"Sabay na kayo magpa-enroll bukas," sambit ni lola sa kalagitnaan ng pagkain namin.
Huh?
Aish! Enrollment na nga pala. Kinakabahan ako. Baka mamaya ay walang may gustong kaibiganin ako roon. Sasamahan naman kaya ako nitong si Xan? I don't think so. Baka mamaya isama lang ako papunta tapos pagdating doon wala na.
Darn! Ni hindi ko nga alam ang itsura ng school nila. Wait... malaki kaya ang school nila?
"Tingin-tingin mo diyan?" Masungit na tanong niya nang tumayo si lola sandali at may tiningnan sa labas.
Ngumuso ako. "Huwag mo akong iiwan bukas ha! Hindi ko alam kung saan pupunta."
"Tss."
Hindi naman siya kumontra kaya hindi niya naman siguro gagawin. Well, sana.
Pagkatapos ng agahan ay umalis na agad ito para magtrabaho. Nagpresinta na rin akong maghugas ng mga plato pero 'wag na raw sabi ni lola kaya nagpunas nalang ako ng mesa. Nahihiya na rin ako na lahat sila nagtatrabaho at wala akong ginagawa. Nagwalis din ako sandali bago nagtungo sa kwarto upang tumunganga maghapon.
The signal isn't back yet. Pabuntong-hininga akong sumalampak sa sahig at sumandal sa pader. I just hope two years will go faster than its usual pace. Ayaw ko na rito. I mean, yeah, the people are nice and so is the place but it just feels like I'm not belong here.
Mas gusto ko pa rin ang maingay ay magulong New York kaysa rito.
Inaasahan kong gigisingin ulit ako ni Xan kinabukasan pero hindi nangyari. Salamat naman. My alarm rings at six thirty. Inagahan ko na ng kaunti at ng masanay naman akong medyo maaga kahit sobrang hirap bumangon.
Gaya ng dati, naghilamos ako at nag-toothbursh bago humarap sa kanila sa hapag. Kumpleto silang tatlo ngayon at hinintay pa ako.
"Anong oras kayo aalis?" tanong ni Tito Ricky. "Ihahatid ko na kayo."
"Pagkatapos kumain, Pa. Baka mamaya ay mahaba na naman ang pila at matagalan kami."
Nanlaki ang mata ko lalo na nang mapansin ang bilis niyang sumubo. Tiyak na mahuhuli ako kapag babagal-bagal akong kumain. And another thing, nakaligo na siya.
"Take your time, Chanda. Maaga pa naman," sambit ni Tito Ricky nang mapansin ang pag-aalala ko.
Ngumiti ako at muli na sanang babaling sa pagkain nang mapansin ang tawag niya sa akin.
Chanda? That weird name? At sino namang maysabi na...
Nakangisi si Xan habang nakatingin sa plato niya. Nag-joke kaya ang pinggan kaya siya natatawa?
Humigpit ang hawak ko sa kutsara at pinigilan ang sariling magsalita ng hindi maganda sa harap ng mga magulang niya. He is freaking annoying! Obvious na siya ang nagsabi no'n sa papa niya.
He raised a brow at me playfully when he caught me looking. Nanahimik nalang ako at sa isip nalang siya pinapatay.
"Magandang umaga po!"
Sabay-sabay kaming lumingon sa dalawang bagong dating. Its Xan's two friends: Daniel and Kevin.
"Hello, New York girl!" Kumaway si Kevin sa tapat ng mukha ko. The audacity!
Tipid akong ngumiti at binilisan ang pagkain. Pagkatapos ay nagpaalam na at naligo.
I wore a simple tattered jeans and fitted crop top. Sinuot ko rin ang favorite kong signature sandal ng Bottega Venetta, at plain black Marc Jacobs snapshot.
Nag-ipit ako ng buo at medyo itinaas iyon bago lumabas ng kwarto. Naabutan ko silang lahat na nasa sala at naghihintay maliban kay lolo at lola.
"Uyyy! Ang ganda mo, New York girl. High five tayo diyan." Ngumiwi ako pero nakipag-high five din kay Kevin.
"I'll say something," sambit ko saka sinenyasan siyang lumapit. "Ang haba ng tawag mo sa'kin."
Humalakhak siya saka lumayo. "Oh sige, Chanda."
I made face and rolled my eyes. Bahala siya sa buhay niya.
Sabay-sabay kaming umalis sa bahay. Nag-tricycle kami samantalang yung dalawa ay nag-motor. Tito Ricky is the driver, Xan sat on the backseat, and I'm sitting inside the vehicle. First time kong makasakay sa tricycle pero ayos lang naman. Hindi naman masyadong mausok although medyo rough road dito sa lugar nila.
Huminto ang sasakyan sa tapat ng isang sakto lang ang laki na gate. Kapansin-pansin ang may kalakihang tarpaulin na nakalagay sa tabi ng gate at medyo mataas iyon dahil nakalagay sa magkabilaang pole.
It's the school.
"Susunduin ko nalang kayo ulit mamaya, Chanda," ani Tito Ricky at marahang tinapik ang balikat ko at ngumiti.
I smiled back and nodded. Sakto namang dumating na rin sila Kevin. Agad lumapit sa akin ang mga ito at walang pakielam sa mga ilang dumadaan na mukhang nakakakilala sa kanila.
"Pasok na tayo," ani Daniel at sumabay ako sa kanila papasok.
Si Xan ay malapit lang din sa amin pero may mga kausap na iba. He smiles at them but he didn't even bother to treat me fine.
"Sino iyang kasama niyong binibini, Kev?" A group of friends approached us.
"Ohh!" May lumapit sa aking babae mula sa grupong iyon at hinawakan ang bag ko. Damn it. Nanlaki ang mata ko nang makitang malalaki ang kuko niya. She might ruin my Marc Jacobs! "Tunay ba ito?" Aniya at itinaas pa iyon sa mukha ko.
Lumunok ako at pilit pinagmukhang ayos lang ang ginawa niya. "Yeah," I answered softly.
"Wow!"
"Si Chanda pala," pagpapakilala ni Daniel. "Dito na siya mag-aaral."
Isa-isa silang nagpakilala at nakipagkamay pero wala akong naalala sa mga pangalan nila. My mind is still at the girl who held my bag. Ngayon naman at sa kwintas ko ito nakatingin. Akmang hahawakan niya iyon nang umatras ako.
"Sorry," I said. "I'm not used to someone holding my things."
Halatang nadismaya ito sa akin pero hindi naman nagreklamo.
Malayong-malayo ang itsura ng nakagisnan kong school sa kung anong mayroon dito. It's a wide space full of grass with three buildings which I guess has two floors only. Hindi rin ganoon kaluwang ang paaralan dahil kita ko na ang kabuuan nito pagpasok ko ng gate. Unlike the school I attended last year, mukhang kakaunti lang ang estudyante rito.
"Anong kukuhanin mong strand, Chanda?" Lumapit sa akin ang isang lalaki na kung hindi ako nagkakamali ay Vince ang pangalan.
"Uhm, ABM."
"Sayang. STEM kasi ang kukunin ko."
I faked a laugh and pretended I'm interested with whatever he is saying. Mabuti nalang at nahila ako nila Kevin doon kaya kami-kami nalang ang magkakasama ngayon.
Pumasok kami sa may kaliitang classroom at sinabi sa school staff na nandoon kung anong strand ang kukuhanin namin. Then she handed us forms which we're going to fill up to.
Matapos mag-fill up ay sabay-sabay kaming lumabas doon. Kailangan na rin daw magpa-ID kaya nakipila pa kami sa kabilang classroom. Naiiyak na ako sa sobrang init. Ni hindi man lang air-conditioned ang mga classroom. Ang taas pa naman ng sikat ng araw.
"Ano ba iyang pantalon mo? Wala ka na bang matinong maisuot?" Sita ni Xan sa akin.
Tinignan ko siya ng masama. "Duh! Ito ang uso sa New York."
"Uso?" He hissed. "Butas-butas?"
Umismid ako at tinalikuran siya. Ang epal talaga ng isang ito. Naunang pumasok si Kevin para magpakuha ng litrato, sunod si Daniel, pagkatapos ay ako.
"One... two... three... Click."
"Can I check my face?" Tanong ko sa camera man. Aba! Baka mamaya nakapikit pala ako roon.
Napipilitan niyang pinakita sa akin yung kuha niya pero hindi ko rin naman masyadong kita. Tss. 'Wag na nga. I think maayos naman kahit paano. And if not, tatakpan ko nalang iyon ng ibang picture.
Pagkalabas ko ng room na iyon ay namataan ko si Xan na nakikipagtawanan sa isang babae. The girl has long black hair, prolly taller than me, slim, and her skin is morena. Natigil sila sa pagtatawanan nang tinawag na si Xan sa loob pero naiwan ang tingin ko sa babae.
Marahil napansin nito ang tingin ko kaya tumingin siya sa gawi ko at ngumiti. Her smile is as lovely as her looks. How are they related?
"Foreigner?"
"Ewan. 'Di ba bawal ang may kulay na buhok? Dapat masabihan siya."
They are obviously talking about me. Humarap ako sa kanila. Apat na babae iyon na halata namang ako ang pinag-uusapan. They all looked away but too late since I already caught them looking.
"Chanda, tara na."
Tapos na pala si Xan. Kasama rin nila yung babae kanina.
"Hi, Chanda," sabi nung babae. "Chanda ang pangalan mo, 'di ba?"
It's Chandria actually.
Tumango ako. "You are?"
"I'm Alena." She extended her hand to me and I accepted it. "Nice hair."
"Thanks."
"Pero bawal ang may kulay na buhok dito. Hindi mo alam?"
What?
Tumingin ako kila Daniel pero nagkibit-balikat lamang ang mga ito. Damn. I need to color my hair again. Hindi black ang buhok ko, may pagka-brunette siya pero para wala silang masabi ay magpapakulay nalang ako ng itim.
Habang papalabas kami ng campus ay dinadaldal ako nina Kevin at Daniel. Panay ang pagkukuwento nila ng kung ano-ano na minsan ay hindi naman ako maka-relate. Xan, on the other hand, is having another world with the girl- Alena. Girlfriend niya ba iyon? Sa lahat kasi ng nakakausap niya ay parang iyon ang pinaka-close niya.
Bagay naman sila.
"Uuwi na?" Takang tanong ko nang mapansin ang paparating na tricycle ni Tito Ricky. I checked my Daniel Wellington watch to check the time and it's not even eleven yet.
Hindi ba't pagkatapos ng enrollment ay gagala? Like go to Malls, parks, or just hangout somewhere.
"Madami pang trabaho sa bukid," ani Xan na hindi ko napansing nasa tabi ko na pala.
Sabi ko nga.
"Una na kami," tinapik ni Daniel ang balikat ni Xan bago humarap sa akin. "Chands."
"Sige, ingat."
Kevin waved his hand, too, before going after Daniel. Si Alena ay nanatili sa tabi namin. Wala yatang balak umalis.
"Sasabay si Chanda sa'yo?" tanong ni Alena kay Xandro na para bang wala ako sa tabi niya.
"Oo," tipid na sagot naman ng isa.
"Ahh," she nodded. Ngumiti ito sa akin bago nagpaalam. I watched her walk away. Simple lang siyang babae. Siguro ganyan ang mga tipo ni Xan.
"Ayieee..." Pabiro kong binunggo ang balikat niya. "Ganda ng girlfriend mo, ah? O nililigawan palang?"
He glared at me. "Huwag ka ngang feeling close," anito at naunang naglakad patungo sa pwesto ng naka-parking na tricycle ni tito.
Wait...
Anong sabi niya?
Ako? Feeling close?
Ang kapal... Argh!!!