Chapter 13

1012 Words
Labis ang hinagpis ni Marlyn ng makita nito ang basag na bungo at bali-baling buto ni Merlinda. Masuka-suka naman si Jeffrey ng makita din ito. "Sino ang may gawa niyan kay Nanay?" Ngayon lang naging kalmado si Marlyn. Nasa Puneralya na sila ni Jeffrey. Magang maga ang mata nito sa kakaiyak. "Walang may alam, Dear. Walang naman kasing nakasaksi sa nangyari. 'Wag ka ng mag alala at nag iimbestiga na ang mga pulis." Hinagkan ni Jeffrey ang asawa nito at saka hinalikan sa noo. Malaking palaisipan sa kanila ang malagim na pagkamatay ni lola Merlinda. Ayaw naman nilang isipan ang hinala nilang si Oliver ito. Pero kung siya nga, ano kaya ang kinalaman nito at pinatay niya si Merlinda? "Teka, gabi na ah. Hindi na natin naisip si Mary. Nakauwi naba yun?" Tanong bigla ni Marlyn. "Oo nga pala. Teka nga't matawagan." Agad na kinuha ni Jeffrey ang phone at dinayal ang numero ni Mary. Ilang segundo lang ang tinagal at sinagot nadin ni Mary yun. "Oh, Papa?" Bungad na tanong ni Mary ng sagutin ang Tawag ni Jeffrey. "Nasaan kana? Nasa bahay kana ba?" "Nope, pa. Nandito pa ako kina Shaira. Actually, pauwi na po kami." "Okay. Mag iingat ka. Anyway, wala na ang lola Merlinda mo." "Ha? Ano pong ibig nyong sabihin?" Lumakas na ang boses ni Mary sa kabilang linya. "Patay na siya. Sa bahay na namin ikukwento sayo, nasa Puneralya pa kami. Sige na, Umuwi kana." Matapos mag usap ay pinatay na ni Jeffrey ang phone. **** "Bakit?" Nagulat sina Alice na biglang umiyak si Mary. "P-patay na daw si Lola. Wala na ang lola ko!" "What? Si Lola Merlinda, patay na? Anong nangyari? Bakit siya namatay?" Sunod na sunod na tanong ni Luz. Kinabahan bigla si Shaira. Ito na nga ba ang sinasabi ng matanda na nag uumpisa na siya? Natatakot siya, kasi parang unti-unting nasasagot ang mga tanong niya. "Hindi ko alam. Hindi pa sinasabi ni Papa. Mabuti pa ay umuwi na ako. Mauna na ako sainyo." Biglang tumakbo si Mary. Agad naman siyang sinundan ni Olivia. Nag alala kasi ito sa kanya dahil hindi niya alam ang pasikot sikot sa lugar nila Shaira. "Teka, Mary. Ihahatid ka na namin." Sigaw ni Olivia habang hinahabol si Mary. "Hayaan mo na ako, Olivia. Alam ko naman na ang daan dito dahil natandaan ko na kanina." Tuloy tuloy parin sila sa pag takbo. Mayamaya ay may biglang sumulpot na sasakyan sa isang kanto. Napahinto bigla si Mary ng makitang walang nag mamaneho nun. Nasundan na siya ni Olivia. Napatingin narin siya sa kotse at gulat na gulat din. Doon kasi ay nakita ni Olivia ang isang lalaking duguan na nagmamaneho. "My God!" Yun nalang ang nasabi niya ng makita niyang, sa direkyon nila ito patungo. "O-olivia, sasagasaan niya tayo!" Sigaw ni Mary. "Tumabi kayo Mary, Olivia!" Sigaw ni Alice. Nakasunod narin sina Luz at Shaira sa kanila. Nakita narin nilang pasalpok na kina Mary ang kotseng mabilis na umaandar. "My god! Sasagasaan sila ng kotse!" Sigaw ni Luz. "Ahhhhhhh!!!" Sigaw ni Mary. Gulat na gulat si Olivia ng maaninag niya ang lalaking duguan, na nagmamaneho ng kotse. "Jusko! Totoo ba itong nakikita ko?" sambit ni Olivia. Takang taka siya. Alam niyang siya iyun. Paanong nagbalik ang taong matagal nang nasa hukay? Nang alam ni Olivia na sasagasaan na sila ng kotse ay agad na niyang tinulak si Mary. Natumba si Mary sa kalsada. Habang si Olivia ay duguan at ipit na ipit ng kotse sa may pader ng isang bahay. Halos labas ang lamang loob nito sa lakas ng pagkakasalpok ng kotse sa kanya. Napasigaw at napapatakip nalang ng mukha sina Luz, Alice at Shaira. Habang si Mary ay nakahandusay sa kalsada at gulat na gulat na nakatingin sa wala ng buhay na si Olivia. **** December 3, 2015 Maga na ang mata ni Mary sa kakaiyak. Nasa tabi siya ngayon ng kabaong ng kanyang lola Merlinda. Sa bahay nila ito binurol. Sarado ang kabaong ni Merlinda. Sapagkat hindi na pwedeng ipagkalandakan pa sa mga tao ang itsura nito dahil basag na basag ang bungo nito. Hindi parin mai-alis ni Mary ang malagim na nangyari sa kaibigan niyang si Olivia. Malaki ang pasasalamat niya dito. Kung di siya tinulak nito kagabi ay tiyak na dalawa sila ngayon ng lola niya na nakaburol ngayon. Hindi alam ni Mary kung namamalik-mata lang siya kagabi. Kitang kita niya kasi na walang tao kagabi yung laman ng kotse. Pero laking gulat nila ng matapos ang aksidente ay biglang may sumulpot na lalaki sa loob. Walang malay at duguan dahil sumalpok ng malakas ang kotse sa Pader. Napag-alaman na lasing yun at ngayon ay nagpapagaling na sa hospital. Sa oras na maging ayos ang lalaki ay ikukulong na siya. "Okay kana ba, Honey?" Tanong ni Marlyn sa anak. "Nope, Ma! Bakit naman kinuha agad sa atin si Lola? Bakit siya namatay? Sinong dimonyo ang gumawa nun kay Lola?" "Wala pang may alam, Anak. Hayaan mo, malalagot sa batas kapag nahuli kung sino man ang pumatay kay Nanay. Mabubulok siya sa bilangguan." **** Nakasakay na sa Jeep si Shaira. Patungo na siya sa burol ng kaibigan niyang si Olivia. Hanggang ngayon tumatatak parin sa isip niya kung paano namatay si Olivia. Biglang huminto ang Jeep. Nagulat si Shaira ng sumakay ang matandang palaging nag baba-bala sa kanya. Pag sakay nito ay umandar na ulit ang jeep. Biglang tumingin sa kanya ang matanda. "Dalawa na. Dalawa na sa iisang araw agad ang nawala. Marami pang susunod!" biglang sambit ng matandang nanlilisik ang mata. "Ano ang alam nyo? Bakit nangyayari ito?" Sigaw bigla ni Shaira sa matanda. Napatingin sa kanya ang lahat ng nakasakay sa Jeep. "Ineng, sino bang kausap mo?" Napatingin si Shaira ng biglang magsalita ang babae na katabi niya. "Siya!" turo niya at nagulat nalang siya ng biglang mawala ang matanda. "B-bakit nawala siya?" Nagtataka niyang sabi. Napailing nalang ang katabi niyang babae. Ganun nalang ang gulat niya ng makakita siya ng Violet na Papel sa binti niya. Binuklat niya yun at saka binasa. "Makakaligtas ka kung itatama mo ang mga mali nila!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD