May 09, 2015 - 7:20 Am
Pagkagising na pagkagising ni Mary ay pilit niya paring inaalala ang mga nabura niyang alala. Gawain na niya yan araw-araw.
Hindi niya kasi alam ang dahilan ng mga magulang niya kung bakit ayaw nitong sabihin ang nakaraan sa kanya.
Minsan nga, iniisip niyang baka hindi siya mahal ng mga ito dahil naglilihim sila kay Mary.
Nang tuluyan siyang magising ay bumaba narin si Mary para kumain ng almusal. Noon kasi sa kanilang bahay ay bago siya mag almusal ay pag kagising ay cellphone na ang hawak nito. Nag f-f*******: at nag t-twitter muna ito. Pero dahil nasa probinsya siya ay hindi na niya magawa iyun, dahil walang wifi at isa pa, mabagal ang Mobile data.
Nang makababa ay agad niyang kinausap ang kanyang ina.
"Hanggang kailan tayo dito, Mama?" Tanong niya.
"Hanggang sa maging maayos na ang lahat."
"Bakit? Ano po bang problema? Ayoko dito sa Probinsya. Walang wifi, walang Computer at ang boring! Kahapon palang tayo dito, pero naiinip na agad ako."
"Honey, kailangan natin mag stay dito, mahirap na. Baka magbalik siya."
Nalilito si Mary sa sinasabi ng Ina niya. Hindi niya makuha kung ano ba ang gustong iparating nito.
"Sino ba ang magbabalik? At Bakit ba kasi? Bakit ayaw nyong sabihin kung anong dahilan?"
"Mary, 'wag na ngang maraming tanong. Basta, para sayo ang ginagawa namin. Intindihin mo nalang kami."
Umalis saglit si Marlyn at tumuloy na ito sa kusina para tulungan ang ina niyang si Merlinda sa pagluluto.
"Okay lang ba kayo dito? Hindi ba kayo naliliitan sa bahay ko?" Tanong ni Merlinda sa anak niya
"Ayos lang po. Ang mahalaga, kasama ko kayo. Natatakot po kasi ako. Natatakot ako na baka maghiganti si Oliver. Alam naman natin na ang apo nyo ang pumatay sa kanya."
Nag aalala si Marlyn sa pwedeng mangyari sa anak niya. Pinaniniwalaan niyang si Oliver nga ang nagpakita sa anak niya.
"Ano kaba, Marlyn. Sa mga pelikula lang nangyayari ang mga 'yan. Wag kang nagpapaniwala sa mga ganyan. Dito nga sa probinsya wala akong nababalitaang ganun. Tinatakot nyo lang ang sarili nyo."
****
Habang naglalakad si Jeffrey, papauwi galing sa bayan ay nasalubong niya ang highschool classmate niya na kasama ang asawa nito.
"Pareng Jeffrey? Ikaw bayan?" Tanong ni Roland.
"Uy, kamusta? Anong balita, Roland?" -si Jeffrey.
"Sabi ko sayo eh, nandito sila," Sambit ni Becca, asawa ni Roland.
"Totoo bang dalawa na ang anak mo?" Tanong ni Roland.
Nagtaka si Jeffrey. "Nagkakamali ka. Isa palang ang anak ko. Si Mary palang."
"Sabi mo Becca, dalawa na anak niya. Niloloko mo ako. Nakakahiya tuloy kay pareng Jeffrey." Sambit ni Roland.
"Eh, nung makita ko kasi kayong papasok sa bahay ni Aling Merlinda, apat kayo. Kayong dalawang mag asawa at yung mga anak nyo,diba isang babae at isang lalaki yun?"
Natawa si Jeffrey na may halong pilit na ngiti.
"Wala po kaming kasamang lalaki. Ako lang ang lalaki. Baka hindi kami ang nakita mong yun." Pagtatanggi ni Jeffrey, pero sa loob-loob nito ay tinabuan na siya ng takot. Ganung ganun din kasi ang sinabi kahapon ng lalaking naniningil sa entrance ng sitio lopez jaena.
"Nakapag tataka naman. Saka, kayong kayo yun. Makakalimutan ko ba ang bahay ni Aling Merlinda eh, matagal na akong nakatira sa sitio lopez jaena na'to. Apat talaga kayo ng makita ko kayo."
Hindi alam ni Jeffrey kung ano ang isasagot niya. Dahil din doon ay nagpaalam na siya sa kanila dahil natakot narin siya.