Chapter 2

1180 Words
May 08, 2015 "Ano? Sasama ka pa ba?" Tanong ni Alice kay Mary. "Natatakot kasi ako. Baka mamaya mahuli ako ng Parents ko. Alam mo naman ang nangyari saakin nung december. Halos ilang linggo akong nakaratay sa Ospital." Sabi ni Mary. "Ayaw mo ba nun? Ipapakilala ulit kita sa mga kaibigan natin. Ipapaala namin sayo lahat ng mga gawain natin noon. Namimiss ka na namin, Mary. Na mimiss na namin pagka-b***h mo." Masayang sambit ni Alice. "Ayoko talaga Alice. Saka nalang ako sasama. Mahirap na baka mamaya mabagok pa ang ulo sa kung saan. Mag papagaling muna ako. Saka hindi pa masyadong magaling ang sugat sa ulo ko." "Ibang iba ka na talaga. Nag ka amnesia kalang, nagkaganyan ka na." Nalulungkot na sabi ni Alice. Hindi rin nagtagal ay umalis narin si Alice. Hindi na niya napilit si Mary. Pagkaalis ni Alice ay pumunta sa harap ng malaking salamin si Mary. Habang pinagmamasdan niya ang mukha nito ay pilit niyang inaalala kung ano ang nangyari sa kanya at nag ka amnesia siya. Hindi rin kasi maikwento sa kanya ng mga magulang niya ang tunay nangyari, dahil pinagtatagpan nito ang pagpatay kay Oliver. Nang makita noon sila na parehas na walang malay ay agad na si Mary lang ang tinakbo sa Ospital. Si Oliver kasi ay wala nang pulso. Patay na ito ng madatnan nila. Walang nakakaalam na patay na si Oliver. Kahit mismo sa huling hantungan ay hindi manlang nila, binigyan ng magandang libing si Oliver. Agad nilang ibinaon ito ng mano mano sa Hukay. "Ano bang nangyari? Bakit hindi ko maalala ang lahat?" Naguguluhan na sambit ni Mary sa sarili niya. "Are you okay, Honey?" Bigla dumating si Marlyn. Ina ni Mary. "No, Ma. Ano po bang talagang nangyari? Bakit ayaw nyo pong sabihin saakin lahat na nangyari?" "Anak, mas maganda ng wag mo ng maalala ang lahat ng yun. Maganda na yung bagong ikaw. Mabait na bata at hindi na yung dating Mary na makulit at sakit sa ulo. Ibang iba kana ngayon." "Pero, Ma. May nararamdaman akong kakaiba. Feeling ko, parang may malaki akong kasalanan." "Wala, Honey. Mabuti pa, matulog kana. 'Wag mo ng pwersahin ang sarili mo. Makakasama lang sayo ang pag iisip ng kung anu-ano." "Okay, Ma." Maikling sagot ni Mary. Sinunod nalang niya ang ina niya. Natulog na siya dahil gabi narin naman. Masama kasi sa kanya ang nagpupuyat. ***** "Tandaan mo, babalik at babalik ako. Hindi ka makakatakas sa kasalanang ginawa mo. Babalikan kita, Mary!" Nagising nalang si mary na pawis na pawis. "Sino ang lalaking yun? Bakit wala siyang mukha sa panaginip ko?" Nalilitong tanong ni Mary sa sarili niya. Bumaba muna saglit si Mary, para uminom ng tubig. Feeling niya kasi ay natuyuan siya ng tubig sa maraming pawis na lumabas sa kanya. Nang makababa ay agad siyang tumungo sa Kusina. Bubuksan na sana niya ang Ref. nang bigla nalang siyang makaaninag ng anino ng lalaki. "Sino yan? May tao ba diyan?" Tanong niya. "Hindi ka makakatakas, Mary! Kailangan mong pagbayaran ang lahat ng kasalanan mo!" Nagulat si Mary ng sumulpot sa harap niya ang lalaking puro lupa ang Mukha. Nanlilisik ang mata nito at mukang galit na galit sa kanya. "Ahhhh!!" Napasigaw ng malakas si Mary. Sa sobrang takot ay napaupo ito sa sahig. "What happen, Mary? Bakit ka sumisigaw?" Dumating na pala si Marlyn kasama ang asawa niyang si Jeffrey. Nagising sila sa pag sigaw ni Mary. "Ayos kalang anak?" Tanong naman ni Jeffrey. "May multo. May multo sa kusina." Nanginginig na sambit ni Mary sabay yakap kay Marlyn. "Anong multo? Walang multo dito anak." Mahinahong Sambit ni Jeffrey. "Kitang kita ko siya. Lalaki siya at puro lupa ang mukha. Galit na galit ang mukha niya at nanlilisik ang mga mata." Pahayag ni Mary na takot na takot parin. "Ay naku, namamalik mata ka lang, Anak. Mabuti pa ay sa kwarto ka na namin matulog. Masyado ka kasing nag iisip ng kung anu-ano kaya, kung anu-ano nalang ang na-iimagine mo." Sambit marlyn. Nakagitna si Mary kina Marlyn at Jeffrey habang natutulog. Hinintay ni Marlyn na makatulog ang anak bago sila nag usap ni Jeffrey. "Dear, posible kayang magbalik ang taong namatay na?" "Ano ibig mong sabihin, Marlyn?" Nalilitong tanong ni Jefrrey. "Hindi kaya si Oliver ang nagpakita kay Mary. Nagmumulto kaya siya?" "Tumigil ka nga, Marlyn. Hindi totoo ang mga multo multo na yan." "Sana nga nagkakamali lang ako." Matapos nilang mag usap ay nakatulog narin sila. **** Kinabukasan, hindi mai-alis sa isip ni Mary ang nakita niya kagabi. Alam niya sa sarili niya na hindi siya namamalik mata. Tandang tanda niya pa ang sinabi ng lalaki. Feeling din kasi niya ay pamilyar at matagal na niyang kilala ang lalaking nagpakita sa kanya kagabi. Habang kumakain ay hindi mapigilang mag tanong ni Mary. "Ma, Pa, may lalaki po ba akong naging boyfriend or friend na namatay? Feeling ko po kasi ay kilala ko yung lalaking nagpakita saakin kagabi." Sa sinabi ni Mary ay nagkatinginan sila Marlyn at Jeffrey. "W-wala naman. Honey, 'wag mo ng isipin yun. Baka epekto lang ng gamot na iniinom mo yan kaya kung anu-ano ang nakikita mo." Sambit ni Marlyn. Sa loob loob ng mag asawa ay natatakot na sila. Hindi nila alam kung si Oliver nga ba ang nagpakita sa anak nila. Kung si Oliver man o hindi ay kailangan muna nilang, magpakalayo layo sa lugar na ito. **** "Saan tayo pupunta? Kailangan ba natin gawin ito?" Tanong ni Jeffrey sa asawa niya. "Oo. Para sa anak natin ito." "Eh, ang kompanya natin. Paano na?" "Bahala na muna si Gabrielle doon. Kayang kaya na niya yun." "Bakit ba kasi biglaan ang paglipat natin, Mama?" Tanong bigla ni Mary. "Kailangan, Anak. Makakabuti sayo ang maaliwalas na hangin sa probinsya. Makakatulong yun sa pag balik ng alala-ala mo." Habang papasok na sila sa sa entrance ng Sitio Lopez jaena ay may bayad ang bawat tao na papasok dun. Magiging pondo ng mga mahihirap na tao ang lahat ng nakokolekta nila. Binuksan ni Jeffrey ang bintana ng kotse. "Magkano bayad ng isang tao?" Tanong ni Jefftrey sa lalaking taga singil. "20 po isa. Bali 80 po bayad nyo, dahil apat kayong papasok sa loob ng Sitio." Sambit ng lalaki. Nagkatinginan sina Marlyn at Jefrrey. "Anong apat? Tatlo lang kami sa kotseng ito." Sambit ni Marlyn. "Teka, may kasama pa kayong lalaki eh. Natanaw ko nga siya kanina na katabi nung anak nyo habang papalapit ang kotse nyo. Nakapag tataka, saan na yun napunta?" Sambit ng lalaki. "Wag kang nagbibiro ng ganyan. Hindi kami natutuwa!" Galit na sambit ni Jeffrey. "Hindi naman po ako nagbibiro. Akin na nga po ang 60 para makaalis na kayo. Pag pasensya nyo nalang ako. Baka namamalik mata lang po ako." Sambit ng lalaki sabay kuha sa bayad nila Jeffrey. "Bakit nagalit yung Driver?" Tanong nung isang lalaki na kasama nung taga singil. "Apat kasi talaga sila nung una ko silang makita. Nawala bigla yung lalaki. Nakakapagtaka! Ano kaya yun, multo?" Dagdag takot nalang tuloy ang naramdaman ng pamilya ni Mary. Pakiramdam tuloy ng ina't ama niya ay nagmumulto na nga si Oliver.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD