Chapter 15

1104 Words
December 11, 2015 Kalilibing lang ng nanay ni Marlyn, pero ito na naman siya at nakabantay sa kabaong ng pinaka-mamahal niyang asawa na si Jeffrey. Hindi niya lubos maiisip na mangyayari ito sa kanya. Magang maga parin ang mata niya dahil magdamag siyang umiiyak. Wala parin siyang tulog. Hindi parin siya makapaniwalang wala na ang asawa niya. Kahapon lang ay kausap niya ito sa Phone na pauwi na dahil mag eempake na ng kanyang gamit, pero laking gulat niya nang umuwi na itong bangkay sa kanilang bahay. "Mama, matulog na po muna kayo. Ako naman po magbabantay kay Papa." Awang awa si Mary sa kanyang ina na hindi natitigil sa pag iyak. Hinahagod nito ang likod ni Marlyn. Gaya ni Marlyn ay halatang maga din ang mata ni Mary dahil sa pag iyak. Sa isip isip ni Mary ay sana pala hindi na sila umuwi sa pinas. Di sana hindi ito mangyayari sa kanyang lola at sa kanyang ama. Malaki paring palaisipan kay Mary, kung sino gumagawa nito sa pamilya niya. "Hayaan mo nalang ako dito." Walang ganang sagot niya kay Mary. "Pero Ma, wala pa kayong tulog. Magpahinga na po kayo." "Hayaan mo nalang ako sa gusto kong gawin. Babantayan ko ang papa mo. Ayokong mawala sa piling niya. Mahal na mahal ko ang papa mo." Nagsimula na namang humagulgol si Marlyn. Napatigil nalang sa pag iyak si Marlyn ng biglang dumating si Marla. "Marlyn?" Tawag niya sa kapatid. "Tita Marla? Nagulat si Mary. Humalik ito kay Mary at saka niyakap si Marlyn. "Condolence, Marlyn. Nga pala, may dapat kang malaman." Sambit ni Marla na kinagulat ni Marlyn. "Ano?" Naguguluhang tanong ni Marlyn. "Mary, iwan mo muna kami ng Mama mo." Sambit ni Marla na agad naman na tinanguan ni Mary. Pag alis ni Mary ay nagsimula ng magsalita si Marla. "Kilala ko na kung sino ang lalaking bunso natin na nawawala." Panimula ni Marla. "Nakita mo na siya? Sino siya? Kamukha ba natin?" Sunod-sunod na tanong ni Marlyn. Nasabik siya sa kapatid na nawawala. "Hindi ko pa nakikita, pero may picture ako niya. Ito nga't dala ko." Inilabas na ni Marla ang litrato at pinakita kay Marlyn. Labis ang gulat ni Marlyn sa nakita niyang picture. ****** "Maliligtas ka kung bibigyan mo ng katarungan ang pagkamatay niya, namin." "Anong ibig nyong sabihin?" Nalilitong tanong ni Shaira sa matandang babae na kausap niya ngayon. Umikot dahan-dahan ang ulo ng matanda at laking gulat niya ng pagharap nito sa kanya ay matandang lalaki na ang nakita niya. "Susunod na si Luz. Bantayan mo ang mga kaibigan mo. Nadamay lang kayo, dahil tinatago nyo ang dapat na mabunyag." Sambit ng matandang lalaki. "Sino ba ang pumapatay?" Tanong bigla ni Shaira. "Siya!" Turo ng matandang lalaki sa likuran niya. Dahan-dahan siyang lumingon sa likuran niya at laking gulat niya ng makita niya ang lalaking inaagnas ang mukha at nanlilisik ang mata. "Ahhhhhhh!!!" Napasigaw siya sa takot. "Anak, Shaira gising!" Nagising si Shaira sa sampal ng kanyang ina. Malapot na pawis ang tumagas sa kanya ng magising siya. "Binabangungot ka ata, anak!" Nag-aalalang sabi ng Ina niya. "Kailangan kong babalaan si Luz. Siya na ang susunod!" Nagtaka lang ang ina niya sa sinasabi nito. "Si Luz? Bakit? Anong mangyayari sa kanya?" Nagtatakang tanong ng Ina niya. "Si Luz na ang susunod na mamamatay!" Seryosong sambit ni Shaira. "Ha? Paano mo nalaman? Teka, nag text nga pala si Mary sayo. Ginamit ko kasi phone mo kanina para mag text sa papa mo. Nang mapindot ko bigla ang message ni Mary ay nabasa kong patay na daw ang Papa niya." "P-patay na si Tito Jeffrey?" Gulat na sambit ni Shaira. Lalo na siyang kinakabahan. Totoo na nga ang mga babala ng matanda sa kanya. **** "Opo, kakatext nga lang po niya kanina. Grabe! Sino kaya ang gumagawa nun sa pamilya niya?" "Paki sabi nalang na nakikiramay ako sa pagkamatay na ama niya." Sambit ng Ina ni Luz. "Sige po. Maliligo lang po ako at pupunta na ako sa kanila." Pag akyat ni Luz sa itaas kung saan nandun ang kwarto niya ay nakatanggap siya ng tawag mula kay Shaira. "Oh, Girl! Napatawag ka ata? Alam mo naba yung sa papa ni Mary?" Bungad na sambit ni Luz. "Oo, alam ko na. Luz, makinig ka. Seryoso ako. Mag iingat ka, baka ikaw na susunod!" Seryosong sambit ni Shaira sa kabilang linya. "F*ck you ka Luz! Wag kangang ganyan. Napakasama ng bibig mo!" Sa galit ay pinatayan niya ng phone si Shaira. "Gaga siya! Wag ako iba nalang!" Naiinis na sambit niya ng patayin niya ang Phone. Tumuloy na siya sa kanyang kwarto para kumuha ng isusuot. Habang kumuha ng kanyang damit ay nakaramdam si Luz na parang may nakamata sa kanya. Lumingon siya sa kanyang paligid pero wala naman siyang nakitang kung ano. Tinuloy na niya ang paghahanap ng isusuot hanggang sa may makita na siyang damit. Lumabas na siya ng kwarto. Sa paglabas niya ay hindi niya inaasahan ang nakita niya. Lalaking duguan na inaagnas ang mukha na nakalutang sa hangin ang kanyang nakita. Bago pa man siya makasigaw ay sinugod na siya ng nakakatakot na nilalang at tumuloy sila papasok sa kanyang kwarto. Nakahawak ang inaagnas na lalaki sa kanyang leeg. "Kung hindi mo lang din ako tutulungan, mas maganda ng mamatay ka! Kayo ng mga kaibigan mo!" "Ahhhh! Tulungan nyo ko!!!!" Sigaw ni Luz. Hinatak ng nakakatakot na nilalang ang Chandlier sa kwarto ni Luz at saka iyun inihampas sa mukha ni Luz. Halos magkanda basag-basag ang mukha nito. Sunod nun ay ipinulupot niya ang Chadlier sa leeg ni Luz at saka ulit isinabit sa itaas kasama ng nakabigti na si Luz. Halos Nangingisay ito habang nabibigti ang leeg niya. Hindi narin nagtagal si Luz dahil bukod sa hindi makahinga ay nakuryente pa siya gamit ang Chandlier. Nag amoy nasusunod na kambing tuloy sa loob ng kwarto ni Luz. **** Agad na tumungo si Shaira sa bahay ni Luz. Pag pasok niya sa loob ng bahay niya ay agad ang Mama ni Luz ang nakausap niya. "Tita Imelda, nasaan po si Luz? Delikado, baka siya na ang susunod!" Sambit ni Shaira na pinagtaka lang ng nanay ni Luz. "Ha? Anong susunod? Nasa taas siya nagbibihis." Hindi na sumagot si Shaira, bagkus ay umakyat na siya sa taas para kausapin ang kaibigan. Naintriga na si Imelda kaya sumunod narin siya kay Shaira. Nang maakyat sa taas ay laking gulat nila ng pagbukas ng pinto ng kwarto ni Luz ay amoy nasusunog na kung ano ang naamoy nila. Ganun ganun nalang ang gulat nila ng makita nilang Nakabitin sa itaas si Luz na wala nang buhay. "LUZ!?" "ANAK KO!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD