Naalimpungatan ako sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko. I slowly opened my eyes before reaching my phone to check the time. Seven thirty. Maaga pa.
Ramdam ko ang bigat ng katawan dahil literal na wala naman akong ginagawa kung hindi ang kumain at matulog. I'm not used to it. Sa New York ay madalang akong mag-stay sa bahay. I guess I should find a new hobby.
Bumangon ako at dala ang towel para makapaghilamos ay natigilan ako sa huling baitang ng hagdan paakyat. Mula rito ay natatanaw ko ang dalawang lalaki na nagtatawanan sa may living room ng bahay. I suddenly felt awkward because I look like someone who just woke up- well I really am, may muta pa nga yata ako.
Pero kung maghapon silang mananatili diyan, I have to wash my face. Hindi ko kayang magtagal na hindi naghuhugas ng mukha. Kaya nagmamadali akong nagtungo sa likod ng bahay kahit napansin kong unti-unti silang natahimik nang dumaan ako. I even overheard someone saying, "Sino iyon?"
Saka lang ako nakahinga ng maluwag nang marating sa likod ng bahay.
"Kagigising mo?"
"s**t," I murmured out of shock. Tinignan ko si Xan na sumulpot lang sa kung saan. Tumutulo ang pawis mula sa kanyang noo, he's wearing sando and shorts. In fairness, mabango pa rin siya kahit pawis na.
Well, kadiri pa rin.
"Why are you here?" tanong ko nang medyo umayos na ang paghinga.
His lips rose in amusement. "Bahay ko ito, Miss," anito na may halong pang-iinsulto ang tono.
"I mean..." Pumikit ako ng mariin. Bakit ko ba kinakausap ito? I should be washing my face and... Oh my God! May muta pa ako.
Agad akong nagtakip ng mukha nang ma-realize kung gaano ako ka-mukhang engot sa harapan niya ngayon. Walang sabi-sabi na pumasok ako sa CR at hindi na siya kinausap.
"Gosh, Kate!" You're gross! Hindi ko na alam kung paanong haharap sa lalaking iyon.
Pagkatapos maghilamos at mag-toothbrush ay pasimple kong sinilip kung nandoon pa ba ang mga bisita nila. It's probably Xan's friends. Nagtago ako sa kusina habang sinisilip kung may tao pa ba sa sala nang nakita ako ni Lola Lina.
"Oh, hija, halika rito..."
Napapikit ako sa kahihiyan at sa huli ay wala ng nagawa kung hindi magpakita sa kanila. Two guys are sitting on the long wooden chair, Xan on the solo chair and Lola Lina is standing in front of them. Nandito na lang din naman ako, I cannot embarass myself even more. Taas noo ko silang tinunghayan.
"Hi," the boy in his gray shirt greeted. Ngumiti siya ng malaki sa akin. "Kevin nga pala. Anong pangalan mo?"
Natural black hair, medyo mahaba ang buhok niya, lagpas tainga. Mukha naman siyang matino basta 'wag lang siyang ngingiti. He looks like joker when he smile. Para bang hindi mo pagkakatiwalaan ang ngiti niya. Base on looks ha, I'm not judging his personality.
"Chandria Kate Benedicto," pagpapakilala ko. "You can call me..."
"Chanda!" Halos sabay na sabi ni Kevin at ni Xan.
"What?" Napaka-probinsyana naman ng dating non. No, I don't like it. My name is very nice and lovely and they will just call me... what? It sounds like 'ganda', when some random people call you in the street. Errr!
"Chanda," Lola Lina repeated. "Magandang nickname iyon. Oh sige, mula ngayon, Chanda na ang itatawag namin sayo."
Aangal pa sana ako nang bigla nilang ibahin ang usapan. Nagpakilala rin ang isa pang kasama nila, which I think is the most serious one, si Daniel. Pinaka-matino... for me ha. He smiles a lot, too, but he doesn't look that creepy. Maayos ang pagkakagupit ng buhok niya. Xan has this messy hair style.
"Xan," Tito Ricky shouted from the outside. Dali-daling lumabas si Xan, baka may iuutos si Tito.
Lola Lina left, too, to prepare some foods for their visitors. Kaya naiwan ako kasama ang dalawang lalaki rito. Should I leave, too?
But then, tama bang iwanan ang mga bisita rito?
"Chanda," Kevin called. Napapikit ako sa inis nang marinig ang pangalan na iyon. They are obviously making fun of me. Chanda... gosh! I can't imagine how my NYC friends would react to this. Paniguradong ilang buwan nilang tatawanan ang pangalan na iyon.
"What?" masungit kong sagot. I was taken aback of my own tone. Come on, Kate. Hindi mo lugar ito. "Sorry, bakit?"
Humalakhak siya. "Pinsan nga pala ako ni Xan," anito. Pinsan? No wonder they both... nevermind.
"Ahh," I nodded. Alam ko namang na-gets niya na na hindi ako interesado pero sadya yatang makapal ang mukha niya para magsalita ulit.
"Dito ka na titira? Saan ka ba nakatira dati?"
"Naiinis na yata sayo, Kev," sambit ng katabi niya, si Daniel. See? Obvious namang hindi ako natutuwa sa kanya.
Hindi niya pinansin si Daniel at sa halip ay humarap pa lalo sa akin. "Saan ka galing?"
"New York," tipid na sagot ko at naghahanap ng tyempong makaalis dito.
"Oh! Dapat pala New York girl ang tawag namin sayo," pagdadaldal niya pa rin. "Hindi nga? Galing kang New York? Ayos ah, sosyal ka pala."
"You're so talkative, ano?" I said, direct to the point.
Natahimik siya at bahagya akong na-guilty. Maybe he just wants to make me feel comfortable. I promised Lola Lina that I will try to love this place and as well as to get along with the people here. At kung mananatiling ganito ang ugali ko, no one will really like me.
Magso-sorry na sana ako nang sabay silang matawa na dalawa. Gulat sa nangyari ay hindi ako nakapag-salita. What's funny?
"Mukhang may bagong myembro ang barkada," Kevin uttered. Myembro ng barkada... Wait... "I now announce na kasama ka na sa amin."
Daniel on the other hand is shaking his head, not in disagreement though. Sa ngiti palang na nakapaskil sa mukha niya ay mukhang natutuwa rin siya. The both looked fascinated. And then it hit me, hindi sila nagalit o nainis. How come...?
"You're not mad?" Kunot ang noo na tanong ko. Umupo ako sa upuang inukupa ni Xan kanina. Speaking of that guy, hindi pa siya nakakabalik. Kung wala ako ay sino nalang ang mag-e-entertain sa mga bisita niya? He should thank me after this.
"Dudugo na ang ilong ko kaka-ingles mo," ani Kevin saka humalakhak. "Saka bakit naman kami magagalit? Cool ka nga, eh. Cool!" He even put both his thumb on the air. Si Daniel naman ang sinulyapan ko pero tulad kanina, nakangiti lang siya.
"Hindi talaga kayo galit?" ulit ko. Kasi maiintindihan ko naman kung naiinis sila sa akin.
"Hindi nga, New York girl."
"I'm not new york girl..."
"Eh sabi mo galing ka ng new york."
"Yeah."
"Eh, 'di New York girl ka nga. Unless..."
"Unless, what?"
Sumeryoso siya at tinignan akong mabuti. "Are you gay?"
It took some minutes before I eventually understand what he meant by that. The familiar feeling bottled inside of me. Tumalim ang tingin ko sa kanya.
"Uy, biro lang." He chuckled but I didn't find it funny.
Mukha ba akong bakla? Mukha ba akong lalaki in the first place? Biro iyon sa kanya but what about me? I can't fvcking absorb it. Someone just said... ugh!
Gusto kong sumagot pabalik pero pinilit kong 'wag nalang magsalita. I might regret it later. Calm down, Kate, it's just a joke. He didn't mean it.
But what if he did?
Bigla ay tila nawalan ako ng kumpyansa sa sarili. Maganda ba talaga ako o maputi lang? Are they all lying to me saying I'm pretty? Tears shimmered on my eyes. Hindi ko na nakita ang reaksyon nila pero hindi ko maiwasang hindi maging emosyonal. Maybe it's because... I know I'm not fit in this place.
Hindi ko gusto ang biro nila. Hindi ko kayang i-absorb kung paano silang makipag-usap. And everything was a mess inside. This isn't my comfort zone, this isn't my world.
"Gago, pinaiyak mo." Hindi ko pa sila gaanong kilala pero sigurado akong si Daniel ang nagsalita non.
"Tulungan mo ako," natatarantang sambit naman ng katabi niya. "Biro lang naman iyon. Hindi ko alam na mapipikon siya."
"Feeling close mo kasi, gago."
Then a moment of silence filled the area. Nang medyo kumalma na ako ay bigla kong na-realize kung gaano ka-OA ng dating sa kanila ng ginawa ko. Pero mabigat pa rin ang dibdib ko. Parang sa bawat araw ay pinare-realize sa akin na hindi ako belong dito. They are not my friends, this isn't my home, I shouldn't be here.
"Uyy," pagkalabit sa akin ni Kevin. When our eyes met, I can see how scared he is. "Biro lang iyon, promise." Nagtaas pa siya ng kanang kamay na animo'y nangangako. "Ang ganda mo kaya. Bagay ka nga maging model eh. Ikaw pinakamagandang babae na nakita ko sa personal. Promise."
I pouted, trying to stop my lips from rising. How could he say that. Imposible iyon.
"You're making it worse," bulong ko pero ang totoo ay medyo nalulusaw na ang mumunting inis na naramdaman.
"Ano raw?" Baling niya kay Daniel. "Mukha raw akong horse?" When Daniel nodded, I almost laughed. Then Kev looked at me again. "Oyy! Grabe ka naman sa akin. Ako kaya pinaka-gwapo sa aming magbabarkada. Alam mo ba na pumipila pa ang mga babae para lang mapansin ko. Tapos sasabihan mo lang ako ng mukhang kabayo?"
"You told me I'm gay," sagot ko.
"Sa akin biro lang, bakit sayo ang seryoso." Ngumuso ito at parang bata na nakikipag-away.
Kasunod nun ay ang malulutong na tawa ni Daniel. Nakahawak pa ito sa tiyan kakatawa. Si Kevin ay masama ang tingin sa akin pero alam ko namang hindi seryoso ang reaksyon niya. Parang childish lang ganon. And me? It feels weird but I can't stop smiling.
Bumukang muli ang bunganga ni Kevin pero hindi na nakapagsalita nang pumasok si Lola Lina, announcing that we can eat na. Ang aga pa, ah?
"Kevin, pakitawag na sila Xan at nang sabay-sabay na tayong kumain."
"Sige po, La."
Kami ni Daniel ay sumunod sa kusina para tumulong mag-ayos. Sabay-sabay kaming kakain. Tila may mga paru-parong nagliliparan sa tiyan ko habang ini-imagine na madami kaming magkakasalo sa hapag ngayon. It feels surreal and special.
"Ganoon lang talaga magbiro si Kevin, sana hindi mo seryosohin," bulong ni Daniel habang abala si Lola na mag-sandok ng ulam.
I smiled and shrugged. "I was just extra-emotional earlier that's why."
"Pero tinawag mo siyang horse."
"I meant 'worse' not 'horse'."
Then he laugh so loud that made Lola looked at us. Sa huli ay natawa nalang din ako. I mean, it's fun, isn't it?