Chapter 5

985 Words
May 10, 2015 - 10:30 Am. Nasa sementeryo ngayon sina Jeffrey at Marlyn. Hindi na nila sinama si Mary para wala siyang malaman sa nakaraang bangungut na ginawa nito. Gusto nila na maging presko ang bagong magiging ala-ala ng kanilang anak kaya hindi narin nila masabi dito ang tunay na dahilan. Itutuwid nila ang dating masamang ugali nito. Gagawin nilang isang disiplinado ang kanilang anak. Yung kaya nilang pasunurin. Hindi gaya noon, na sarili niya lamang ang nasusunod. "Siguro naman, matatahimik na ang kaluluwa niya." Haplit ng kakapala sa lupa si Jeffrey habang binabaon ang labi ni Oliver. Hinukay kasi nila ulit ang labi nito at Ibinili nila ng kabaong at inilagay doon. Umuwi sila ulit sa manila para gawin yun. Yun nalang kasi ang naisip na paraan ni Jeffrey para matahimik ang kaluluwa nito. Ang hindi alam ng mag asawa ay may lalaking nakamasid sa kanila. Lalaking galit galit. Lalaking punong puno ng dugo at lupa ang buong katawan. "Sana nga matahimik na siya." Maikling sambit ni Marlyn. Isa pa sa dahilan kung bakit hindi nila sinama si Mary ay ayaw kasi nilang malaman nito ang gagawin nila. Saka isa pa, ayaw nilang mag isip pa nang mag isip ang anak nila at baka mabaliw ito. Ganun nila kamahal ang anak nila kaya kahit ano ay gagawin nila mai-sa-ayos lang ang buhay nito. Matapos isagawa ang muling paglilibing ay agad narin silang umuwi. Papalabas na sila sa sementeryo ng biglang humangin. Natakot ang mag asawa at agad na nagyakapan. Patingin tingin sila sa paligid na tila nag hihintay na may lumitaw na kung ano. "Jusko, tama na Oliver. Manahimik ka na sana." Natatakot na sambit ni Marlyn. Sa ilang saglit ay umaliwalas narin agad ang paligid. Nawala na ang hangin at laking tuwa nila ng walang nagpakita at walang nangyaring masama sa kanila. **** Nakatitig si Mary sa tablet na gamit niya. Nasa kwarto siya. Masaya siya na sa wakas ay umuwi na sila sa kanilang bahay. Nagagawa na niya ang lahat ng gusto niya. Pa f*******:-f*******: at pa twitter-twitter na siya ngayon. Enjoy siya sa ganun, kahit na sa kakaunti palang ang friend niya. Kakagawa niya lang kasi ng bagong account. Nakalimutan na niya kasi ang dating account dahil nabura nga ang lahat ng alala-ala niya. "Bakit kaya hindi manlang ako makaalala ng kahit konti? Sobra bang napuruhan ang ulo ko?" Naiinis na sambit ni Mary sa sarili niya. Kahit kasi sa anong oras ay napapatanong nalang siya bigla sa sarili niya. Pinipilit niyang maalala ang lahat kahit na sumasakit na ang ulo nito. Mayamaya pa ay may kumatok na sa pinto ng kanyang kwarto. "Anak? Nandiyan kaba?" Si marlyn. "Opo, pasok po kayo." Bumukas ang pinto at pumasok na si Marlyn. "Ayos ka lang Anak?" Lumapit siya sa anak niya at niyakap ito. "Opo. Wala naman po akong nararamdamang kakaiba." Nakangiting turan ni Mary. "Okay na. Matatahimik na'yun." Nakangiti si Marlyn. "Ano pong ginawa nyo ni Papa?" "Inasikaso na namin ng Papa mo ang lahat. Hindi na siya magpapakita." "Sino po ba yun? Bakit ayaw nyong sabihin saakin ang dahilan? Paulit-ulit nalang ako sa tanong ko pero ni isa, wala kayong sinasagot." Nakunot ang noo ni Mary. "Okay-okay, sige. Isa lang masasabi ko, qksidente lang ang lahat. Hindi mo kasalanan kung bakit namatay siya." Nagsinungaling nalang si Marlyn para matigil sa pagtatanong si Mary. "Aksidente? Eh, sino po siya? Kaibigan ko ba siya? Namatay ba siya?" Gulat na gulat si Mary. "Oo, kaibigan mo nga siya." "Ano?! So may namatay nga? Ano pong pangalan niya? Matalik ko ba siyang kaibigan? Anong klaseng aksidente ba ang nangyari?" Napakaraming tanong ni Mary. Maraming biglang gumulo sa isip niya. "Oliver. Oliver ang pangalan niya. Naaksidente kayo sa sasakyan. Hindi siya nakaligtas. Lasing ka kasi na nag mamaneho kaya naaksidente kayo. Mabuti nalang at maswerte kang nakaligtas." "Oh my god! Nakakagulat naman po. Ngayon alam ko na, sana mapatawad niya ako. Sana mapatawad ako ni Oliver." Naiyak si Mary kahit hindi niya maalala si kung sino man ang Oliver nayun. Basta ang alam niya ay naawa siya sa namatay na matalik na kaibigan niya. "Tama na anak. Tahan na." Hinagkan ni Marlyn ang umiiyak na anak. Nitong nakaraang araw ay pinagbawalanan na si Mary na makipag kita sa mga dati nitong kaibigan. Mga bad influence daw ang mga ito kaya layuan na daw niya ang mga ito. **** May 30, 2015 Masaya sina Jeffrey at Marlyn. Simula kasi ng bigyan nila ng magandang libing si Oliver eh, hindi na ito muli pang nagpapakita or nag paparamdam pa sa kanila. Sa tingin ni Jeffrey ay tama ang ginawa niyang bigyan na magandang libing si Oliver. "Kailangan mo ba ng tulong, Ma?" Sabi ni Mary pag dating nito sa kusina. Gumagawa kasi ng Cookies si Marlyn. "Sige, Kung gusto mo at tulungan mo na ako para ay magawa ka," sagot nito. "Kamusta nga po pala ang kompanya? Okay naman po ba ang pag takbo?" Untag ni Mary habang naghihimay ng Cookies. "Okay naman, Anak. Pero, maiba tayo. Kamusta ka? Wala na bang gumugulo sayo?" Napatigil si Mary sa paghihimay. Napatingin ito bigla sa likuran ng kanyang ina kung saan may malaking salamin. Doon nakita niya ang kalahating katawan ng babaeng duguan. Galit ito at nanlilisik ang mata na nakatingin sa kanya. "Bakit Anak?" Nagtatakang tanong ni Marlyn. Nakita niya kasing gulat na gulat ang mukha nito. Hindi na kinaya ni Mary. "Ahhhh!" Napasigaw na siya. Isinubsob niya ang mukha sa harap ng kanyang ina. Takot na takot siya. "Bakit?!" Nataranta si Marlyn. Binitawan niya agad ang hinihimay niyang Cookies at niyakap ang anak. "M-may b-babaeng duguan sa salamin! Nakakatakot ang itsura niya! Galit siyang nakatingin saakin." Takot na takot na pahayag ni Mary. "Ano?!" Tinignan ni Marlyn ang salamin sa likuran niya ngunit ni anino ng babae ay wala naman siyang nakita. Sa isip-isip ni Marlyn ay ano na naman ba iyon? Sinong babae ang nakikita ni Mary.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD