GINAWA ni Tygo ang lahat para ma-locate niya ang mga dating kasintahan simula nang hingin ni Clio sa kaniya na gusto niyang makausap ang mga ito. He contacted them in advance regarding sa mga nangyari at sa plano ni Clio. Makailang beses siyang napakamot ng ulo kasi ayaw pumayag ng mostly sa mga ito. Naiitindihan naman niya kasi notorious talaga si Clio noon sa pagiging aggressive at bully.
Kaya achievement na talaga na out of more than ten na naka relasyon niya ay tatlong ex-girlfriends niya ang pumayag sa request niya.
"Namerna, a country located between Europe and Asia. Population, 25 million," bigkas ni Clio Xanthe habang nakatingin ito sa labas ng bintana ng kotse.
Road trip ang ginawa nilang mag-asawa para mahanap ang mga exes niya. Masasabi na ring first time na bakasyon ito nilang dalawa at mala-honeymoon ang dating. He challenged her to get to know about their country while he was driving.
"Who's the president?" tanong niya habang bumubusina nang may taong biglang tumawid sa kalsada.
"President is Mr. John Tonsta," nakangiting sagot ni Clio.
"Good." Sumulyap siya sa babae bago ibaling ang atensyon sa pagmamaneho.
"National flower, dancing ladies. National Anthem, Namerna My Home. Language, Narski. Major religion, Orthodox Christianity," she recited.
"Good."
"Ayoko na, nakakapagod." Nag-unat ito sabay hikab. "Tygo malayo pa ba tayo?"
"Malapit na tayo sa tutuluyan natin.” He smiled. "Alam mo ba ang pangalan ng lugar?"
Tumaas ang kilay niya. "Moonbeam County?"
His smile widened."Right." At nang silipin niya ay natutulog na ang babae. He extended his hand and ruffled her hair before he focused on driving.
Sa totoo lang proud siya sa desisyon ni Clio na harapin ang mga pagkakamali nito. Siguro blessing in disguise na rin ang mga VHS tapes na nakita. Mga unedited tapes na hindi niya alam kung sino ang nagpadala sa kaniya.
Kumunot ang noo niya nang maisip na iba ang mga tapes. Tama nga na hindi niya nakita ang mga ito noon. And he wondered why the tapes were in his house all along. Iba kasi ang sumbong ng mga ex-girlfriends niya pagdating kay Clio.
“Zoey…” he muttered. He actually forgot that Clio had one best friend before. Did she know what happened to Clio? Was she still in Namerna?
Nilingon niya ang natutulog na asawa. "Simula nang bumalik ka ay hindi mo na ako pinatahimik kagaya nang ginawa mo since you were six years old and I was ten."
His heart clenched as he saw the signage of Moonbeam County. Kinabahan siya hindi para sarili ngunit para kay Clio. Ayaw niya kasing masaktan ito sa resulta ng paghaharap nito sa mga dating kasintahan niya.
He breathed deeply as he drove towards a small hotel. He parked the car first before turning towards his wife. She looked like a sleeping baby, so peaceful to look at that he was afraid to wake her up. He traced the contours of her face and whispered, "Pero ngayon ko lang 'to sasabihin at aaminin. Sa kaibuturan ng puso ko, na miss kita ng pitong taong wala ka."
Dahan-dahang nilapit niya ang mukha niya at hinalikan ang dulo ng ilong ni Clio.
"Hmmm..." She squirmed but he did not move back.
He planted kisses on her until she opened her eyes and gazed at him confusingly. He chuckled and kissed the tip of her nose once more before he sat back.
"Andito na tayo, Tygo?" Paos ang boses ni Clio.
Tumango siya at nagtanong rin, "Are you sure about this?"
"Yes. I'm not scared." Clio stretched her neck and yawned. "You want to know why?"
"Why?"
Biglang lumapit si Clio sa kaniya at hinawakan ang mukha niya. She smiled sweetly before answering, "Because you are with me."
And then she copied his actions earlier and lightly kissed the tip of his nose.