Chapter 4

537 Words
May 09, 2015 - 11:30 am Pag uwi ni Jeffrey sa bahay ay agad niyang ibinalita ang nasagap niyang kababalaghan kay Becca. Nagmamadali siya at takot na takot na umuwi sa bahay ng biyanan niyang si Merlinda. "Sigurado kaba sa sinasabi mo?" Tanong ni Marlyn. "Oo, Marlyn. Seryosong seryoso ang asawa ni Roland ng sabihin yun." "Jeffrey naman! Natatakot na ako!" "Ako din. Hindi ko lubos maisip na babalik siya. Ano kaya ang pakay niya? Maghihinganti ba siya? Saka, baka nasa tabi-tabi lang siya, hindi lang natin nakikita. Nakakatakot!" "Sinusundan niya talaga tayo. Sinusundan niya si Mary, ang anak natin." "Eh, nasaan ba yung batang yun? Mas maganda siguro ay dapat nakadikit lang tayo ng nakadikit sa kanya at baka kung ano ang mangyari sa kanya." "Nasa taas siya, natutulog." "Alam mo Marlyn, dapat binigyan kasi natin siya ng magandang libing. Masama siguro ang loob niya na mano-mano natin siyang ibinaon sa Lupa." "Kaya nga. Ipagdasal nalang nati, na sana mapatawad na niya tayo." Habang nag uusap ang mag asawa ay nakaramdam sila ng panlalamig. "Tama ba yung naramdaman ko, na biglang lumamig sa oras na ganitong tirik na tirik ang araw." Biglang sabi ni Marlyn. "Naramdaman mo din pala." **** 3:50 pm Nang magising si Mary ay agad itong dumungaw sa bintana para humagip ng Hangin. Ganun-ganun nalang ang gulat niya ng pag tingin niya sa ilalim ng puno ng mangga ay may lalaking nakatingin sa kanya. Lalaking puro putik ang buong katawan. Dumudugo ang puso nito at nanlilisik ang mata na galit na galit na nakatingin kay Mary. "Ahhhhhhh!" Napasigaw si Mary at agad na tumakbo pababa ng bahay. Gulat na gulat si Marlyn at Jeffrey sa sumigaw na si Mary. Pati ang natutulog na si Merlinda ay nagising. Sinalubong nila agad ang bumaba sa hagdanan na si Mary. Takot na takot ang mukha niya at agad na napayakap kay Marlyn. "Anong nangyari? Bakit ka sumigaw?" Tanong agad ni Marlyn. "N-nag pakita ulit siya. Yung lalaking puro putik ang mukha." Nangangatog si Mary. Hindi niya maalis sa isip niya ang galit na galit na mukha ng lalaki. "Iba na ito. Hindi na ito biro. Ngayon pagpapakita palang ang ginagawa niya. Natatakot ako sa puntong manakit na siya." Seryoso na si Jeffrey. "Anong gagawin natin?" Tanong ni Marlyn. Naalarma na ang lahat. "Jusko, hindi ako makapaniwalang pwedeng mangyari ito." Nag salita na ang tahimik at gulat na gulat na si Merlinda. "Sino ba siya? Sino ba ang multong yun? Bakit siya nagpapakita saakin? Ano bang nagawa ko noon? May napatay ba ako? Ano ba Mama, Papa, sagutin nyo ako!" Naguguluhan na talaga si Mary. Iyak na ito ng iyak. "Dapat siguro ay isuko na natin ang apo natin." Sambit bigla ni Merlinda. "Nay! Ano bang sinasabi nyo!" Nagalit si Marlyn. "Isuko? Saan ako isusuko?" Naguguluhan na tanong ni Mary. "Wala. 'Wag mong intindihin ang sinasabi ng Lola mo." Ayaw parin sabihin ni Marlyn ang lahat-lahat kay Mary. "Maghanda kayo, uuwi na tayo," biglang sabi ni Jeffrey. "Sasama ako. Ayokong mapahamak ang Apo ko. Mabuti nang marami tayo ng hindi natatakot ang Apo ko." Sambit ni Merlinda. "Anong plano mo?" Tanong ni Marlyn sa asawa. "Basta. May naisip ako. Sa gagawin natin ay sana matahimik na siya."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD