Chapter Ten

1636 Words
Padabog akong pumasok sa loob ng bahay. Ako? Feeling close? Ang epal niya naman. At least ako nagri-reach out at hindi puro pang-i-snob at pagsusungit ang alam. Walang tao sa loob ng bahay nang pumasok ako maliban sa kapapasok lang din na si Xan. Hindi ko siya pinansin at nagpunta nalang sa kwarto. Nagpalit ako ng pambahay saka tiningnan ang cellphone kong halos wala ng silbi ngayon. Umakyat ako sa kama at sumandal sa may pader. Sa labas ng bintana ay napansin ko si Tito Ricky na may kausap na dalawa pang lalaki. I don't know them kaya hindi ko nalang pinansin. Nahiga ako at nagmuni-muni. Saan naman kaya ako magpapakulay ng buhok? Sayang. Kapapakulay ko pa naman. For sure aasarin ako nina Keisler at Faye kapag nalaman nilang kailangan kong magpa-black hair. Honestly, never ko pa na-try ang black but let's see. Baka okay naman. Nang marinig ang boses ni lolo at lola mula sa labas ay naisipan ko na ring lumabas. Baka maghahanda na ang mga iyon ng tanghalian at gusto kong tumulong maghanda kahit paano. And I'm right. Nasa kusina na sila nang makalabas ako. "Oh, hello, hija." Lumapit ako sa kanila at naamoy na mula sa kinatatayuan ang ulam. Ang bango. "Sinigang na baboy ang ulam natin. Masarap iyan. Humigop ka ng sabaw." Pamilyar ako sa ulam na sinigang dahil nagluluto ng ganoon si Mommy. Tumulong akong nag-ayos ng mga pinggan at nautusang tawagin sila Tito Ricky. Naabutan ko siya sa kaninang pwesto kung saan may mga kausap. Wala na siyang kausap ngayon at nag-aayos na ng mga sako na hindi ko alam kung ano ang dating laman. Napansin niya agad ang presensya ko. "Kain na raw po," nahihiya kong sambit. I still feel awkward towards them kahit na mabait naman silang lahat sa akin maliban sa anak niya. "Sige. Tapusin ko lang ito." Ngumiti siya at tinuloy ang ginagawa. "Tulungan ko na ho kayo." Lumapit ako sa pwesto niya at dumampot ng isang sako. Medyo madumi nga lang pero ayos lang. Mas nakakahiya naman ang ginagawa kong palagi nalang nagse-senyorita. Hinayaan niya akong tumulong ng kaunti. "Oh sige na. Pumasok ka na roon. Itatali ko lang sandali ang mga ito." "Sige po. Sunod na po kayo, ha." Nakangiti siyang tumango. Pabalik na ako sa loob ng bahay nang mapansin ko si Xan na nagbubuhat ng mga d**o, dinamo niya siguro. Nagkatinginan kami pero hindi ko siya tinawag. Tss. Bahala siya diyan. Hindi naman kami close para ayain ko siyang kumain. "Oh? Nasaan na sila?" Salubong ni lola sa akin. "Tapusin lang daw po muna nila yung ginagawa." Partly true. Partly lie. Si tito lang naman kasi ang tinawag ko. "Ang mag-amang iyon talaga." Nauna na kaming kumain sa kanila dahil lalamig na raw ang sabaw. I swear, sobrang sarap nilang magluto rito. Hindi naman ako matakaw na tao pero mula yata nang dumating ako rito ay napapadami ang kain ko. Pagkatapos ay kumain pa kami ng saging na sabi nila ay panghimagas daw. I think panghimagas is like a dessert something. Or not? Basta kinakain pagkatapos kumain ng main course, iyon na 'yun. Buong araw kong hindi pinansin si Xandro, hindi ko lang alam kung napansin niya o wala naman siyang pakielam. He didn't even bother to say sorry. The next morning, si lola nalang ulit ang nakasabay kong mag-agahan. Nang matapos kumain ay lumabas ito at nagwalis sa bakuran samantalang ako ay nanatili sa loob ng bahay. Naisipan kong maglinis nalang dito kahit papaano. I started mopping the floor pero maya-maya lang ay napansin ko ng mali ang ginagawa ko. Dapat pala ay inuna kong magwalis. Mistulang naging putik tuloy ang sahig na nabasa at may mga kaunting lupa. Iginilid ko ang mop at kinuha ang walis pero masyado yata akong tanga para hindi maisip na mababasa iyon. Damn. What should I do now? Think, Kate. Think of something! "Oh, s**t!" Napaigtad ako nang may lumipad na insekto at hindi sinasadyang matabig ang vase na nakapatong sa maliit na cabinet doon. Double s**t. Nabasag iyon at gumawa ng ingay sa buong bahay. I bit my index finger. Sobrang lakas ng dagundong sa may dibdib ko at hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong gawin. Alam kong hindi ko ito maitatago at mas lalo akong kinabahan nang marinig ang papalapit na yabag. "Anong nangyari dito?" Xan's voice filled the place, making my nervousness doubled. Lumapit ito sa tabi ko at napansin ko ang hindi maipaliwanag na reaksyon ng mukha niya nang makita ang nabasag na vase. Nanginginig na ako sa takot na mapagalitan. "Anong..." His fiery eyes landed at me. Tinikom ko ang bibig at nag-iwas ng tingin. Namuo ang luha sa aking mga mata at hindi malaman ang gagawin. "Ano ba iyan!" Sigaw nito kaya napaatras ako. Sobrang lapit niya lang sa akin tapos sisigaw siya na akala mo ay nasa kabilang baranggay ako. "Anong ginawa mo?" "S-sorry," nanginginig na sambit ko. "Hindi ko sinasadya..." "Ayan! Hindi mo sinasadya? Eh ano lang ginagawa mo? Na-trip-an mo lang? Chineck mo lang kung matibay at hindi mababasag?" Ang diin sa bawat salitang lumalabas sa bibig niya ay mas lalong nagdulot ng takot sa akin. He frustratingly messed his hair. "Sa dami ng sisirain bakit yung..." He sighed. Natigilan ako. Importante ba sa kanya ang vase na ito? Mas lalo akong tinablan ng guilt. I'm not sure if sorry is enough knowing that it's more than just a vase to him. Kasi naman ang insektong iyon, eh! "Anong nangyari dito?" Sunod-sunod na nagsidatingan sila lola. "Bakit putik-putik dito?" ani Tito Ricky na kararating lang. "Itanong niyo sa babaeng ito," galit na sambit ni Xan. "Hindi man lang marunong lumugar." Nanlumo ako sa mga salitang binitawan niya. Gusto ko lang naman tumulong. Hindi ko naman sinasadya ang nangyari pero kung makapagsalita siya ay parang plano kong gawin ang mga iyon. Nilapitan ako ni lola at tiningnan ang katawan ko kung may sugat. "Ayos ka lang ba?" I swallowed the lump on my throat. "O-opo..." Hindi nagsalita si tito pero itinuloy niya ang nililinis ko. Pinunasan niyang mga putik habang si Xan ay nanatiling nakatingin sa vase. Was it very important to him? "S-sorry po..." Sinabihan ako ni lola na pumasok na muna sa kwarto kaya sinunod ko iyon. And inside my room, tears began to fall from my eyes down to my cheeks. Hindi ko inaasahang ganito ang magiging kinalabasan ng ginawa ko. Xan was so mad earlier. Ano bang meron sa vase na iyon? Regalo ba iyon ni Alena? I didn't know he's the type of person who loves vintage things like that. Halata kasing medyo luma na iyon. "Paanong hindi ako maiinis, Pa? Ang dami na ngang trabaho, magdadagdag pa siya." Lumapit ako sa pintuan ng kwarto ko at isinandal ang tainga doon upang marinig ang pag-uusap nila. I'm sure na nasa sala pa rin sila. "Hayaan mo na. Gusto lang naman tumulong ni Chanda," mahinahong sagot ni tito, kabaliktaran sa tono ni Xandro. "Hayaan? Bakit ba kasi nandito iyan? Hindi nalang siya bumalik sa New York at siya pang iniisip natin dito." It hurts, I admit. Medyo masakit nga talaga siyang magsalita at mas lalo kong napatunayan iyon ngayon. "Ayusin mo ang mga salita mo, Xandro." Tito Ricky sounded mad. "Tss." Wala na akong narinig pagkatapos no'n maliban sa padabog na paggalaw ng ilang gamit. Maybe Xan's cleaning the mess I made. Gusto kong lumabas at tumulong pero tiyak na mas lalo lang sasama ang loob nito. I spent the whole day in my room. Hindi ako lumabas kahit nagtawag na silang kakain na. Wala akong mukhang ihaharap sa kanila. Gusto ko nalang umiyak dito at tawagin lahat ng anghel sa langit na pabalikin na ako sa New York. Wala pa nga akong dalawang linggo dito pero ang dami-dami ng hindi magagandang nangyari. Tapos ngayon, dumagdag pa ito. "Chanda?" It's Lola Lina's voice from the outside of my room. Niyakap ko ang tuhod at hindi sinagot ang pagtawag niya. Narinig ko rin naman ang papalayong yabag niya kaya medyo nakahinga ako ng maluwag. Gayunpaman, hanggang kailan ako magtatago rito? Ngayon, mamaya, bukas... kailangan ko pa ring lumabas. I watched the sunset from the window and stayed on the same position as earlier even now that its already dark. Hindi ko alam kung anong uunahing isipin, anong dapat gawin, o dapat ba na magpanggap nalang akong walang nangyari. I have to apologize to everyone especially to Xan. Bumaba ako sa kama at naramdaman ang tunog ng aking tiyan. Nagugutom na ako pero nahihiya akong lumabas. Nauuhaw na rin ako kakaiyak. Come on, Kate, think of a way. Kaso kahit anong gawin ko, wala namang susulpot na pagkain sa loob ng kwarto ko. I have to go out. Pero maya-maya na siguro kapag tulog na sila. Yeah, as if naman maaga silang natutulog, Kate. Ano nga bang ginawa kong mali? Totoong nagkalat ako at nakabasag pero hindi ko naman iyon sinasadya. I just want to help. I just want to clean. I did my best... at least. Eto na naman, naiiyak na naman ako. Kahkt hindi naman, pakiramdan ko ay napagkaisahan ako. I feel so bad for everything. Kahit anong pilit kong sabihin sa sarili na ayos lang at hindi ko naman sinasadya, pilit pa ring nagsusumiksik sa isipan ko ang mukha at galit sa boses ni Xandro kanina. None of the oldies say a thing but I knew they are disappointed. Pumikit ako ng mariin at inipon ang lakas ng loob at kapal ng mukha na natitira para makalabas ng kwarto. Slowly, I opened the door and it's already dark but the lights from the living room is still on. Lumakad ako patungo roon at akmang aakyat na sa hagdan nang marinig ko ang boses ni tito at ni Xan. "Bakit ba kasi pumayag pa kayo mag-stay siya dito, Pa?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD