Chapter Eight

1598 Words
"Oh, tapos na kayong magtanim?" Salubong sa akin ni lola nang makarating ako sa bahay. I let out a small smile to assure her nothing bad happened. "Hindi pa po pero nauna na ako. Maliligo lang muna ho ako." Kinuha ko ang tuwalya at susuotin saka nagtungo sa CR. Isa-isang nagsituluan ang mga luha ko habang nagbubuhos ng tubig sa katawan. It feels like I've been bullied and it's annoying and frustrating that I cannot do anything about it. Excited pa naman ako kaninang umaga. Partly I'm mad because it's a manure and he didn't even tell me. But I'm sure it's not the reason why I feel so fvcked up and sad right now. Nalulungkot ako kasi sa kabila ng pagri-reach out ko, pakiramdam ko ay patuloy niya lang ipapamukha sa akin na hindi ako bagay rito. If only I can do something so I can leave in peace, I will. Kaso wala. Hindi ko naman kasalanan na nandito ako. After taking a bath, lola asked me to eat breakfast but I refused. Nagkulong ako sa kwarto habang unti-unting nilalamon ng kalungkutan. Wala pa ngang isang linggo akong nandito pero hindi ko na kaya. I glanced at my phone only to feel even more pained to know that even technology can't do anything about my situation. Suminghap ako at muling nagpunas ng luha. Umayos ako ng upo nang marinig ang boses nilang tatlo na papasok ng bahay. No, I won't go out. I can't see Xan's face. He's extremely annoying that I regret reaching out to him. "Si Chanda, 'la?" It's Kevin. Even that nickname sucks. "Nasa kwarto," sagot ni lola. "Hindi pa nga nag-agahan ang batang iyon, eh." Nagsalita pa sila pero medyo mahina na kaya 'di ko narinig. I rolled my eyes and decided not to talk to anyone right now. Tanghali na nang lumabas ako. Wala yung tatlo at sina lola, lolo, at tito lang ang nandito. Sabay-sabay kaming kumain at medyo gumaan ang pakiramdam ko na wala sina Xan. "Nakausap mo na ba ang parents mo?" tanong ni Tito Ricky sa kalagitnaan ng pagkain namin. "Hindi pa po," I answered truthfully. "Wala kasing signal, hindi ko sila ma-contact." He nodded. "Hayaan mo at kapag pupunta ng bayan si Xandro ay ipapasama kita. May signal doon." Tinikom ko ang bibig at pinili nalang manahimik. As if I'll go with him. Baka ipahamak pa ako no'n o kaya ay iligaw para hindi na ako makabalik. Naputol ang pag-iwas ko sa kanya nang dumating ang hapon. Nasa sala ako at pumasok siya ng bahay na may dalang mga dahon ng saging. He glanced at me and even had the guts to raised a brow at me. Siya na ang may atraso, siya pa ang mayabang. Kairita! I made a face and rolled my eyes heavenwards. "Sorry sa nangyari," malamig na sabi nito. Tumingala ako sa kanya at pilit hinagilap ang reaksyong hinahanap ko pero wala. "You look unapologetic though." "Pero wala namang masama sa ginawa ko. Kulang lang ng impormasyon. Hindi ko naman alam na hindi mo alam na tae iyon ng kalabaw. Pero wala namang mali roon, ah? Medyo OA lang ang reaksyon mo. Tss." Galit kong sinalubong ang tingin niya at kinagat ang ibabang labi upang pakalmahin ang sarili. I badly wanted to knock him off. He's crazy! "Jerk." Nagdire-diretso siya sa kusina at matapos ang ilang minuto ay dumaang muli sa harap ko at lumabas ng bahay. Umamba ako sa papalayo niyang bulto pero agad tumigil at humarap sa akin. Napapahiya kong ibinaba ang kamaong nakatutok sa banda niya. "Tumulong ka nalang kay lola na gumawa ng suman kaysa mag-inarte." Then in a minute, he's no longer inside the house. Bumilis ang paghinga ko sa sobrang pagkairita sa kanya. He just don't know how to welcome a guest nor even be friendly at least. Hindi ko naman inaasahan na maging mabait siya at iparamdam na welcome ako pero kahit man lang sana 'wag niya akong asarin ng ganito. It's been too much for me already. But then again, something's weird eh. Hindi naman siya ganyan sa iba. He also looks kind when he talks to his parents and friends. Pakiramdam ko ay sa akin lang talaga siya may galit. Pero bakit? What did I do for him to hate me this much? Naalimpungatan ako nang makarinig ng malalakas na katok sa pintuan ng kwarto ko kinabukasan. I reached for my phone to check the time and its damn four in the morning. Sino namang manggigising ng ganito kaaga? Pipikit-pikit ang matang bumaba ako ng kama at binuksan ang pintuan. I blinked twice when I saw who the heck ruined my sleep. Napapikit ako sa sobrang inis. "Bakit na naman?" Hindi ko na naitago ang iritasyon sa boses. Can't he just wait till morning to ruin my day? "Mag-ayos ka na diyan, lalabas tayo." He's wearing black shirt and jogging pants. Don't tell me... "No, thanks. I want to sleep." "Sinabihan ako ni lola na isama kang mag-jogging ngayon. Kung ayaw mo, ikaw ang magpaliwanag sa kanya. Ayos lang naman sa akin." "Then just tell her I'm with you even if I'm not." The annoying smirked plastered on his face. "Sorry, ah? Hindi ako sinungaling, eh. Saka isa pa, nakabangon na si lola, nagluluto na ng agahan. Ano iyon? Sasabihin ko multo yung kasama ko at hindi niya nakikita?" I chewed my lower lip and since wala na rin akong choice at gising na rin naman ako, I grabbed my clothes and washed my face. True to his words, nasa labas na nga si lola at nagluluto sa labas ng agahan. Nagkakape na rin si Tito Ricky at lolo. "Maganda at makapag-jogging ka naman," ani Tito Ricky nang magpaalam na kami ni Xan. I faked a smile before bidding goodbye. Nang makalabas kami ng bahay ay nagsimula nang mag-jogging si Xan kaya napilitan akong sumabay kahit na malalaki ang hakbang niya. Huh! Akala niya sa akin? Magaling ako mag-jogging noh. Gusto niya maglaban pa kami sa takbuhan. "Do you jog always?" I asked. Nagsisisi akong hindi ako nag-sweater. It's cold outside. "Kapag walang masasagasaang gagawin," anito. Infairness, maayos ang sagot. Whenever I jog in NYC, I wore headset and didn't mind my surroundings. It's just different here. Nag-jo-jog ako habang hinahangin ang buhok at nakikinig sa katahimikan ng mundo. Though I can hear some birds, chickens, and other animals. I would still prefer the sounds of the cars and people, but this is fine. For now. "Anong favorite part mo dito sa farm?" tanong ko ulit dahil hindi ko makaya ang katahimikan. He didn't answer though. Ano pa bang aasahan ko? Umismid ako at nag-jogging nalang din. I keep yawning when almost ten minutes has passed. Gusto ko talagang matulog. My usual wake up is in between seven and eight, maaga pa nga iyon. Bumagal na ang pag-jo-jog ko nang matanaw ko ng muli ang bahay. Pabalik na kami, thirty minutes has passed and swear, it's the most boring thirty minutes of my life. Ni hindi man lang ako pinansin ng kasama ko. Naunang pumasok si Xan sa bahay. Lumabas si lolo at ngumiti sa akin saka sinabing, "Magpahinga na kayo at kumain. Nakahanda na ang mga pagkain niyo." "Sige po," sagot ko at nahihiyang umalis sa harapan niya. Nakasalubong ko rin si Tito Ricky na palabas na ng bahay. Everyone's busy despite the fact that they were just around the place. Wala man lang akong nakikitang nakaupo at nagce-cellphone sa isang tabi. "What's that thing?" Lumapit ako upang tingnang maigi ang hawak ni Xandro. My brows drew together when I confirmed what it was. "Seriously? May mga ganyang phone pa pala ngayon?" De-pindot iyon na cellphone. Maliit lang at sobrang liit no'n tingnan sa kamay niya. He glared at me, a little bit insulted. "Pumunta ka na nga roon." Flustered and embarrassed, I left him there and went to the kitchen. Nag-aayos si lola nang mga pinggan nang mapadaan ako. Nagpaalam muna akong maghihilamos sandali dahil pakiramdam ko ay haggard na ang face ko. After washing, I went back to the dining. "Good morning, la," I greeted. She looked at me and smiled, her usual friendly and sweet smile. "Kumusta ang pag-jo-jogging?" "Ayos naman po. Tahimik ang paligid. Medyo maginaw rin po pala," I uttered followed by an awkward laugh. Humalakhak ito. "Hindi ba nasabi sayo ni Xandro? Malamig talaga dito lalo na kapag madaling-araw pero nakakaginhawa naman." "Oo nga po. Ano po iyan?" I pointed at the food, it looks like a toasted bread something that I cannot define. Dumampot ng isa roon si Xandro na kapapasok lang sa kusina. Umupo siya sa tabi ni lola habang kagat-kagat ang pagkain. It doesn't look yummy. "Pandesal," Xan answered after he chew the food on his mouth. Ang bilis niya ngumuya ha. He smirked when he noticed that I'm not really familiar with it. "Tikman mo." No way. It looks... err I don't know. Ayoko siyang tikman. But with his smile, he's obviously provoking me especially that lola is here. "Masarap, hija." Kumuha si lola ng isang piraso at iniabot sa akin. There. I knew its no use to say that I don't want it. Lumunok ako ng tatlong beses bago tinanggap ang pagkain. I put it on my mouth and... Wow. It's not that bad. Itinulak ni lola ang kape sa harap ko. "Masarap isawsaw iyan sa kape." "Talaga po?" Mistulang bata na walang kaalam-alam na tanong ko. Sinubukan ko ang suhestyon niya at tama nga siya. Masarap siyang isawsaw sa kape. I grabbed another piece after finishing it. And then another again.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD