Chapter 16

1022 Words
Isang tawag ang natanggap ni Mary habang nagmumuni muni siya sa kanilang hardin. Agad niyang dinukot ang cellphone mula sa kanyang bulsa at agad na sinagot kung sino man ang tumatawag. "Hello?" Bungad niyang sambit sa Phone. "Hello, Mary. Patay na si Luz!" Nakasigaw na sabi ni Shaira sa Phone. Gamit niya ang phone ni Imelda, ina ni Luz. "Ha? Bakit? Anong nangyari?" "Kailangan ng tuldukan ang lahat ng ito! Ikaw ang dahilan ng lahat ng ito, Mary!" Galit at seryoso na si Shaira. "Ha? Bakit ako? Anong ginagawa ko?" Gulat na gulat si Mary sa sinabing yun ni Shaira. "Mamamatay tao ka kasi!" Matapos sabihin yun ni Shaira ay pinatayan na siya ng Phone nito. "Hello? Shaira? Hello? Hala! Anong sinasabi niya? Anong mamamatay tao?" Sa huling sinabi ni Shaira ay maraming tumakbong pagtataka sa isip ni Mary. Sa tingin niya ay maraming alam si Shaira tungkol sa nakaraan niya. Sa nakaaraan na gusto na niyang malaman. Noon pa. Hindi na siya nakapag pigil. Bigla bigla na siyang lumabas ng bahay ng hindi nag papaalam kay Marlyn. Paglabas niya sa labas ng gate nila ay isang lalaking nakangiti ang bumungad sa kanya. "Revilo?" Gulat na gulat si Mary. Paanong nalaman nito ang bahay niya. "Kamusta? May patay sainyo?" Tanong nito habang pasulyap sulyap sa bahay nila Mary. "Oo, papa ko." Walang ganang sagot ni Mary. "Oh, eh saan ka pupunta at lalabas ka?" Tanong ni Revilo. "Sa kaibigan ko. Marami akong gustong malaman sa kanya." "Tungkol saan?" "Sa nakaraan ko. May amnesia kasi ako. Wala akong maalala. Sa tingin ko ay marami siyang alam. Gusto ko siyang makausap." "Gusto mong tulungan kitang maalala ang nakaraan mo?" Nagtaka si Mary sa Sinabing yun ni Revilo. "Ha? Paano?" Tanong ni Mary. "Ganito oh!" Sambit ni Revilo at bigla niyang hinatak si Mary at tinulak sa rumaragasang sasakyan. Gumulong gulong siya matapos masagasaan. Halos duguan si Mary nang wala na siyang malay na nakahiga sa kalsada. Ngumisi ang lalaking si Revilo ng makita niyang naliligo sa dugo ang katawan ni Mary. **** Habang nag uusap sina Marlyn at Marla. Napalabas bigla si Marlyn dahil hindi talaga siya makapaniwala sa natuklasan niya. Hindi niya inaakalang kapatid niya ito. Kapatid niya ang pinatay ng anak niya. "Kapatid ba talaga natin si Oliver?" Nagtataka parin niyang tanong kay Marla. "Oo. Ang sabi saakin ng dati nating kapitbahay na si aling Nen ay napilitan daw na nakawin si Oliver ng nurse na si Tutchie dahil namatay ang anak ni aling Leony nun sa hospital. Aksidente kasing nahulog ni Tutchie ang anak nito matapos linisin ang kakapanganak palang na anak ni Leony. At para mapagtakpan ang kasalanan niya ay napilitan siyang nakawin si Oliver sa Nanay natin. Na akala naman ni Nanay ay hindi na niya makikita pa ito dahil halos mag tatatlong put-isang taon na buhat nang mawala si Oliver." Mahabang kwento ni Marla. Tuwang tuwa siya habang nagkukwento habang si Marlyn naman ay naluluha dahil hindi niya alam kung paano sasabihin sa kapatid niyang si Marla na patay na si Oliver at ang anak niya ang may gawa nun. "Kung buhay lang si Nanay ay matutuwa siya ngayon." Pilit na pilit na sabi ni Marlyn. "Teka, look at your daughter. bakit parang may kausap siya na hindi natin nakikita? Is she okay?" Nalilitong tanong ni Marla. Napatingin naman agad si Marlyn sa anak. Nagtaka lang siya. Nagsasalita nga mag isa ang anak niya. "Oh my god! Maryyy!" Napasigaw si Marla ng makitang biglang tumakbo si Mary sa harap ng rumaragasang kotse. "Jusko, Maryyyyy!" Sigaw ni Marlyn. Nagtatakbo na sila palabas ng bahay para tignan si Mary. Maraming tao ang biglang pumalibot sa walang malay-tao niyang anak. Sari saring bulungan, sari-saring nachichissmisan. "Tumabi kayo!" Sigaw ni Marlyn. Hinawi niya ang mga nakapalibot dito at nang makita niya ang anak ay nag alala na siya. Punong puno ito ng dugo sa buong katawan lalo na sa ulo nito. "Call 911!" Sigaw naman ni Marla. "Jusko! Ano ba itong nangyayari sa pamilya ko?" Nag iiyak na sambit ni Marlyn. **** Habang nasa puneralya sina Shaira at Imelda ay hihintay nilang dumating si Alice. Kinuwento na nya sa ina ni luz ang mga kanyang nalalaman. Lahat-lahat sinabi na niya. Plano na nilang ipasabi ito sa mga pulis para matapos na ang mga duguang nangyayari. Mayamaya ay dumating narin si Alice. "Ano bang nangyari?" Agad na tanong ni Alice pagdating. "Tutuldukan na natin ito. Kailangan na natin ipaalam sa mga pulis ang ginawa ni Mary. Nang dahil sa kanya ay marami nang namamatay. 'Wag na nating inatayin na isa sa atin ang isusunod ni Oliver." "Naguguluhan ako. Paanong tayo na ang susunod? Anong Oliver? Patay na siya diba!?" Tanong ni Alice na nakunot ang noo. "Dahil sa kasabwat tayo sa pagtago ng kasalanan na ginawa ni Mary ay nadadamay tayo sa paghihiganti ng lalaking muling nagbalik para pumatay. Si Oliver yun. May matanda akong laging nakikita. Binababalaan niya ako. Lahat ng sinasabi niya ay nagkakatotoo. Sabi niya maliligtas tayo kung tayo na ang tutuldok dito. Sabihin na natin ang ating nalalaman sa mga Police. Feeling ko kasi ay humihingi ng katarungan si Oliver sa kanyang pagkamatay." Unti unting naliwanagan si Alice. "Alam mo bang nasagasaan si Mary. Dinala siya sa hospital at Comatose ang lagay niya. Doon ako galing kaya napatagal ang pagdating ko dito." Sambit ni Alice. "Karma na niya yun. Sana matuluyan na siya. Maraming namatay nang dahil sa kanya." Galit na galit na sabi ng nanay ni Luz. "Pero wag nating ganunin si Mary. Kawawa siya pag nakulong! Itikom mo muna ang bibig mo Shaira!" Galit na sabi ni Alice. Mahal niya talaga ang matalik na kaibigan na si Mary. "Bahala ka! Gagawin ko na ang gusto ko. Ayokong mamatay!" Galit narin si Shaira. Kampi sa kanya ang Ina ni Luz. Tumayo si Imelda at lumapit kay Alice. "Tama si Shaira. Marami ng namatay! Kailangan ng tuldukan ito!" Mayamaya ay biglang namatay ang lahat ng ilaw sa puneralya. Biglang humangin ng malakas. Wala silang makita dahil nilamon ng dilim ang buong paligid sa puneralya. Isang tili ang biglang kumawala. Tili na alam ni Shaira kung kanino nanggaling. "Ahhhhhhhhhh!!" "Alice?!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD