-walk out ito. Sa hindi kalayuan ay natanaw ko si Sir Kinly na seryosong nakaupo. Mag-isa lang itong umiinom kaya naisipan kong lapitan. Baka kasi may kailangan ito, puwede naman niya akong utusan dahil trabaho ko pa rin na pagsilbi siya kahit nasa labas kami ng bahay. “Sir, okay lang po ba kayo?“ tanong ko. Tumingin ito sa akin ng seryoso, kaya medyo nailang ako. Bakit kaya ganito itong makatitig, namumungay ang mga mata. Lasing na ba ito? Kasi si Tatay, kapag nalalasing ay nagwawala, pero bakit iba si Sir Kinly. Bakit parang lalo siyang gumwaguwapo sa paningin ko. “Where is Kenny? I told you na huwag mong pabayaan si Kenny hindi ba?“ “Opo sir, pero naroon po siya kay Mam Angie. Lumapit lang po ako para tanungin po kayo kung okay lang kayo kasi kanina ko pa napapansin na parang lasing na kayo.“ Nag-aalala kong tanong. “Tsk! Are you telling me na mahina akong mag-inom?!“ “Hi-hindi po sir, pasensiya na po kung iyon po ang pagkaunawa mo pero hindi po iyan ang intensyon ko. Sige po sir at babalik na po ako kay Kenny.“ Akmang aalis na sana ako pero bigla niya akong hinawakan sa bisig. Natigilan ako at muling napalingon sa kaniya. Pero huli na ang lahat dahil bigla na lang itong nagsuka. Mabuti na lang at hindi nasukahan ang damit ko. “Hala sir! Nagkalat na po kayo ng suka!“ saad ko habang hinahaplos ang likod nito. Nakita yata ni Alfred ang nangyari kaya dali-dali itong lumapit. “What happen?“ tanong nito. “Dok Alfred, mukhang lasing po si Sir Kinly. Puwede po bang pakitawagan po si Mang Ruben, para maiuwi na po namin si Sir. Para po kasing hindi na niya kaya...“ “Okay sige. Hintayin mo ako rito at tatawagin ko lang si Mang Ruben.“ Dali-dali na itong umalis at pinuntahan si Mang Ruben. Napasulyap ako kay Sir Kinly. Nakatungo ito na parang inaantok na. Akala ko pa naman malakas mag-inom iyon pala e bagsak na. Kahit lasing ka sir, ang sungit mo pa rin. Ilang sandali pa ay dumating na si Mang Ruben. Kaya madali na naming naisakay si Sir Kinly sa sasakyan. Nakakalakad pa naman ito, ngunit medyo nahihilo. Kinuha ko na rin si Kenny at nagpaalam sa mga kaibigan na uuwi na kami. Naiiling ang mga ito at pinayuhan ako na huwag akong umalis sa tabi ni Sir Kinly dahil may matinding pinagdadaanan ito. Tumango lang ako kahit alam kong hindi ko naman kayang tuparin ang bagay na iyon. Sino ba ako e isa lang akong yaya ni Kenny. Kahit na may pinagdadaanan ito hindi ko kayang sabayan ang kasungitan nito. Sa sasakyan ay nakatulog na si Kenny. Nakatungo ito sa hita ko. Hinayaan ko na lang para hindi mabitin sa pagtulog ang bata. Pero ang hindi ko inaasahan ay ang pagsandal ni Sir Kinly sa aking balikat. Nagulat ako sa ginawa nito pero nang mapatingin ako sa kaniya ay tulog na rin ito. Gusto ko sanang tanggalin ang ulo nito pero baka magising naman ito at sabihin sa akin na napakaarte ko. Nakikita ko na kung paano niya ako sigawan at sabihin na ambisyosa. Ganoon pa man ay naaamoy ko ang mabangong buhok nito. Hindi ko alam kung bakit napangiti ako, at nabawi lang ang ngiting iyon nang magsalita si Mang Ruben. “Gusto mo si Sir Kinly?“ tanong nito. Nanlaki ang mata ko sa tanong ni Mang Ruben. “Hindi po Mang Ruben! Baka marinig po kayo ni Sir Kinly.“ Halos pabulong na sabi ko rito pero natawa lang ang matanda. “Bagay naman kayo, huwag kang mag-alala dahil pag iyang si Sir e nalalasing ay tulog na talaga iyan. Wala kang dapat ikatakot. Saka nakikita ko naman sa mata mo na may gusto ka rin kay Sir, sino ba ang hindi magkakagusto sa guwapong amo natin?“ Napailing-iling ako sa sinabi ni Mang Ruben. “Hindi po, Mang Ruben. Wala po talaga akong gusto kay Sir, naaawa lang po ako sa kalagayan niya.“ “Kung ganoon, bakit hindi mo tulungan?“ “Po? Tulungan po saan?“ nalilitong tanong ko. “Tulungan na makalimot. Kaya mo iyan Alice at naniniwala ako na magagawa mo iyon.“ Gustuhin ko mang tumawa sa sinabi ni Mang Ruben ay nanahimik na lang ako para matapos na ang usapan. Hindi ko magagawa ang sinasabi niya dahil hindi ako ’yong tipo ng babae na nagpapakita ng interes sa lalaki. At isa pa ay amo ko si Sir Kinly, at nakaugalian ko na ang paglaylo sa mga lalaking amo at kadalasang nagiging ugat ng selos. Naiba lang kay Sir Kinly na wala naman siyang asawa pero ganoon pa rin iyon, amo ko pa rin siya at kailangang lumugar ako kung saan ako nababagay. Hindi ako ganoon kaambisyosa na mang-aakit ng amo para lang umangat sa buhay. Pagdating sa bahay ay iniakyat na siya ni Mang Ruben sa kuwarto. Pinuntahan ko si Manang Ester sa kaniyang kuwarto upang sabihin na lasing si Sir, ngunit nadatnan ko itong balot na balot sa kumot. “Ate Ester, ano pong nangyari sa iyo?“ tanong ko. “Nilagnat akong bigla, Alice. Parang hindi ko kayang tumayo para abyadin si Sir Kinly, puwede bang ikaw muna ang mag-asikaso sa kaniya?“ pakiusap nito sa akin. “Tatawagin ko na lang po si Karen o kaya si Jane para sila po ang mag-abyad kay sir.“ “Naku huwag! At ayaw ni Sir Kinly na papasok sa kuwarto niya ang ibang maid. Ikaw na lang at ako na ang bahalang magpaliwanag sa kaniya bukas. Maaari ba, Alice?“ Napabuntong-hininga ako sa sinabi ni Ate Ester. “Sige po, ako na po ang bahala kay Sir Kinly. Magpagaling po kayo, Ate Ester.“ “Sige, maraming salamat, Alice.“ Wala akong nagawa kundi ang abyadin si Sir Kinly. Kumuha ako ng bimpo at maligamgam na tubig. Saka pumasok sa kuwarto ni Sir Kinly. Malawak ang buong kuwarto at malinis. Nakahiga ito sa kama niya, ngunit may suot pang sapatos at nakalawit pa ang paa. Nilapitan ko ito para tanggalan ng sapatos at itinaas ko ang kaniyang paa. Medyo mabigat si Sir Kinly, kaya nahirapan akong ihiga ito ng maayos. Hindi ko alam kung anong uunahin ko kasi naiilang akong hawakan kahit dulo ng kuko nito. Lalo na’t malaya kong nakikita ang guwapong mukha nito. Pinagmasdan ko sa malapitan ang anyo nito, matangos ang ilong, makapal ang kilay at pilik mata, medyo kulay rosas ang labi nito, at tisoy na tisoy ang kutis ng balat. Muntik na akong mawala sa sarili, kaya naman sinampal-sampal ko ang pisngi ko para matauhan ako. Sinimulan ko nang hubarin ang suot nitong damit para mapunasan ko ang katawan nito. Mabuti na lang at naka tshirt na ito dahil kanina ay nagsuka ito kaya tinanggal ni Mang Ruben ang suit na suot nito. Pero tinataas ko pa lang ang kamiseta nito ay natitigilan na ako, dahil bumungad na kaagad sa harapan ko ang abs nito na unang nakita ko ay sa swimming pool. Muli kong tinakluban iyon, at hindi na pinalitan ng damit. Pinunasan ko na lang ito sa noo at sa leeg. Naramdaman yata nito na may nagpupunas sa kaniya kaya naalipungatan ito. Mabilis na hinawakan ang kamay ko na may hawak na bimpo at mapungay ang matang tinitigan ako. “Why are you here?“ halos pabulong na tanong nito. Siguro ay pinipilit lang nitong imulat ang mata. “Pinupunasan ko lang po kayo sir, kasi lasing na lasing po kayo." “I'm okay now, you may go!" Anito. “Pero sir...“ “I said go!“ taboy nito sa akin, kaya wala na akong nagawa kundi ang umalis. “Sa lahat ng naging amo ko ay siya lang itong allergic sa babae. Akala niya siguro ay katulad ako ng ibang babae na pagpapantasyahan siya. Tsk!” iritang sabi ko habang naglalakad papunta sa kuwarto ni Kenny. Kinabukasan ay maaga akong pinuntahan ni Ate Ester. Naka-jacket ito at halatang hindi pa nga maganda ang pakiramdam. “Alice, puwede ba akong makisuyo ulit sa ’yo.“ Anito. “Ano po iyon, Ate Ester?“ tanong ko rito. “Baka puwedeng ikaw na ang magdala ng almusal ni Sir Kinly sa kaniyang kuwarto. Hindi kasi ako makapunta sa kuwarto niya at masama pa rin ang pakiramdam ko. Makikisuyo na ako ha Alice.“ Bakit kasi ako pa ang naisipan ni Ate Ester papuntahin sa masungit na amo namin. Baka mamaya niyan e itaboy na naman ako nito. Puwede naman si Aling Lita dahil ito naman ang tagapagluto. Wala akong nagawa kundi sundin ito. Inisip ko na lang na ngayon lang naman ito, paggaling ni Ate Ester ay hindi ko na siya madalas makikita. “Ngayon lang yata tinanghali si Sir Kinly ng gising. Baka may hang over, katakawan mag-inom.“ Bulong ko habang umaakyat sa hagdan dala ang isang tray na may lamang pagkain at coffee. Pagpasok ko ay nakita ko kaagad ito na nakahiga pa sa kama, at parang natutulog pa. Nakakahiya naman kung gigisingin ko ito para kumain kaya inilapag ko muna ang pagkain sa lamesa. Palabas na sana ako ng kuwarto pero narinig ko ang bigla nitong pag-ungol. “Hmmm...“ “Sir, narito po ’yong pagkain ninyo. Iiwan ko na lang po rito para makakain po kayo.“ Sabi ko sa pag-aakalang baka magising ito, ngunit umungol lang ito. Para itong nananaginip dahil kakaiba ang ungol nito, kaya naisipan kong lapitan. Baka kasi bangungutin ito kaya kailangan kong tapikin para maalipungatan. Palapit palang ako ay kinakabahan na ako, hanggang sa makarating ako sa tabi ng kama. Pawisan ito pero bukas naman ang aircon. “Hmmm...“ muling ungol nito. Doon na ako nagkalakas loob na tapikin ito sa bisig para sana ay maalipungatan pero naramdaman ko ang init ng balat nito. “Sir, bakit ang init po ng kamay ninyo?“ tanong ko rito pero wala akong tugon na narinig, kaya muli ko itong hinawakan sa noo upang malaman kung talagang nilalagnat ito. Doon ko lang nakumpirma na inaapoy nga ito ng lagnat. “Sir, ang taas po ng lagnat ninyo. Sobrang init n’yo po, sandali lang po at sasabihin ko po kay Ate Ester.“ Akmang aalis na sana ako upang puntahan si Manang Ester ngunit bigla na lang nito akong hinawakan sa kamay katulad ng paghawak niya sa akin kagabi. Hinila niya ako kaya’t nawalan ako ng balanse at natumba ako pahiga sa kama. Napayakap ako kay Sir Kinly at ramdam ko ang init ng buo niyang katawan. Parang sinisilaban ito sa sobrang init. “Don't leaved me... I'm begging you,“ nangangatal na bulong nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD