Hindi na nawala ang takot ni Mary. Habang nagbibihis siya ay nangangatog siya sa takot. Hindi na niya nakuha pang mag sabi sa mga magulang niya at ayaw na niyang mamoblema ang mga ito. Saka, siya naman ang may kasalanan at siya ang nagpumilit na umuwi dito sa pinas kaya wala siyang dapat na ipagmaktol.
Habang nagbibihis ay nagulat siya ng biglang may pumasok sa loob ng kwarto niya.
"Ahhhh!!" Napasigaw siya dahil akala niya ay kung ano na naman.
"Ako ito anak," Sambit bigla ni Marlyn. Nagtaka lang si Marlyn sa inasta ng anak niya.
"Ikaw po pala. Akala ko kung sino na," sambit ni Mary at dun tila ba'y nakahinga na nang maluwag.
"May problema ba? Okay ka lang ba anak?" Tanong bigla ni Marlyn. Napansin niya kasi na kakaiba ang inaasta ng anak niya.
"O-opo. Okay lang po ako. Bakit nyo po natanong?"
"Eh, kasi parang kakaiba ka. Teka, 'wag mong sabihin na ma---" hindi na natapos ni Marlyn ang sinabi at sumabat na agad si Mary.
"Wala po. Okay lang po talaga ako. Anyway, paalis na nga po pala ako Mama," pang iiba ng usapan ni Mary. Ayaw na niya kasing pag usapan pa iyun at natatakot lang siya kapag naalala ang lalaking nagpakita sa kanya kanina.
Ngayon ay sina-sarili nalang niya ang takot. Tutal ay parang nasasanay narin naman na siya sa mga nakakatakot na nakikita niya. Saka, isa sa mga tanong na tumatak sa kanya. Bakit nagbalik ang lalaking yun? Akala ba niya ay okay na ang lahat.
"Ganun ba? Eh, ano magpapahatid kaba kay Manong Edgar?" Tanong ni Marlyn.
"Opo. Ayoko pong mamasahero at hindi ko na po matandaan ang mga pasikot-sikot dito sa lugar natin. Saka, nagbigay naman ng address si Alice na pupuntahan namin. Bibigay ko nalang yun kay manong Edgar para alam niya kung saan ako pupunta."
Matapos nilang mag usap ay agad nading bumaba si Mary. Si Marlyn bumalik na sa kwarto nila ni Jeffrey at gigisingin na daw niya ang asawa.
Paglabas ng bahay ni Mary ay nakita na niya ang sasakyan at iniintay na pala siya ni Manong Edgar doon. Pagsakay niya sa loob ay agad nading pinaandar ni Manong Edgar ang sasakyan.
Habang umaandar ay iniabot na ni Mary ang papel kay manong Edgar na naglalaman ng address na binigay ni Alice.
"Yan po ang address na pupuntahan natin," sambit ni Mary kay Manong Edgar.
"Opo, sige po," sagot bigla ni Manong Edgar. Ilag kasi siya kay Mary. Naalala niya noon ang ginawa nito sa kanya. Susunduin sana niya ito sa bar kasi pinapauwi na siya ng mga magulang niya. Nadatnan ni Edgar na lasing na lasing ito. Nang pilitin ni Edgar na umuwi ito ay pinabugbog siya sa mga lalaking kainuman niya. Bugbog sarado ang inabot ni Manong Edgar. Simula ng mangyari yun ay naging maingat na siya kay Mary. Hindi naman siya makaalis sa pundar nila Mary, dahil malaki ang binabayad ng mga magulang ni Mary sa kanya.
"My God!" Napa-preno nalang nang malakas si Manong Edgar sa sigaw ni Mary.
Bumaba agad ng sasakyan si Mary na pinagtataka lang ni Manong Edgar.
Doon nakita ni Mary ang lalaki na nasagasaan nila.
"Oh my god! Ayos kalang?" Tanong bigla ni Mary sa lalaki.
"Okay lang ako," sagot agad nito at tumayo na.
"Sigurado kaba? Gusto mo bang dalin ka namin sa Hospital?"
"Hindi na. Ayos lang ako. Pero, pwede bang makisabay sa sasakyan nyo?" Sambit bigla ng lalaki.
"Sige-sige. Halika." Pinapasok ni Mary ang lalaki sa sasakyan. Nagtataka lang si Manong edgar sa kanya. Hindi niya alam kung bakit nakikipag usap si Mary sa kawalan. Tila ba baliw na ang tingin niya dito.
"Sa susunod, mag iingat po kayo sa pamamaneho ng sasakyan. Muntik na po natin siyang mapuruhan. Buti nalang at okay siya." Sambit ni Mary. Napailing nalang si Manong Edgar.
"O-opo," yun nalang ang nasabi ni Manong Edgar.
"Teka, ano nga palang pangalan mo?" Tanong ni Mary sa lalaki. Sa malapitan ay parang matagal na niyang nakita ang lalaki. Para bang pamilyar ito sa kanya.
"Ako? Ako si Revilo." Sambit nito at ngumiti ng pagkalaki laki kay Mary.