Kabanata 6

2120 Words
NATARANTA akong kinuha ang gamit na pinatong ko sa upuan at inilipat iyon sa paanan. Hindi ko alam na sa tabi pala namin ni Kenny uupo ito. Wala na nga akong make-up e lalo pang namutla ang mukha ko. “Daddy!" tawag ni Kenny sa kaniyang ama. Naupo naman si Kinly sa tabi ni Kenny at inakbayan nito ang kaniyang anak. Mabuti na lang at medyo mahaba ang upuan kaya’t nakakahinga pa nang maayos dahil pakiramdam ko ay kinakapos na ang hininga ko sa sobrang tense. Saglit na tumingin sa akin si Sir Kinly. Waring pinagmamasdan ang suot kong uniform. Hindi ko malaman kung okay lang ba ang suot ko o hindi pero anong malay ko baka nandidiri siya sa akin. Sana pala e sa tabi na lang ni Mang Ruben ako naupo e ’di sana ay luwag pa silang mag-ama rito. “Ahm sir, gusto n’yo po bang lumipat ako ng upuan sa unahan?“ tanong ko. “Why? Did I tell you to move?“ tanong nito. “Hi-hindi po sir, pasensya na po.“ Napapahiyang lumingon na lang ako sa side window. “Bakit kasi nate-tense ka, yan tuloy na-english ka pa.“ Bulong ko sa sarili. Sa isang malawak na garden ng Villa Morata ginanap ang wedding ng mag-asawa. Pagdating namin ay maraming camera kaagad ang nagkislapan sa pagbaba pa lang ng sasakyan. Halos masilaw ako sa sobrang liwanag dahil hindi naman ako sanay sa ganitong eksena. ’Yung mga napapanuod ko sa tv na bumababang sikat na artista at naglalakad sa red carpet. Ito ang nakikita ko ngayon. Pagbaba ni Sir Kinly ay hawak na nito si Kenny. Ako naman ay hindi ko alam kung susunod ba ako dahil siguradong mukha akong madungis sa picture ng mag-ama.. “Alice sa gilid ka maglakad para hindi ka mahagip ng camera.“ Wika sa akin ni Mang Ruben na parang nakakutob sa kinikilos ko. Para kasi akong nawawala at hindi malaman kung bababa ba ng sasakyan o hindi. “Sige po,“ tugon ko rito. Dala ko ang gamit ni Kenny at sa gilid ako dumaan katulad ng sabi ni Mang Ruben. Habang naglalakad ay sinisilip ko ang paglalakad ng mag-ama sa gitnang bahagi ng carpet. “Napakaguwapo talaga ng mag-ama.“ Bigkas ko habang binabaybay ang gilid. Maraming bisita ang sumalubong sa mag-ama, siguro ay kamag-anak nila ito at kaibigan. Naupo ako sa isang upuan sa bandang dulo para madali akong makita ni Sir Kinly. Pero hindi ko inaasahan ang paglapit ng isang lalaki sa akin. “Hey, Alice!“ anito. Napalingon ako at nakita ko si Doc Alfred. Ang guwapong doktor ni Kenny. “Dok! Nandito rin po pala kayo.“ Wika ko sa kaniya. “Yes. Of course, hindi ba nasabi sa iyo ni Pareng Kinly na ininvite din kita?“ “Po? Wala naman po. Nandito po ako para kay Kenny, sa alaga ko po.“ Paliwanag ko sa kaniya. “Ha-ha-ha. Yeh, Just kidding, I know na pupunta ka dahil sa inaanak kong si Kenny. Bakit nandito ka? Let's go, lapitan natin sila.“ Pagyayaya nito sa akin. “Naku Dok, baka makaabala po ako sa inyo. Dito na lang po ako at hihintayin ko pong tawagin ako ni Sir Kinly.“ “Ha? Hindi, halika na at ipapakilala kita sa iba kong kaibigan.“ Hinawakan ako nito sa bisig kaya napasunod na lang ako. Nahihiya naman akong tanggihan si Doc Alfred dahil mabait naman ito. At hindi naman siya mukhang manyakis katulad ng iba kong naging amo na tingin pa lang ay halatang may pakay na. Natanaw ko si Sir Kinly na may kausap na dalawang lalaki at dalawang babae na tingin ko ay mas matanda lang sa akin ng kaunti. Katulad ni Sir Kinly ay magaganda rin ang porma ng mga ito at halatang mayayaman. Kaya parang nahiya ako nang isama ako ni Doc Alfred upang ipakilala. Sino ba naman ako ay isa lang akong tagapag-alaga ng bata. Ilang agwat pa ay napatingin na sa amin ang mga ito. Halatang na-curious ang lahat dahil hawak-hawak ako ni Doc Alfred sa bisig. “Alfred, sino siya?“ tanong ng isang babae na nakahawak sa bisig ng isang lalaki. Mukhang mag-couple ang dalawa. “She is Alice, ang bagong tagapag-alaga ng pamangkin mo.“ Pakilala sa akin ni Doc Alfred sa babae. “Really? Umalis na ung isang yaya ni Kenny? Well, she is pretty. Hindi siya mukhang yaya.“ Nakangiting wika nito. “You’re right sister!“ wika ng isa pang lalaki na saka ko lang napag-alaman na bakla pala. “Tama nga ang sabi ni Alfred na may bagong yaya si Kinly na maganda. Hay naku, girl mag-ingat ka kay Doc Alfred ha. He is look handsome but definitely he is lover user.“ Saad sa akin ng baklang hindi ko pa kilala. “Huwag ninyo akong siraan sa harapan ni Alice.“ Natatawang sabi ni Doc Alfred. Nagtawanan ang mga ito bukod kay Kinly na parang lutang at nakatitig sa malayo. Parang wala itong pakialam sa usapan ng mga kaibigan niya. Sino ba naman ako para magkaroon siya ng interest e katulong lang naman ako. “Anyway, I’m Angie Morata and this is my husband Gabriel. He is a professional engineer. And this villa is our property.“ Inilahad sa akin ni Angie ang kamay niya. Hindi ako makapaniwala na ganito kabait ang mga kaibigan ni Sir Kinly. Hindi sila namimili ng kausap at hindi nila ako minamata kahit na maid lang naman ako. “Nice to meet you po ma’am and sir,“ bati ko sa dalawa. “And I am Mike Torres.“ Kumaway lang ito sa akin dahil medyo malayo ito sa akin ng konti. “And this is Tita Jasmine, The bride’s mother.“ Dagdag pa ni Angie. “Hello po, Mam Jasmine." Ngumiti naman sa akin ang ginang ngunit hindi na ito nagsalita. Mukhang kabado kasi ito dahil ang anak niya ang ikakasal. “Ayan, Alice ha kilala mo na ang mga kaibigan ko. Mababait sila katulad ko, except sa boss mo na palaging malalim ang iniisip.“ Wika ni Doc Alfred. Lahat kami napatingin kay Sir Kinly, malalim nga ang iniisip nito at halatang hindi nag-eenjoy sa event. Ilang saglit lang ay dumating na ang bride kasama ang groom. Sinimulan na rin ang seremonya. Si Kenny naman ay hindi mapakali sa upuan, hanggang sa magyaya itong pumunta kung saan. Nagpaalam naman muna ako kay Sir Kinly bago kami umalis. “Sir, maglalakad-lakad lang po kami riyan sa malapit. Nagwawala na po kasi itong si Kenny.“ Tumango ito na hindi man lang tumitingin sa akin. Hindi ko talaga kaya ang kasungitan ng amo ko kaya umalis na lang kami ni Kenny. Sa paglalakad namin ni Kenny ay nakarating kami sa ginawang reception. Doon din kasi itinayo ang chattering kaya hindi na mahihirapan ang mga bisita na umalis pa. Dahil sa tuwa ni Kenny ay nagtatakbo ito. “Naku, Kenny. Huwag kang tumakbo at baka madapa ka!“ Hinabol ko ito sa pag-aakala na baka madapa ito, hindi ko napansin na may kasalubong pala ako na biglang sumulpot sa kaliwang bahagi ng daan. May dala itong tray na may lamang ulam. Tumilapon ito sa akin at ang iba ay nahulog sa marmol na sahig. “Ay sorry ma’am hindi kita napansin!" hinging paumanhin ng isang crew sa akin. “Ay pasensya na rin po hindi ko rin ikaw nakita kasi hinahabol ko ’yong alaga ko. Naku sayang ang pagkain, natapon na po.“ Bigla akong kinabahan ng mga oras na iyon. Ngayon nga lang ako nakapunta sa ganitong kasalan ay nakadisgrasya pa ako. “Ayos lang po iyan at marami pa naman sa loob na ganiyang ulam. Ang iniisip ko ay kayo, nadumihan na ang suot ninyo, puti pa naman.“ Nag-aalalang saad nito sa akin. “Ayos lang, lilinisan ko na lang ito. Saan po ba ang banyo rito?“ Tinuro naman sa akin nito ang kaliwang bahagi ng daan, kaya tumango-tango ako. Isinaman ko si Kenny sa loob ng banyo kasi hindi naman puwedeng bumalik ako para ihabilin ito kay Sir Kinly. Baka mapagalitan lang ako at nakakahiya na rin itong suot ko na namantyhan ng ulam. Alam kong hindi kasalanan ni Kenny ang nangyari sa akin. Dahil kasalanan ko ang lahat kasi hindi naman ako tumitingin sa daan. Wala pa naman akong dalang pamalit. Ilang minuto na ako sa banyo ay hindi maalis-alis ang mantya na kumapit na sa aking suot na uniform. Kitang-kita ito sa harapan dahil kulay puti ang suot ko. Ganoon pa man ay tatakluban ko na lang ito ng bag kasi hindi naman ako puwedeng umalis para sa sariling dahilan. Sakto naman ng pagbalik ko ay nagsisimula nang kumain ang mga bisita. Hinanap ko si Sir Kinly at nakita ko ito sa may bandang harapan ng upuan. Lalo tuloy akong nahiyang maglakad papunta roon. Ito na yata ang nakakahiyang bagay na nangyari sa akin. Nakatungo akong naglakad palapit sa upuan ng magkakaibigan, hindi pa kami nakakalapit ay napansin na agad ako ni Doc Fred. “O ayan na pala sila e,“ anito na sinalubong pa ako upang ikuha ng upuan. “Where have you been?!“ Baritonong tanong sa akin ni Sir Kinly. “Pasensya na sir kasi ano po... galing po ako sa...“ Hindi pa ako natatapos magsalita ay napansin na ni Doc Fred ang mantya sa damit ko. “What happen to you? Bakit madumi ang suot mo?“ Napatingin ang lahat sa suot kong damit, lalo na si Sir Kinly na parang hindi nakapagsalita sa nakita. “Natapunan po ako ng ulam kanina kasi hinahabol ko po si Kenny. Hindi ko po napansin ’yong crew na biglang sumulpot.“ Paliwanag ko kay Sir Kinly kahit alam kong si Doc Fred naman ang parang nag-aalala sa akin. “Oh my gosh! Kawawa naman pala itong si Alice. Halika, Kenny at ako muna ang magbantay sa iyo. Magpalit ka ng damit mo, Alice may extra akong dress sa car.“ Saad ni Angie sa akin. “Po? Huwag na po, nakakahiya po ma'am. Ok lang naman po ako.“ Nahihiya kong tugon rito. “Pero mamaya ka pa uuwi kasi nagsisimula pa lang ang kasayahan.“ Hinubad ni Doc Fred ang suot niyang suit at isinuot iyon sa akin. Tatanggihan ko sana pero naisip kong mainam na rin na suot ko iyon para matakluban ang dumi. “Okay ako na bahala kay Sister Alice.“ Tumayo si Mike at lumapit sa akin. Ako naman ay napatingin kay Sir Kinly pero parang wala pa rin pakialam ito na hindi nagsasalita. “Sige na, sumama ka na kay Mike. Huwag kang mag-alala dahil professional designer iyan at may ari ng isang malaking salon.“ Saad ni Doc Alfred sa akin kaya napilitan na akong sumama rito. “Hay naku sister, hindi naman kasi bagay sa ’yo ang pang maid na uniform na iyan. Ako ang bahala sa ’yo at pagagandahin kitang lalo.“ Halos kalahating oras din kaming nawala ni Mike. Pagbalik namin ay nagsasayaw na ang groom at bride sa gitna. Medyo nahihiya ako sa ayos ko, hindi ko na kasi matanggihan si Sir Mike kasi pinilit nitong ayusan ako. Ang pagkaalam ko kasi ay magpapalit lang ako ng damit. Napakaikli pa naman nitong pinahiram sa akin ni Mam Angie, isang dress na kulay beige na hindi lalampas ng tuhod. Inilugay na rin ni Sir Mike ang buhok ko at nag-apply ng konting make-up na dala-dala niya sa kaniyang bag. Halos nahihiya akong naglakad pabalik sa table nila Sir Kinly kasi halos lahat ng bisita ay napapatingin sa akin. Tuwang-tuwa naman si Sir Mike na pilit akong pinahawak sa kaniyang braso para hindi ako madapa, pinilit din kasi nitong ipasuot sa akin ang sandals ni Mam Angie na may taas na 3 inches. Paano naman ako makakapag-alaga ng maayos kay Kenny nito e baka lalo akong madapa at masira ko pa itong mamahaling sandals ni Mam Angie. “Oh my God! She looks like an Angel!“ Bulalas ni Doc Alfred nang makita ako, kaya napatingin din sa akin si Mam Angie at Sir Gab. Maging ang mga ito ay manghang-mangha sa pagpapalit anyo ko. Saka ko lang napansin na nakatingin sa akin si Sir Kinly. Lalo akong nahiya dahil pakiramdam ko ay ang kapal ng mukha ko para magsuot ng ganoon ay yaya naman ako hindi bisita. Tumayo si Doc Alfred para paupuin ako pero biglang nagsalita si Sir Kinly. “Sit here, make sure na hindi mawawala sa paningin mo si Kenny.“ Anito na inoffer ang upuan niya. Tumayo ito at umalis. Nagtaka naman ang mga kaibigan nito sa kinilos nito. “Hmmm. Mukhang may something talaga kay Kinly.“ Saad ni Angie.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD