Should I turn on the TV?
I crouched on the wooden chair while watching my reflection on the vintage style TV on their living room. Si Lola Lina, yeah I know her name now, ay nasa kusina at naghuhugas ng pinagkainan namin. I feel guilty making her do the chore but she insisted. Nag-offer naman ako na maghugas kahit hindi ko alam pero sinabi niyang siya na.
Now, I am looking at the old-designed TV, wondering if it's okay to turn it on. Sa huli ay tumayo nalang ako at bumalik sa kwarto.
Iniri-ready ko ang mga gamit para makaligo na nang biglang mamatay ang ilaw at electric fan sa kwarto. Kung mainit na kanina, paano pa ngayon?
Tagatak ang pawis at iritang-irita na lumabas ako ng kwarto. Walang tao sa loob ng bahay kaya malaya at komportable akong naglakad papunta sa likod- kung saan naroon ang CR nila. It still creeps me out that I am in a place where they have... gosh, I can't even put into words how disgusting their bathroom is. Can't they stock some toilet papers? Kahit sana i-tiles man lang ang floor.
Gumawa ng ingay ang pagtulak ko sa pintuan ng CR. And then here comes this lock anxiety again. Hindi ko talaga magawang maligo ng maayos dahil sa takot na may magbukas nito.
Isinabit ko ang bathrobe na dala saka underwear sa kung saan pwedeng mailagay. On my hand is the soap they are using, I'm not familiar with it so I know it's just some soap you can buy for cheap prices. Not that I'm complaining pero paano kung sa halip na magtanggal ng bacteria ay magdala pa ito?
And like how it goes every single time I complain, wala naman akong magagawa kung hindi gamitin ang mga nandito.
"s**t," sigaw ko nang ibuhos ang tubig na laman ng timba sa katawan. Oh my gosh! Ang lamig.
Nagtatatalon ako at bahagyang sumisigaw sa bawat buhos ng tubig hanggang sa matapos akong maligo. Pakiramdam ko ay nakapag-excercise na rin ako paglabas ng CR sa kakatalon at kakasigaw.
Pagbukas ng pinto ay napaatras ako nang bumungad si Lola Lina sa tapat. May dala itong basket na puno ng kulay green na maliliit na bagay. I'm not sure what is it. Ngayon ko lang yata ito makikita.
"Malamig ang tubig?" Tanong niya habang sabay kaming naglalakad papasok sa bahay.
Drying my hair with my spare towel, I glanced back at her as she put the basket on the table. "Wala po ba kayong heater?"
Hindi sa nagrereklamo, nagtatanong lang naman.
"Naku, wala kaming mga ganoon dito. Hayaan mo at sa susunod ay pakukuluan kita ng tubig para maihalo sa panligo mo."
My heart flatters at what she have said. "Salamat po. What is that po pala?" Tinuro ko ang dala niya. It looks like a fruit or something...?
"Kamias. Gusto mong tikman?"
Pumalakpak ang tainga ko sa narinig. It was as if I'm waiting for her to say that. "Omg! Can I?"
Halos mangislap ang mga mata ko nang tumango siya. Walang sabi-sabi na dumampot ako ng isang piraso at akmang isusubo nang hawakan ni Lola ang kamay ko saka nakangiting itinuro ang faucet sa may kusina nila.
"Hugasan mo muna at kaka-harvest ko lang niyan."
I hurriedly walk towards the faucet and washed it up. Pagkatapos ay isinubo ko ng buo ang... ano na nga ulit pangalan nito? Basta kulay green something siya na-- Pwe!
Idinura ko ang bagay na iyon saka agad itinapon sa may basurahan sa gilid. Hinugasan ko ang bibig saka ngumiwi sa sobrang asim. I heard a chuckle from behind. Hindi ko iyon pinansin dahil inuna kong manguha ng tubig. Ang asim! As in sobrang asim. It's way more sour than mangoes. What kind of fruit is that?
"Ikaw naman kasi," a manly voice came out of nowhere. "Hindi mo sinabi sa bata na maasim."
"Mabuti at ng matikman niya naman kahit paano ang kamias."
Nang umayos na kahit papaano ay pumihit ako paharap sa kanila. Lolo is standing beside Lola Lina. I admit, they look so good together.
My cheeks flushed when it came to me how I acted in front of them. Sabi ko pa naman ay babawasan ko na ang kaartehan ko para hindi sila mag-alala.
"Oh siya, magbihis ka na muna, hija, at maghahanda na ako para sa lulutuin."
Tinignan ko ang suot at lalo pang nahiya nang makitang naka-roba lang pala ako. But it's better than towel alone. I pressed my lips together before making my way out of the kitchen. Pagdating sa kwarto ay muli kong sinilip ang cellphone, nagbabaka-sakali na magka-signal kahit paano. The electricity is now back, umaandar ng muli ang electric fan at nakasindi na ang ilaw.
But to my dismay, like yesterday, there is no signal. Mas lumala nga lang ngayon dahil kung kahapon may isang bar pa kahit paano, ngayon literal na no signal ang nakalagay sa may notification area. Naka-ninety three percent pa nga ang battery ng phone ko dahil wala naman akong magawa roon.
I have no games, I'm not a fan of it. Walang magagawa sa phone ko kapag walang signal maliban sa pagkuha ng larawan. But what picture can I take here? Surely I don't like to brag this place to some of my NYC friends and classmates. It's not something I'm going to brag about. Baka pagtawanan lang ako.
Pagkatapos magpalit ng shorts at spaghetti strap top ay nagtungo ako sa kusina para tumulong. Alam ko namang wala rin akong maayos na magagawa roon pero at least nagta-try na makisama, right?
"Hindi ka ba giniginaw sa suot mo?" sita ni Lola Lina nang matanaw ako. She's washing something on the sink. Hula ko ay isda.
Taka kong tinignan ang suot ko. "No. Why?"
"Wala naman," aniya saka ibinalik ang atensyon sa kung ano mang hinuhugasan niya.
Nangalumbaba ako sa mesa saka siya pinanood. Actually, she's gorgeous. Siguradong pinag-aagawan din siya ng mga kalalakihan noong kabataan niya.
"What are you going to cook po?" I asked.
"Paksiw na galunggong." She ducked her head to see me. "Kumakain ka ba ng galunggong?"
"Uhh..." I shrugged. "Sometimes po. Can I help you with something?"
"Hindi na. Madali lang naman ito."
Nakahinga ako ng maluwag. Ang lakas ng loob kong mag-offer when for all I know, wala naman akong alam gawin. Oh except for one thing: baking. Not to brag but baking is an unknown skill of mine. Ang mga kaibigan at mga magulang ko lang ang nakakaalam na nagbe-bake ako. My second career choice is to be a well-known pastry chef in town and open my own cafe.
But modelling is on the top.
"Enrollment na next week. Anong kukuhanin mo? Ano ba tawag doon? Yung sa K-12 na parang may kurso kurso?"
I really appreciate how she tries so hard to think of a topic and talk to me. "Strand po."
"Oo, ayun. Strand. Anong strand ang kukunin mo?"
"Baka mag ABM (Accountancy, Business and Management) nalang po ako."
I want to build my own business and even though I wouldn't take a business course in college, I want to have a basic knowledge about it.
"Ganoon din yata ang kukuhanin ni Xandro," sabi niya saka inilagay sa kaserola ang isda. "Siya kasi ang mamahala ng bukid namin kaya gusto niyang magkaroon ng kaalaman sa pagnenegosyo."
I see...
He is responsible naman pala. He's not friendly lang talaga. Well, siguro sa una lang. Maybe he can be nicer to me as time goes by?
As if naman gusto ko ring mag-stay rito. I'm missing my friends, too.
"Hindi mo gustong tumira rito, tama ba?" Marahan niyang tanong matapos isalang sa kalan na nasa likod-bahay pa ang kaserola. She took the seat in front of me.
Hindi ako nakasagot. I wanted to say 'yes' but I know that will be rude.
"Nandito ka nalang din naman..." Hinawakan niya ang kamay ko saka ako binigyan ng matamis na ngiti. "Baka pwede mong subukang buksan ang puso mo sa lugar na ito. Hindi man ito tulad ng kinalakihan mong bansa, masaya rin naman dito."
I stifle a small smile before nodding. Lola Lina is right. After all, ano pa bang magagawa ko, 'di ba? May mapapala ba ako sa pag-iinarte at pagrereklamo? My parents will just push me here even if I beg them to take me back.
Lumipas ang maghapon na hindi ko nakita si Xan- not that I'm looking for him pero ang weird lang na nasa iisang bahay kami pero hindi kami nagkikita. Maaga siyang umaalis, late na umuuwi. Ako naman ay madalas sa kwarto at sa kusina. Tsh. Why do I care about him, anyway?
At night, I sat on my bed, thinking about things that keeps bugging me lately.
Kahapon at kanina ay halos hindi ko maramdaman pero ngayon, unti-unti ng lumulukob sa akin ang lungkot ng mag-isa. Keisler and Faye are not here to keep my company. Ni hindi ko nga alam kung may gusto bang makipagkaibigan sa akin dito. I missed my brothers, my parents, the city I grew up with.
Hindi ako naka-attend sa fashion show na balak kong puntahan. Hindi ako makaka-attend sa mga susunod pang fashion events na pwede sanang makatulong sa pagtupad ko ng pangarap.
I missed hearing the soft and sweet voice of a lady asking about my order. The beautiful arrangements of bags on the rack. The cute dresses hanging inside the Mall...
I literally missed everything about new york.
Pinunasan ko ang luhang tumulo pero sa halip na matigil ay sunod-sunod pang naglabasan ang mga iyon.
Calm down, Kate... You still have years to stay here. 'Wag mong ubusin ang luha mo sa isang gabi.
My heart is clenching in pain as I feel the separation anxiety from my favorite humans. Ni hindi ko man lang sila matawagan.