"Kita-kita ulit tayo bukas, New York girl." Kumaway si Kevin bago umangkas sa motor. Daniel is the driver.
"Bye, Chanda," Daniel's last words before he drove the motorcycle out.
Nakangiti akong kumaway sa papalayong sasakyan bago pumihit papasok sa bahay. Pero natigil ako nang makitang nakatingin si Xan sa akin. Seryoso pa rin ang mukha niya. Ngumingiti naman siya sa iba pero bakit sa akin ang sungit niya? Seriously, did I owe him something or what?
"Ang bilis mong makasundo sila, ah," pansin niya.
"Uhh, yeah... your friends are nice."
"Hindi lang sila sanay na may bisita kaya ganoon. Don't flatter yourself too much."
Pagkatapos non ay tinalikuran niya na ako pero hinabol ko siya agad.
"Xan!" I called. Walang tao sa bahay dahil nasa likod sina lolo at lola. Tito Ricky left minutes ago to buy something.
Humarap siya sa akin pero tulad ng mukha niya kanina, hindi pa rin siya natutuwa sa akin. Paano akong makikipagkaibigan sa iba kung sa kanya palang ay nahihirapan na ako?
Bigla akong naduwag nang magtama ang mga mata namin. Ano bang dapat kong sabihin sa kanya? Baka mabigla siya kapag sinabi kong gusto ko siyang maging kaibigan. O baka mainis siya kapag tinanong ko kung bakit parang galit siya sa akin. The only choice I have is to ask...
"Anong gagawin mo bukas?"
Halata sa mukha niya ang pagkabigla sa tanong ko pero agad din niyang inayos ang reaksyon saka ako sinagot. "Magtatanim."
"Magtatanim," bulong ko. Surely it's not my thing but I can try, right? "Pwedeng sumama?"
"Anong gagawin mo roon? Hindi ko kailangan ng audience."
Sumimangot ako. Hindi talaga siya marunong makipag-usap ng maayos, ano? Bakit sa iba ang bait-bait niya naman? Naaartehan kaya siya sa akin? Bakit ang mga kaibigan niya hindi naman iritable sa akin?
"Magtatanim din ako." Wait... sinabi ko iyon? s**t! No! Hindi ako marunong magtanim. Babawiin ko na sana ang sinabi ko nang bigla siyang ngumisi.
With the annoying smirk plastered on his handsome face, he said these words. "Six in the morning. Sharp. Ayaw ko ng mabagal kumilos."
He agreed! Oh my gosh. He agreed, right? I'm not hearing things. I'm sure he agreed. YES!
Hindi mawala-wala ang ngiti ko hanggang sa matapos ang araw na iyon. I alarmed my phone an hour before six. Matutulog nalang ako ng maaga para magising ako bukas. I know waking up at that time is a miracle for me. Bahala na.
As expected, ilang beses kong ini-snooze ang alarm. I'm in the middle of a deep sleep when my phone rung for the fourth time. Inaantok na pinatay ko iyon at bumalik sa pagtulog. But when I was about to enter again in my dreamland, I remember my promise to go with Xan today.
Shit! Bumangon ako kahit medyo masakit ang ulo dahil hindi sanay sa ganitong oras ng paggising. I immediately check the time only to see that it's almost five thirty. Buti nalang ini-ready ko na ang susuotin. Should I take a bath first? Pero madudumihan din naman ako doon, 'di ba?
In the end, I took my towel and decided to wash my face. Nasalubong ko si Xan na naka-long sleeves at pambahay na shorts na. Mukhang nagri-ready na siyang umalis. Nagulat siya ng makita ako pero kalaunan ay ngumisi.
"Aalis na ako," anito na para bang hindi na ako makakahabol.
"Teka," pigil ko. "Wala pa namang alas-sais, ah?"
He raised a brow, slightly amused. "Sa bagal mong kumilos, hindi ka na makakahabol."
Taas noo ko siyang tinignan saka itinuro ang upuan na hindi inaalis ang tingin sa kanya. "Wait and see."
Umalis na ako agad sa harap niya dahil paniguradong tatagal lang ako roon kung maikipagtalo pa ako. Itinali ko ang buhok saka naghilamos at nagtoothbrush. Bahala na. Maliligo nalang ako pag-uwi. Hindi naman siguro kami magtatagal, 'di ba?
Lihim akong napangiti nang mamataan siyang nakaupo sa upuang tinuro ko. Nang lumingon siya ay agad akong nag-iwas ng tingin. I run to my room to change my clothes. A black shirt with a gucci logo and knee-level maong shorts are my pieces for today. I wore my Alexander McQueen's sneakers. Great!
I checked my phone and my eyes widened when it's already two minutes passed six. Hindi ko na inayos ang buhok at nanatili nalang iyon na nakatali kahit medyo magulo. Pagkaakyat ko sa sala ay wala na si Xan doon. Great. I knew he'd not wait.
Namataan ko ang anino niya sa labas ng bahay. Hindi pa siya nakakalayo. Patakbo akong lumapit sa kanya, mabuti nalang at mabagal lang ang lakad niya.
"See?" Ngumiti ako nang makita ang hindi maipaliwanag na ekspresyon sa mukha niya. "Sabi ko naman sayo hahabol ako, eh."
Nagbuga siya ng hininga saka umiling-iling. Sumimangot ako at hindi nalang masyadong inisip ang mga nakakainsulto niyang reaksyon. Nagta-try akong mag-reach out pero mukhang hindi siya interesado. He should know that I'm trying hard to have some time with him, a peaceful one.
Hinihingal ako nang huminto na kami sa pwesto kung saan kami magtatanim. Obviously it's hot here. Huminto kami pareho sa lilim ng puno ng manga.
Medyo malayo pa pala sa bahay. Sumandal siya sa puno at naglabas ng bote ng tubig mula sa bag na dala niya. Halos makalahati ang laman non. I gulped and look away. He should have told me na dapat ay may dala akong tubig. I didn't know.
Nauuhaw rin ako.
Luminga-linga ako sa paligid at noon ko lang napansin na hindi bagay ang suot ko rito. I'm wearing my fvcking luxury white sneakers. Mapuputikan ito for sure. And it's very, very special for me. No... No way!
Tumingin ako sa daan pabalik. Shoes or the friendship I want to build with this guy? Lumunok ako bago humakbang ng dalawang beses patungo sa daang dinaanan namin. Then Xan stopped me. Hinawakan niya ang siko ko na agad niya ring inalis ang kamay nang tumigil na akong maglakad.
Isinabit niya ang bag na dala sa may sanga saka binuksan iyon. Naglabas siya ng tsinelas at pabagsak na ibinaba iyon sa lupa. Pagkatapos ay naglabas siya ng bote ng tubig. Iba iyon sa kanina dahil puno pa ang laman non. Pinahawak niya iyon sa akin at wala akong nagawa kundi hawakan iyon.
"Inumin mo iyan at magpalit ka ng tsinelas," anito saka iiling-iling na iniwan ako roon.
Shocked and amused at what happened, I stare at the bottle of water on my hands. Hindi ko inaasahan ang aksyong ginawa niya. Pigil ang ngiting nagtanggal ako ng sintas ng sapatos at saka iyon inayos at isinuot ang tsinelas na bigay niya. It's quite bigger than my size but its fine. Uminom ako bago naglakad palapit sa pwesto niya.
"What's this?" Tinuro ko ang sako na may lamang lupa.
"Fertilizer," anito. "Lagyan mo ng fertilizer itong pagtataniman natin. Magdidilig lang muna ako sandali." Tumayo siya at medyo lumayo sa pwesto ko.
Pinanood ko siyang mag-igib ng tubig mula sa gripo. Hindi automatic iyon? I wonder kung mahirap bang mag-igib since mukha namang madali lang para sa kanya. Should I try? Well, nevermind. It looks dirty anyway.
Naiiyak kong tinignan ang kuko ko. Dapat ko bang hawakan iyan? I bit my lower lip. Come on, Kate, fertilizer lang iyan. Get a grip of yourself and just do it.
May palang maliit doon na pangtanim at iyon ang ginamit ko pero syempre, may mga pagkakataon na kailangan kong hawakan. I'll wash it up nalang later. I just have to finish this.
"Good morning, New York Girl!"
Singkit ang mga mata dahil sa sinag ng araw na medyo papataas na ay nilingon ko ang mga kaibigan ni Xan na papalapit sa pwesto ko.
"What are you doing here?" tanong ko nang tuluyan na silang makalapit.
"Bumibisita lang," sagot ni Daniel. "Anong ginagawa mo?"
Gusto ko siyang sagutin ng sarkastikong sagot. It's obvious that I'm putting fertilizer and mixing it with the soil.
"Teka," ani Kevin at sinilip ang laman ng sako. "Buti hindi ka maarte kahit nanggaling kang New York, ano? Englishera lang talaga."
"What are you saying? May mali ba sa paghahawak ng fertilizer?"
Ngumisi ito. "Wala naman. Akala ko lang mandidiri ka sa tae ng kalabaw."
Tss. Ano namang nakakadiri sa...
Wait! What did he say?
With my heart pounding loudly, I glared at him. "What the fvck are you blabbering about?"
Tinuro niya ang sako. "Hindi mo alam na tae iyan ng kalabaw?" Nahihimigan ko ng pagtataka ang boses niya. "Fertilizer nga naman iyan."
And just right after he confirmed it, Xan came.
"Oh? Bakit kayo nagku-kwentuhan diyan?"
Humalakhak si Kevin at bumati sa pinsan. "Hindi niya yata alam na tae ng kalabaw ang hinahawakan niya. Mukhang nagulat, eh."
Tumingin si Xan sa akin. "Bakit? Fertilizer naman iyan."
I clenched my fists but my anger bottled up even more when I feel the dirt of that fvcking carabao manure in my hand. Naiiyak akong tumakbo sa may gripo at mas lalong nanlumo nang walang tubig sa timba.
Ginaya ko ang ginagawa ni Xan kanina upang may lumabas na tubig pero mahirap pala. Mabigat ang hawakan non at mahirap itaas at ibaba pero sinubukan ko pa rin. There's no fvcking way I'm holding this s**t a minute more.
"Tulungan na kita." Wala ako sa posisyong tumanggi sa offer ni Daniel. I took a step back and waited for the water to come.
Matapos maghugas ay lumapit akong muli sa pwesto nila ay tiningnan ng masama si Xan. He raised a brow at me, looking satisfied with what happened.
"Huwag mo akong irapan," anito. "Ikaw ang nagsabing tutulong ka."
"You should have told me it's a fvcking manure!" Sigaw ko sa pagmumukha nito.
Napapikit siya sa lakas ng boses ko pero umiling lang pagkatapos at hindi na ako pinatulan. Ni hindi man lang nag-sorry. Umalis ito at nagpatuloy sa ginagawa na hindi ako pinapansin.
I glared once again before marching and leaving them. Inis na inis ako sa sarili ko. Bakit ba inisip ko pa kanina na bigla siyang bumait? He's the worse!
Napatingin ako sa kamay ko. No, you cannot cry, Kate. Madumi ang kamay mo at walang pupunas ng mga luha mo. Damn it!