"PASOK po kayo," nakangiting pahayag ng matandang babae.
Napakapit si Clio sa braso ni Martin Tygo habang nakatingin siya sa kabuoan ng bahay. Hindi gaano kalaki kung ihahambing niya sa bahay ng asawa pero na feel niya ang homely na aura rito.
Ang tanging hiling lang niya ay maging successful ang pagpunta nila rito at maisaayos ang mga pagkakamaling nagawa niya noon.
Nahagip ang paningin niya sa isang napakalaking family portrait at napalunok siya nang makita ang histura ng babae. Kung hindi siya nagkakamali, ito ‘yong babaeng nakita niya sa ikalawang VHS tape – ang babaeng sinampal-sampal niya.
"Anong pangalan ulit niya?" bulong niya sa asawa habang nakaturo sa portrait.
"Ruby," bulong rin ng lalaki. "Bakit ka ba bumubulong riyan?"
"Eh bakit ka rin bumubulong?" bulong pa rin ni Clio.
Sasagot sana si Tygo nang makita nila ang dalawang taong pumasok sa silid. Naging mahigpit ang pagkahawak ni Clio sa braso ng asawa nang masilayan ang mukha ni Ruby, ang babaeng nakita niya sa VHS tape.
Mas matangkad pa si Ruby kaysa kaniya ngunit hindi mawari ni Clio kung pano niya ito inaway noon. Maganda ang mukha ng babae, parang Barbie dolls na nakikita ni Clio sa kwarto niya sa bahay ng mga Vivocente, maganda rin ang hugis ng katawan nito. Pero gustong-gusto ni Clio ang napakahabang kulot na buhok na nakalugay lamang.
Napanganga si Clio sa pagkamangha sa babaeng nasa harapan niya kaya medyo napa-igik siya nang makita ang kasama nitong lalaki. Malaking mama ang kasama nito. Mas barako pang tingnan kung ikukumpara kay Tygo.
Napakapit siya sa asawa at bumulong, "Napakalaking tao niya Tygo, nakakatakot."
Namula si Martin Tygo kasi napalakas ang boses ni Clio na akala nito ay bumubulong pa rin. Inakbayan niya ang asawa at ngumiti. "Sila si Ruby at Lembit Koppel."
Tumawa si Lembit. "Nakakatakot ba ako, Mrs. Nils?"
Gustong-gustong magtago ni Clio sa tanong ng lalaki. Narinig pala nito ang sinabi niya?
"Hali kayo sa komedor at doon tayo mag-usap habang nananghalian.” Natatawang umiiling pa rin si Lembit habang si Ruby naman ay ngumiti lang.
Namilog ang mga mata ni Clio pagkakita sa hapag-kainan sa dinami-dami ng handa.
"May ibang bisita pa ba kayo?" biglang tanong niya.
"Kayo ang bisita namin.” Sa unang pagkakataon sa araw na iyon ay narinig niya ang boses ni Ruby.
"Andami..." bulas niya.
"Clio..." Parang may warning sa tono ni Tygo.
Umupo siya katabi ni Lembit at si Ruby naman ay katabi ni Tygo. Nakita niyang masayang nagkakamustahan ang dalawa. Napatingin siya sa dating magkasintahan at hindi niya mawari kung bakit may tumutusok na naman sa dibdib niya. ‘Yong klaseng kirot kapag dumadalaw si Valerie, ang sekretarya ni Tygo, noon sa bahay nila.
"Tikman mo ang putahe ng Moonbeam County, Mrs. Nils," masayang imbita ni Lembit. Ito pa ang naglagay ng beef steak sa plato niya.
Hindi niya pinansin ang kirot na nararamdaman at sinubukan niya ang putahe. Namilog ang mga mata niyang lumingon kay Lembit."Anshharapp..."
Tumawa na naman ang lalaki at napatingin si Tygo at Ruby sa kanila. "Hamo, ipagagawa kita niyan mamaya para mabaon niyo ni Tygo. Dumaan din kayo rito sa araw ng pag-alis niyo para mabigyan ko rin kayo."
"Ikaw ang nagluto nito?" tanong niya habang ngumunguya.
Tumango ang lalaki.
Napalingon siya kay Tygo habang nakikipag-usap ito kay Ruby. "Tygo, kaya mo rin bang magluto?"
Tiningnan siya ng lalaki at ngumiti. "Makakaya mo bang kainin ang luto ko?"
"Ipagluto mo ako ha,"excited na sabi niya. "Dapat mas masarap sa luto ni Mr. Koppel."
Tumawa ulit si Lembit at napansin ni Clio na parang malungkot na nakatingin si Ruby sa kanilang dalawa. Gusto niyang itanong pero mas na curios siya sa tingin ni Tygong mataimtim na nakatitig sa kaniya.
"Oh heto, tikman mo.” Halos pinuno ng lalaki ang plato niya ng iba't-ibang putahe.
'Hindi pala nakakatakot ang malaking mamang ‘to.Nnapaisip si Clio habang ngumunguya. Tiningnan niya ulit si Lembit at pinag-isipan kung gwapo ba ito o hindi. Dark skinned ang lalaki at maganda rin ang features ng mukha. Pero ewan kung bakit para sa kaniya ay si Martin Tygo pa rin ang pinaka gwapong nakita niya sa buong buhay niya.
Kinausap siya ni Lembit ng kahit ano-anong bagay habang si Martin Tygo naman ay nakatuon ang atensyon kay Ruby. Pero nahahalata talaga ni Clio na sumusulyap ang babae sa direksyon nila ni Lembit.
'Baka takot siya sa akin,' sabi niya sa sarili.
Nang matapos ang pananghalian ay inimbeta ni Lembit si Tygo sa study room. Tumingin si Ruby sa kaniya at ngumiting alok, "Doon tayo sa may hardin."
"May garden ka?" excited na tanong ni Clio.
"Mahilig kasi ako sa vegetable garden," sagot ni Ruby.
"Ay ako rin," masayang pahayag niya habang papunta sila sa hardin ni Ruby.
Napa-'Wow!' si Clio nang makita ang kabuoan nito. Nakakabighani ang rami ng mga tanim at estilo ng pagtanim ng mga ito. Palakad-lakad sila habang tinitingnan ang mga halaman.
"May Rosemary ka bang tanim sa inyo?" tanong ni Ruby.
Umiling si Clio.
Kumuha si Ruby ng isang maliit na paso at inabot kay Clio ang tanim. Hinawakan ito ni Clio at tiningnan.
"Remembrance ang simbolo ng Rosemary," anunsyo ng babae.
Unconsciously, tumungo si Clio at inamoy ang tanim. Napakabango at tila ba idinuduyan siya ng amoy nito. "Ibinibigay mo ba 'to sa akin kasi gusto mong maalala ko ang lahat?" prangkang tanong niya.
Napa-straightened naman si Ruby sa posture niya sa ibinigkas ni Clio. Tiningnan siya nito at ngumiti. “Alam mo bang ilang taon ko ring inisip kung ano ang nagawa kong pagkakamali sa'yo at kung bakit galit na galit ka sa akin noon?"
Ito na...ito na ang oras kung saan bubuksan na nilang dalawa ang mga sugat ng kahapon. Humarap siya kay Ruby at tiningnan ang babae sa mga mata. "Kung sasabihin ko ba sa'yo na humihingi ako ng kapatawaran sa lahat ng mga kamaliang nagawa ko sa'yo ay maniniwala ka ba?"
Tinanong rin siya ni Ruby, "Kung sasabihin ko sa'yo na hiniling ko minsan na makaranas ka ng matinding pagsubok para maramdaman mo ang sakit, mapapatawad mo rin ba ako?"
Naalala ni Clio ang mga taong nakasalamuha niya simula nang may memorya siya pagkatapos ng aksidente. Mga taong tila ba galit – hindi – tila ba may pagkamuhi sa kaniya sa tuwing makikita siya. Ang asawa niya mismo ay tila kinamumuhian siya nung nakita siya nito.
Walang laman ang utak niya sa mga memorya noong bago pa ang aksidente. Pero nang makita niya ang mga VHS tapes ay doon niya natagpi-tagpi ang lahat kung bakit galit ang mga tao sa kaniya. Sa katuwina'y galit rin siya sa sarili niya.
Gustong umiyak ni Clio kasi nasasaktan pa rin siya pero nilunok niya ang hikbi at pinigilan ang mga luha habang nakipagtitigan kay Ruby. "Nahihiya ako sa mga nagawa ko sa inyo.”
Nakatitig pa rin si Ruby sa kaniya at nakita ni Clio na biglang lumuha ang babae. "Ilang taon akong takot na baka balikan mo." Malumanay pa rin ag babae kahit na tumutulo ang mga luha mula sa asul na mga mata nito.
"So...sorry Ruby ha." Her voice cracked.
Tumango ang babae at napatabon ito sa mukha habang humihikbi. Hindi alam ni Clio kung paano amuin ang babae pero naglakas-loob siyang lumapit rito at tinapik-tapik ang balikat.
"Minahal mo ba si Tygo," tanong niya habang pinatatahan ang babae.
"Minahal ko siya noong college years pero nawala rin." Sinok ng babae.
Naalala ni Clio ang asawa nito. "At least nagmamahalan kayo ni Lembit."
Biglang bumulahaw si Ruby at walang sabi-sabing niyakap siya nang mahigpit. Halos nataranta si Clio sa aksyon ng babae pero sinubukan niyang amuin ito, "Well...sige tahan na. Sayang ang Barbie doll mong ganda kung iiyak ka ng ganyan."
Kumalas ang babae mula sa kaniya at pinapahid nito ang luha't sipon, "Sorry..."
Nakatingin si Clio sa kaniya, "pinapatawad mo na ako?"
Tumango ang si Ruby.
"Friends na tayo?" walang kiyemeng tanong ni Clio.
Napatawa ang babae. "Gusto mo ba?"
"Wala akong kaibigan ngayon," sagot niya, "tsaka binigyan mo ako ng gift."
Hindi niya alam kung ano ang tunay na nararamdaman ni Ruby pero napayuko ito at hinaplos-haplos ang kaniyang buhok na parang bata. "Despite sa memory loss mo ay you're blessed to have Tygo as your husband."
Paktapos maipahayag ang kanilang mga totoong saloobin ay parang may natanggal na tinik sa puso ni Clio. Nagkukuwentuhan sila tungkol sa pagtatanim at kung anong pwedeng gawin ni Clio sa indoor garden niya. Kaya rin siguro magaan ang loob niya kay Ruby kasi may common passion sila which is ang gardening. Sabi pa ng babae na pwede siyang mag-aral ukol sa farming if gugustuhin niya.
Bandang alas singko ng hapon ay dumating ang kanilang mga asawa. Nahalata niyang biglang naging seryoso ang aura ni Ruby. Gusto sana niyang itanong pero nakita niyang sumi-senyas ang mga mata ni Tygo sa kaniya.
Mga ilang sandali pa ay nagpaalam na silang dalawa sa mag-asawa. Hindi rin kinalimutan ni Lembit na ipadala sa kaniya ang mga putaheng niluto nito.
"Tygo.” Inilahad niya ang isang pasong tanim sa mga kamay nito pagkapasok nilang dalawa sa loob ng kotse.
"Ano 'to?" nakataas ang mga kilay ng lalaki.
"Rosemary, ibinigay ni Ruby sa akin," nakangiting sabi niya.
"Kamustang pag-uusap niyo?"
"We're friends now." malapad ang ngiti niya.
"Really,” tanging sambit ng lalaki habang inilagay ang paso sa likuran.
"Tygo," tawag niya ulit rito habang nagpapaandar ito ng sasakyan.
"Hmmm..." Tiningnan siya nito bago itinuon ang atensyon sa ginagawa.
"One day, bibigyan kita niyan para hindi mo ako makalimutan. Sabi ni Ruby na Remembrance raw ang simbolo ng Rosemary."
"Clio?" Biglang napahinto si Tygo sa ginawa.
Naramdaman niyang biglang hinawakan ng asawa ang magkabilang mukha niya. "Yes?" tanging bulong niya.
He kissed her soundly on the lips and then he replied, "I miss you this afternoon."
"Ako hindi," sagot ni Clio.
Tumawa ang lalaki at umiiling. "Ito ang kiss na tinatawag na forget me not." At hinalikan siya ulit nito ng mariin.