Chapter 9

1045 Words
December 1, 2015 Masayang masaya sina Alice habang papalabas sa isang Casino. Nanalo kasi sila sa Poker. "Ang Galing galing mo talaga Girl!" Sambit ni Luz kay Alice. "Swerte nga eh, akalain mong nanalo pa tayo, eh walang wala na tayo kanina." "Oo nga. Nakasibangot kana nga kanina, Alice. Pero ngayon oh. Abot langit ang Ngiti." Sambit ni Olivia. Sadya lang talagang 'pag masaya ay kapalit kaagad nun ay biglang lungkot. Habang naglalakad sila ay isang matandang babae na mahaba ang buhok, kulubot ang balat, at itim na itim ang suot ang biglang lumapit sa kanila. Nagulat sila Alice dahil nakakatakot ang itsura nito. "Mga Ineng, may dapat kayong malaman." Bungad na sambit ng matanda. Medyo malat pa ang boses nito at garalgal na. "Lola, pwede po ba wala po kaming pera." Sabat agad ni Luz na nandidiri pa. "Nagmamalasakit lang ako, sainyo. Kailangan nyong malaman na pangit ang pagpasok ng disyembre sainyo. Kanina, habang minamasdan ko kayo ay may itim na usok ang bumabalot sainyo." Nanlilisik ang mga mata ng matanda sa kanila. Napansin din nilang ang hahaba ng mga kuko nito. "A-ano pong ibig nyong sabihin lola? Ano po ba kayo? Manghuhula po ba kayo?" Tanong ni Shaira. Mahilig kasi ito sa mga hula-hula. "Hindi ako manghuhula. Nakakikita ko lang ang hinaharap. Kung ako sainyo, 'wag nyong ilihim ang mga kasalanan na dapat ibunyag. Yun kasi ang magiging dahilan para madamay kayo sa isang malagim na gabi na malapit ng mangyari." Hindi initindi ni Alice ang sinasabi ng matanda. Nainis lang siya dito dahil iniisip niya na baka nangloloko lang ito at sa huli ay manghihingi lang ito ng pera. Sa madaling salita ay manghuhula ang tingin niya dito. "Sige na po. Eto na ang isang daan. Tama na po ang gawa-gawa nyo ng kwento at hindi po kami interesado sa mga sinasabi nyo!" Pag abot ni Alice ng isang daan sa matanda ay agad na niyang hinila ang mga barkada. Si Shaira nag paiwan pa. Nakatingin parin ito sa matanda at pilit na iniisip ang mga sinabi nito. "Lola, pagpasensyahan nyo nalang sila. Sige po, mauna na kami." Sambit ni Shaira at tatalikod na sana siya ng bigla siyang hinila ng matanda. "December 24, babalik sila. Walang makakaligtas. Walang palalampasin. Lahat ng may atraso ay mamatay. Pero kung itatama mo ang dapat itama. Maliligtas ka. Tandaan mo yan, Shaira..." lalo ng nagulat si Shaira ng banggitin nito ang pangalan niya. Nagtaka siya, paanong nalaman nito ang pangalan niya. Kinalibutan siya sa sinabi nitong maraming mamamatay. "Halika kana nga, Shaira!" Sigaw ni Alice. Medyo nakalayo na kasi sila. Lumapit si Shaira na tulala sa kanila. Inisip niya kung sino ba ang babalik at ano ba ang dapat itama? "Alam nyo, ang epal ng matandang yun. Sabihin ba namang pangit ng pagpasok ng december saatin? Ito nga't nanalo tayo sa Poker. Luka-luka talaga! Saka kadiri siya ah!" Maarte na sabi ni Alice. Habang masaya sila ay hindi naman maipinta ang mukha ni Shaira. Mapaniwalain talaga siya sa mga ganung matatanda. Saka nakita niyang seryoso ang matanda habang sinasabi ang mga iyun. "Hey! Shaira, are you okay? Dont tell me na naniniwala ka sa Freak na Old lady nayun. My god, Shaira! 'Wag kang gumawa ng ikaka-stress mo. Napaka maniniwalain mo talaga sa mga baliw na mga manghuhula na yan!" Umirap si Alice kay Shaira. "Mabuti pa, magdiwang tayo. Let's eat sa mamahaling Restaurant. Wag na kayong Beast mode at mag Enjoy nalang tayo." Pamumutol ni Luz sa nagkakainitang si Shaira at Alice. **** "Finally, nandito narin tayo sa pinas. Namiss ko ang sariwang hangin dito." Masayang sabi ni Mary. Kalalapag lang kasi ng sinakyan nilang Eroplano. "Eh kung kumain muna tayo, before we go home. Kumakalam na ang sikmura ko." "Tama ka, Dear. Nagugutom nadin ako." Sambit ni Marlyn habang hila-hila ang malaki nitong maleta. "Sandali lang po. Mawiwiwi na ako. Mag si-Cr lang muna ako." Naghanap ng malapit na Comport Room si Mary. Agad naman siya nakakita kaya pumasok na siya agad doon. Walang katao-tao sa loob ng Cr. Avalaible lahat ng Cubicle kaya naman kahit saan ay pumasok na agad ang ihing ihi na si Mary. Nang makapasok sa isang Cubicle ay agad na siyang umupo sa inidoro. Kakaupo niya palang ng biglang mag patay sindi ang ilaw sa loob ng Cr. Ilang beses yun nag patay sindi pero makaraan ang ilang segundo ay umayos narin. Habang umiihi ay nakarinig nalang siya ng boses ng lalaki. "Sa wakas! Nagbalik ka na rin. Malapit na. Malapit na kaming maningil!" Kinalibutan si Mary. Paano kasi ay lalaki ang narinig niya. Saka, pamilyar ang boses na iyun. "May tao ba diyan? Kuya, bawal ang lalaki dito. Pang babae lang ito. Bakla kaba?" Tapos nang umihi si Mary kaya Tumayo na siya. Walang sagot na natanggap si Mary. Paglabas niya sa Cubicle ay agad niyang tinignan kung may tao ba. Laking pagtataka niya lang na bukas lahat ng pinto ng Cubicle. Malinis na malinis. "Nakapagtataka! Sino yung nagsalita kanina?" Tanong niya sa sarili. Hindi nalang niya iyun pinansin pa at lumabas na siya doon. Matapos nilang kumain sa isang Restaurant ay agad narin silang tumuloy sa kanilang bahay. Pagtungtong nila sa bahay ay kanya kanya na silang pasok sa kwarto. Mga pagod kasi sa Biyahe. Hindi na nakuhang magpalit ni Mary ng damit. Agad-agad na itong nahiga sa kama niya na aksidente naman na matama ang ulo nito sa dingding. Nakaramdam ng sakit si Mary habang hinihimas niya ang natamang ulo sa pader. Habang nakapigit ay biglang may nag balik sa isip niya. May hawak siyang baril at pinutok niya yun sa isang lalaki. Nagulat si Mary. Hindi niya alam kung ano yun at sino yung binaril niya. Naguguluhan pa siya dahil kulang pa ang ala-ala niya. Habang nag iisip ay napagit nalang siya ng mata at nakatulog narin. **** Nakahiga sa kama si Shaira. Hanggang sa pag uwi niya ay iniisip niya ang sinabi ng matandang babae. Iniisip niya kung ano ba yung dapat itama? At paanong maraming mamamatay? Saka saan madadamay? At sino ang magbabalik? Biglang naalala ni Shaira ang petsa na sinabi ng matanda. December 24. Yun din ang petsa na natanggap niya, nilang magkakaibigan. Naguluhan lalo si Shaira. Ano ang ibig sabihin nun at ano nga ba ang mangyayari sa araw nayun?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD