Chapter 10

612 Words
December 2, 2015 Maagang nagising si Mary. Maaga kasi itong nakatulog kahapon sa sobrang pagod sa biyahe. Pagbangon niya ay agad na siyang naligo. Naisipan niya gumala kina Alice. Pinayagan na kasi nila Marlyn at Jeffrey na makipagkita ito sa kanila. "Hmmmm! Hmmm! Hmmm!" Napapakanta pa si Mary habang naliligo ito. Sabik kasi siyang makita sina Alice. Sabik din na ipakilala ulit siya sa mga dating kaibigan na hindi niya maalala. Habang nagsasabon ay bigla nalang may tumulong dugo sa balikat niya na galing sa itaas. Nagulat siya at napatingin sa Itaas. Ganun-ganun nalang ang gulat niya nang makita niyang dugo ang lumalabas sa shower niya. Rumagasa iyon sa mukha niya hanggang sa dumaloy sa buo niyang katawan. Napapikit siya. Feeling niya kasi ay namamalik mata siya. Pag dilat niya ay nawala ang dugo na lumalabas sa shower. Pumalit naman ang biglang paglabas ng isang anino. Anino ng lalaki. Nasa labas ito ng shower room nila. Kita siya sa loob kung saan nandun si Mary. "Papa, ikaw bayan?" Biglang tanong ni Mary. Wala siyang natanggap ng sagot. Nananatili parin itong nakatayo sa labas ng shower room. "Sino ba yan? Mama, Lola ikaw bayan?" Natakot na si Mary. Biglang namatay ang ilaw sa loob kaya napatili na siya. "Ahhhhhh!!!!" Kulob ang banyo nila at malayo ito sa kwarto nila Marlyn at Jeffrey kaya hindi siya madidinig nito. Isa pa si Merlinda ay maagang umalis dahil umuwi muna ito sa kanilang Probinsya. Nagpatuloy lang siya sa paghihiyaw, hanggang sa biglang bumukas ang ilaw. Isang lalaki ang biglang lumitaw sa harap ni Mary. Duguan at nanlilisik ang mata nito. Lalong lumakas ang sigaw ni Mary. Sa pag sigaw niya ay gusto na niyang lumabas pero nakaharang ang nakakatakot na nilalang na nasa harap ng pinto. "Malapit na....malapit na malapit na, Mary." Malamig na boses na tila nang gagaling sa hukay. Kinalibutan siya sa narinig niya. "Ahhhh! Mama, Papa!" Sigaw niya. Bigla ulit namatay ang ilaw. Sa muling pag bukas ng ilaw ay wala na nag lalaki. Nangangatog sa takot si Mary. Binilisan na niya ang pagligo at saka nagmamadaling lumabas sa banyo. **** "Oo. Doon na tayo magkita kita sa Bahay ni Shaira. Papaunta na ako kaya gumayak kana." Sambit ni Alice sa Phone niya. Kausap kasi nito si Olivia. "Okay-okay. Sige na at gagayak na ako, bye!" Sagot ni olivia. Matapos nun ay pinatay na niya ang phone. Dahil nakagayak narin si Alice ay umalis narin siya. Pagdating niya sa bahay nila Shaira ay nakapag handa na siya ng mga pagkaing ipapakain saamin. Ganyan kasi lagi si Shaira. Ayaw niyang uuwi ang mga barkada niya na hindi busog. "Sa wakas, makikita ko narin si Mary. Miss na miss ko na siya." Masayang sabi ni Shaira. "Oo nga eh, bongga nga ni Mary. Ilang buwan silang nag lagi sa America. Saka, wag na sana kayong magulat kung iba na siya. Kasi ibang iba na talaga. Kung baka, this is the first time na makikilala nyo ang bagong siya. Ang bagong Mary." "So, kung baga, ikaw palang ang nakikilala niya? Kami hindi pa?" Tanong ni Shaira habang inaayos ang lamesa kung saan nandon ang isang damakmak na pagkain. "Yup! Kaya nga ipapakilala ko ulit kayo sa kanya. Pero, paalala lang na wala dapat na magbanggit sa kanya sa mga nakaarang kasalanan na ginawa niya. Tandaan nyo yung sinabi ni tita Marlyn." Sambit nito kay Shaira. Naalala ni Shaira ang matanda kahapon. Naisip niya na baka yun ang tinutukoy nito. Ang kasalanan ng kanilang kaibigan na tinatago nila. Yun nga kaya ang kasalanan na dapat itama? Yun nga kaya ang dahilan kung bakit maraming mamamatay? Maraming biglang tumakbo sa isip ni Shaira. Sana ay mali lang siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD