Chapter 12

1112 Words
Pag uwi ni Manong Edgar sa bahay nila Mary ay uuwi na dapat siya ng makita niya bigla si Marlyn. Hindi na siya nahiyang magtanong dito dahil sa nakitang inasta ni Mary. "Ma'am Marlyn?" Tawag niya dito. Mayamaya ay sumulpot narin ang asawa niyang si Jeffrey. "Oh, Manong Edgar may kailangan kaba?" Sagot niya at nakantingin lang ito kay Edgar at naghihiintay ng sagot. "H'wag nyo po sanang mamasamain ang tanong ko. Magaling na po ba talaga si Mary?" Tanong niya. Nagkatinginan lang ang mag asawa at nagtataka. "B-bakit mo naman natanong yan?" Tanong ni Marlyn. Nagsimula ng kumunot ang noo niya. "Eh, kasi po kanina habang nagmamaneho ako ay bigla siyang tumili ng walang dahilan. Napapreno tuloy ako. Saka may kausap siya na hindi ko nakikita. Okay lang po ba siya?" Kwento ni Manong Edgar. Nagulat lang sina Marlyn at Jeffrey sa sinabi nito. Hindi nila alam kung matatakot na naman ba sila o nagsisinungaling lang si Edgar. **** "My Gosh! Ikaw na bayan, Mary?" Masayang tanong ni Luz habang tinitignan ng maigi si Mary habang papasok sa bahay nila Shaira. Nagtataka lang si Mary. Hindi niya kasi kilala kung sino ang bumati sa kanya. "OMG! Gumanda ka lalo, Mary. " -Si Olivia. "Finally, nandito ka narin." Si Alice. "Halika at umupo ka muna, Mary." Aya ni Shaira. Hindi masyadong makakibo si Mary sapagkat hindi niya talaga maalala ang mga ito. Mayamaya ay isa-isa naring ipinakilala ni Alice ang mga ito kay Mary. Isa-isa namang nginitian ni Mary ang mga ito. "Namiss ka namin, Mary." Masayang turan ni Shaira. Bigla naman sumagi sa isip ni Shaira ang matanda. Ang mga babala nito sa kanya. Habang tinitignan ni Shaira si Mary ay bigla nalang ulit pumasok sa isip niya kung ano nga bang mangyayari sa Disyembre, araw ng bente kwatro. Kung saan magpapasko pa. ***** Nag walis ng bahay si Merlinda at nag tanggal ng alikabok dahil maraming basura at alikabok ang namuo simula ng mawala siya sa bahay niya. Naglinis siya dahil siguradong marami na naman siyang mga kumare na dadalaw sa bahay niya ngayong magpapasko. Mamayang hapon rin ay sisimulan na niyang ikabit ang mga christmas decoration na nakatago sa bodega niya. A-akyat na sana si Merlinda para sa taas naman maglinis nang bigla namang makarinig siya ng nagsalita. "Lola Merlinda!" Napatingin si Merlinda sa likuran niya ng biglang liparin siya ng isang lalaking galit na punong-puno ng sama ng loob ang damdamin. "Ahhhhhh!!!" Napasigaw si Merlinda ng tugisin siya ng nakakatakot na nilalang at inilipad sa itaas. Takot na takot siya habang nakasakal ito sa kanya. Hindi narin siya makahinga dahil mahigpit ang pagkakasakal sa kanya nito. "Umpisa pa lang ito! Marami pang susunod!" Matapos niyang sabihin yun ay nahulog na sa lapag si Merlinda. Lumagapak ang ulo nito at sumabog ang utak. Bali-bali din ang mga buto nito sa lakas na pagkakahulog nito sa simento. "Kung inibos mo ang pamilya ko, uubusin ko rin ang saiyo!" Galit na sambit niya habang nakatitig sa wala ng buhay na si Merlinda. **** Nagtatanong si Mary sa mga kaibigan niya ng mga nakaraang nangyari sa kanya pero bigo siya dahil wala ni isa dito ang nag kwento. Iniiba agad nila ang usapan pag tungkol sa nakaraan ang tinatanong niya. Pero si Shaira, nalilito parin. Nanatili paring misteryo ang araw na binigay ng matanda at ang araw na natanggap nila sa Text. May kutob na siya na itong tinatago nila ng mga kaibigan niya na kasalanan ni Mary ang tinutukoy ng matanda. "Okay ka lang, Shaira? Kanina kapa nakatitig saakin. May gusto ka bang sabihin?" Nagulat si Shaira sa sinabi ni Mary. "Ha? W-wala. Napapatitig lang ako kasi ibang-iba kana. Ang hinhin mo masyado. Hindi ka ganyan dati ah." "Oo nga. Ang lakas makabait ng bagong ikaw, Mary." Natatawang sabi ni Olivia. "Pero teka, sigurado ba kayong hindi niyo kilala si Oliver? Yung matalik kong kaibigan na namatay?" Tanong ulit ni Mary. Kinukulit niya sina Alice. Madami kasi siyang tanong tungkol dito. "Wala nga! Hindi namin kilala yun." Sagot agad ni Alice. Tumango naman ang iba para mapaniwala si Mary. "Sigurado kayo?" Paninigurado pa ni Mary. "Siguradong sigurado." Sagot ni Olivia. Mayamaya ay bigla nalang nalaglag ang picture frame kung saan nakalagay ang picture nilang lima. "Ano yun?" Gulat na tanong ni Luz. "OMG! Picture ba natin yung nalaglag?" -Si Olivia. Nagulat lang sila at biglang napatahimik. Si Shaira ang lumapit at naglinis ng mga bubog. Habang nagwawalis ay kinutuban siya ng masama. Masama kasing pangitain ang nalaglag na picture. Habang itinatapon niya sa labas ang mga bubog ay nagulat siya. Paanong nangyaring napadpad ang matandang yun sa lugar nila. Lalo na siya nagulat ng mag salita pa ito. "Isa na ang nawala. Nag uumpisa na siya. Marami pang susunod." Sambit ng matandang babae na nakita niya kahapon sa labas ng Casino. Natakot at kinalibutan na naman si Shaira. Matapos nun ay umalis narin ang matanda at agad na nakalayo. "Ano ang sinasabi nitong isa na ang nawala? At anong nag uumpisa na siya? At higit sa lahat sino ang mga susunod?" Litong lito si Shaira sa sinabi ng matanda. Natatakot na siya. Pagpasok ni Shaira ay tulala ito. Tinitigan lang niya si Mary dahil iniisip niya na baka siya ang dahilan kung bakit siya binabalalaan ng matanda. "Natatakot ako sa tingin mong yan Shaira. Okay kalang ba?" Tanong ni Mary ng makita niyang seryosong nakatitig sa kanya si Shaira. "Pasensya kana. 'Wag mo nalang akong pansinin. May naalala lang ako." Pagsisinungaling niya. **** Paglabas ni Jeffrey sa kanilang kwarto ay napansin niya sa ibaba na tulala si Marlyn. Nilapitan niya ito at niyakap. "Okay kalang, Dear?" Tanong niya. "Ewan ko. Parang kinakabahan ako. Para bang may nangyaring masama na hindi ko alam." "Dear, bawas bawasan mo kasi ang kakainom ng Kape. Saka, isa pa wala na siya. Matagal ng hindi sila nagpaparamdam. Wala ka nang dapat pang ikatakot." "Hindi naman yun ang iniisip ko eh. Ewan ko ba? Baka nga sa kape kaya nagkakaganito ako." "Ang mabuti pa ay lumabas nalang tayo at magdate sa Mall." "Ano kaba, mag gagabi na. Bukas nalang. Saka isa pa sa kinakakaba ko, ano kaya yung sinasabi ni Manong Edgar? Natatakot ako. Hindi kaya nababaliw na nga ang anak natin?" "Hindi. Wag ka ngang nagpapaniwala kay Edgar. Siya ang baliw, hindi ang anak natin." Biglang tumunog ang phone ni Marlyn. "Oh, si Nanay tumatawag. Bakit kaya?" Sambit ni Marlyn. Agad narin niyang sinagot yun at Mayamaya lang ay may tumulo ng luha sa mga mata ni Marlyn. "Bakit? Anong nangyari? Bakit ka umiiyak?" Nagtatakang tanong ni Jeffrey. Hindi muna sinagot ni Marlyn ang asawa. Umiyak lang ito ng umiyak habang yakap yakap siya ni Jeffrey.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD