December 10, 2015
Halos sabay nang ilibing sina Merlinda at Olivia. Hindi lubos maisip ni Mary na sabay pa siyang nawalan ng mahal sa buhay. Isang lola at isang kaibigan na nasaksikhan pa niya kung paano namatay.
Naalala pa niya nang pumunta siya sa Burol ni Olivia ay halos maagang nabulok ang bangkay nito sa sobrang durog nang sanhi ng pagkakabangga ng sasakyan sa katawan nito. Napansin din niya nun na lagi na siyang tinititigan ni Shaira sa hindi niya alam kung anong dahilan. Tinatanong naman niya ito, pero wala lang daw yun. Namiss lang daw talaga niya ang kaibigan, kaya napapatitig ito sa kanya.
"Honey, maghanda ka, pupunta tayo sa America. Doon nalang tayo magpasko." Biglang sabi ni Marlyn habang bumababa sa hagdanan.
Nagulat lang si Mary. Kaya kasi umuwi siya dito ay gusto niyang dito magpasko, kaya nagulat siya kung bakit naging ganun ang desisyon ng ina niya.
"Bakit po? Gusto ko dito sa pinas mag pasko."
"Mary, sundin nalang natin ang plano ng Papa mo. Siya ang may gusto nito."
"Pero, Ma! Dito nalang tayo, please!"
Gusto man ni Marlyn na dito mag pasko ay natatakot narin siya. Naalala niya kasi ang sinabi ni Shaira. Gusto na ni Shaira na ipaalam sa Police ang ginawang karumaldumal ni Mary, pero pinigilan lang siya nito. Sinabi nadin sa kanya ni Shaira na baka iniisa-isa na sila ni Oliver. Na baka ito ang pumatay kay Lola Merlinda at sa Kaibigan na si Olivia. Kinuwento narin ni shaira ang mga babala ng matandang babae sa kanya. Na kailangan daw, itama na ang mga mali ng wala ng mamatay pa.
"Para sa ikakabuti natin ito, Mary. Mahirap na, baka bukas o sa susunod ay tayo na ang sumunod sa kanila." Naguluhan si Mary sa sinabing yun ni Marlyn. Hindi niya alam kung ano ibig nitong iparating.
"Ha? Bakit po? Saka, kanino susunod?" Naguguluhang tanong ni Mary.
"Basta. Ang maganda mong gawin ay mag impake kana at mamayang hapon ay aalis narin tayo."
Habang nagtatalo ang mag ina ay bigla namang nagbasak sa lapag ang nakadisplay na picture ni Jeffrey. Nakaramdam ng kaba si Marlyn at ganun nadin si Mary.
****
"Oo, Gabrielle ikaw na muna ang bahala dito sa kompanya. Sa America na muna kami ng buo kong pamilya, magpapasko."
"Sige po, Sir Jeffrey. Makaasa po kayong gagawin ko ng maayos ang lahat ng trabaho ko dito. Happy trip na lang po. Saka, mamimiss ka namin." Nangisi si Jeffrey. Para kasing iba ang dating ng sinabing yun ni Gabrielle.
"Sa sinabi mong yan, parang mamamatay na ako ah, hahaha!" Nagtawanan ang dalawa. Isa kasi si Gabrielle sa pinagkakatiwalaan nila sa kompanya.
Nang lumabas na si Jeffrey sa opisina niya ay agad na siyang naglakad patungo sa elevator.
Mag isa lang siyang nakasakay doon at nagulat nalang siya ng biglang mamatay ang ilaw sa loob at biglang huminto yun.
"Anong nangyari?" Sigaw niya sa loob. Kinatok katok pa niya ang pinto ng elevator.
Napatigil nalang siya ng biglang may nagsalita.
" Ikaw na ang isusunod ko!!!" Nagulat siya ng marinig ang boses na tila ume-echo pa.
"S-sino yan?" Natakot na si Jeffrey. Ang alam niya kasi ay nag iisa lang siya sa Elevator, kaya paanong biglang may nagsalita roon.
Mayamaya'y bigla ng bumukas ang ilaw. Sa mismong pagbukas ng ilaw ay bigla nalang bumulantang ang isang lalaking inaagnas ang Mukha. Lalaking galit na galit at nanlilisik ang mata sa kanya.
"Hindi kayo pwedeng umalis sa bansang ito. Maniningil muna ako!" Sambit nito habang gulat na gulat si Jeffrey.
"I-ikaw? Paaanong--"Hindi na natuloy ni Jeffrey ang sasabihin niya ng bigla nalang siyang makaramdam ng hapdi mula sa leeg niya.
Mayamaya pa ay dumanak na ang tila fountain ang dugo sa kanyang leeg.
"Buhay ang nawala, buhay din ang kapalit." Sambit ng nakakatakot na nilalang at saka niya dinukot ang puso ni Jeffrey. Nangingisay ito sa sakit habang dinudukot ang puso. Hindi narin nagtagal si Jeffrey at binawian narin siya ng buhay.
Nakangisi na parang abot langit ang nakakatakot na nilalang habang minamasdan niya ang duguan at walang puso na si Jeffrey.
"Kung noong nakaraang pasko ay dumanak din ang dugo. Pwes! ngayong magpapasko ay mag mimistulang pulang pula ang pasko nyo. Doble ang ngayon, mas madami, mas mapula."