Epilogue

1660 Words
"Ahhhhhhhhh!" Sigaw lang ng sigaw si Alice. Isang malamig na kamay ang nararamdaman niyang nakahawak sa kanya habang ipinapasok siya sa kung saang mahabang kahoy na kung saan ay malambot na tela ang nasa loob. "Dapat talaga, ikaw ang inuna ko. Dapat noon pa kita pinatay. Humanda ka!" Hindi alam ni Alice kung kaninong boses nanggaling ang nagsasalita na parang galing sa ilalim ng hukay. Hindi napansin ni Alice na nakahiga na pala siya sa isang itim na itim na kabaong. "Sino ka?! Ako naman ba ang papatayin mo?" Natatakot na tanong ni Alice. "Hindi. Hindi ka nagkakamali." Isang masakit na hiwa ang naramdaman ni Alice sa kanyang Leeg. Diin na diin kaya naman halos bumulwak ang dugo niya sa kanyang leeg. Doon palang sa pag hiwa sa kanyang leeg ay nalagutan na siya ng hininga. Kahit patay na ito ay hindi parin itinigil ng nakakatakot na nilalang ang paghihiwa sa leeg niya hanggang sa maputol niya ang ulo nito. Nakanganga at halos luwa ang mata ni Alice habang pinuputol ang ulo niya. Isang nakakatakot na ngisi ang pinakawalan ng nakakatakot na nilalang habang tinitignan niya ang putol na ulo ni Alice. **** Nang biglang bumukas ang ilaw ay nagulat sina Imelda at Shaira ng wala na si Alice. Isang nakaawang na pinto na kwarto ang nakita nilang may liwanag. Liwanag na akala mo ay may burol. Dahan dahan silang pumasok doon. Pagdating doon ay halos matakot at masuka sila sa nakita nila. Nakatayo ang putol na ulo ni aAlice sa labas ng salamin ng kabaong habang ang katawan nito ay nakahiga naman sa loob. "Jusko! Ano bang kababalaghan ito!" Napatakip nalang ng bibig si Imelda. "Sayang, Alice. Kung nakinig ka lang, maliligtas ka sana." Nahihinayang sambit ni Shaira. "Naniniwala na ako sayo, Shaira. Iligtas mo ang sarili mo. Gawin mo na ang dapat gawin, bago pa mahuli ang lahat!" Seryosong sambit ni Imelda. "Sige po. Mauna na ako. Tutungo na ako sa Police station. Kayo na pong bahala sa mga bangkay nila. Ipapahuli ko na si Mary sa Police." Tumakbo agad si Shaira palabas ng puneralya. Habang tumatakbo ay nakasalubong niya ang dalawang matanda na nasa panaginip niya. Napahinto siya at lumapit sa kanila. "Sino na ang susunod? Ako na ba?" Natatakot na tanong ni Shaira. "Sige na, Shaira. Iligtas mo ang sarili mo. Alam kong may mabuti kang puso. Wag mo tutularan ang mga ugali ng mga kaibigan mo, lalo na si Mary!" Sambit ng matanda. Tumango lang si Shaira at nagpatuloy na sa pagtakbo. "Saglit, Shaira." Biglang sambit ng matandang babae Kaya napahinto siya. Tumingin ito sa dalawang matanda na naging maaliwalas at maging parang dalaga't binata na bigla. Nagtaka si Shaira. Parang may hawig siya sa matandang babae. "Iligtas mo apo, ang sarili mo." Nakangiting sambit nito. "Lola at Lolo?" Gulat na gulat si Shaira. Tumakbo siya para yakapin ang mga lola at lolo, pero tumagos lang siya sa mga ito. "Apo, hindi ka man namin naabutan pero, masaya kami na nakausap at nakita ka namin. Hindi pa kami nakakaayat ng lubos sa langit dahil hindi pa kami matahimik. Nandito pa kami para lutasin ang dapat bigyan ng katarungan." "Ano pong ibig nyong sabihin?" Nalilitong tanong ni Shaira. "Tulad ni Oliver ay pinatay din kami ng lolo mo." "Sino? Sinong pumatay sainyo?" Nanggigil na tanong ni Shaira. "Kung ano ang puno,siyang bunga. Mag ina silang mamamatay tao." "Si tita Marlyn? Si tita Marlyn ang nagpapatay sainyo?" **** "Anong nangyayari't puro kamalasan ang inaabot namin?" Nag iiyak na sambit ni Marlyn. "Hayaan mo, gagaling din siya. May awa ang diyos." Sagot ni Marla. "Comatose na naman siya. Paano kung dito ay hindi na siya magising?" "Hay naku Marlyn!" Yun nalang ang nasabi ni Marla sa sobrang awa na nararamdaman niya sa kapatid. "Magpapasko ako ngayon na kulang kulang ang pamilya. Paano nalang pag iniwan pa ako ni Mary? Mag iisa nalang ako sa buhay ko." Napatigil nalang sila sa pagdadrama ng may mga pulis na pumasok sa kwarto ni Mary. "Sino Si Mary?" Tanong ng isang Police. Nagulat si Marlyn sa biglang pumasok na si Shaira. "Yun. Yung nakahiga. Siya ang pumatay kay Oliver." Sambit bigla ni shaira. Nagulat si Marla. " Oliver? Sinong Oliver? Siya ba ang kapatid natin?" Nagtatakang tanong ni Marla. Walang kibo si Marlyn. Hinang hina na siya kung lalaban pa siya. Gulong gulo na siya at parang mababaliw sa lahat ng nangyayari. "Saka niyo na siya hulihin. Pagalingin nyo muna siya. Maawa naman kayo sa anak ko." Walang ganang sagot ni Marlyn. Napakiusapan naman niya ang mga pulis, pero nagulat lang siya sa inasta ni Shaira sa kanya bago ito lumabas ng kwarto ni Mary. Binigyan siya nito ng matinding irap na hindi niya alam ang dahilan. Si Marla nagalit lang kay Marlyn. Gusto niyang mabulok sa bilangguan ang pamangkin dahil sa pag patay nito sa bunsong kapatid na si Oliver. **** DECEMBER 24, 2015 Halos ilaw araw na hindi magising si Mary dahil sa ng kanyang pag ka comatose. Pag sapit ng alas kwatro ng hapon ay habang nag aayos ng mga damit si Marlyn ng kanyang anak ay nagulat siya ng biglang bumukas ang mga mata ni Mary. Inaaninag nito ang Buong paligid. Sa kanyang pag gising ay buong buo na niyang naalala ang lahat. "Nasaan si Oliver? Nabuhay ba siya?" Sambit niya. Napaupo kaagad si Mary. "Nakakaalala kana, anak?" Gulat na tanong ni Marlyn. "Nasaan si Papa? Si lola? Sina Alice? Si Elaine ba buhay pa?" Feeling ni Mary ay mula ng mangyari ang gabing pinatay niya si Oliver at nawalan ng malay ay ngayon palang siya nagising. Tuwang tuwa si Marlyn. Hindi niya muna sinagot ang mga tanong nito at baka makasama sa kanya kapag nalamang patay na ang lahat ng mga tinutukoy niya. Pag sapit ng gabi ay iniwan muna siya ni Marlyn para bumili ng makakain sa labas. Paglabas ni Marlyn ay bigla namang pumasok si Shaira. "Nakakaalala ka na pala." Sambit agad ni Shaira. "Oh my gosh! F*ck you ka, Shaira. Namiss kita!" Nagbalik na ang b***h na si Mary. "Totoo nga. Ikaw na nga yan. Ang Mary na b***h!" Ngumusi si Shaira. "Kamusta? Anong balita sayo?" Tanong ni Mary. "Ikaw ang kinakamusta nila. Halika, namimiss ka na nila." Sambit ni Shaira. "Tang ina ka, Shaira sino ba? Nasaan ba sina Alice? Miss ko na yung mga gagang yun." "Halika, hinihintay ka nila." Sambit ni Shaira. Tinanggal ni Mary ang lahat ng nakasaksak sa katawan niya at sumama kay Shaira. Naglakad sila ng naglakad hanggang sa mapadpad sa simenteryo. "Tang ina ka, Shaira anong ginagawa natin sa simenteryo?" Gulat na gulat si Mary. "Nandiyan sila. Nandiyan lahat ng hinahanap mo." Natatawa lang si Shaira. Gulat na gulat si Mary dahil parang may kakaiba siyang nararamdaman kay Shaira. "Ano bang pinagsasabi mo? Patay na ba sila at nandito sila sa simenteryo?" "Tama." Maikling sagot ni Shaira. "Gago ka, Shaira!" "Mas gago ka! Mas b***h ka!" Sigaw ni Shaira. "Ano bang problema mo?" "Dahil sayo namatay sila!" Naguguluhan na si Mary. Hindi niya alam ang mga sinasabi ni Shaira. Nagulat lang si Mary ng sikmuraan siya ni Shaira. Napaupo tuloy siya sa sahig at agad na siyang iniwan nito at nagtatakbo. "F*ck You ka, Shaira. 'Wag mo akong iwan!" Sigaw niya. Bigla ng humangin sa buong paligid. Nagulat nalang si Mary ng biglang may humatak sa mga paa niya. Nakaladkad ang buo niyang likod dahil tuma-tama yun sa mga lubak lubak na daan na dinadaanan nila. "Aray ko! Sino kaba? Tulungan nyo ako!" Sigaw ni Mary. Halos nag aapoy at dumudugo na ang likuran ni Mary sa dami ng gasgas na nakakaladkad sa simento sa simenteryo. Mayamaya ay huminto narin siya. "Kamusta? Pamangkin kong Mary?" Nagulat siya ng makita niya ang puro lupa at duguan na katawan ni Oliver. "Oliver?" Nagulat at natakot si Mary. Nag iba kasi kaagad ang mukha ni Oliver. Inagnas na ang mukhang pumalit ng magalit ito. "Paanong nabuhay ka? Pinatay na kita ah!" " Nandito ako para maningil. Dahil sayo maraming nadamay. Dahil sayo maraming namatay!" Nagulat si Mary ng isa-isang lumitaw ang mga kaluluwa nila Elaine, Merlinda, Jeffrey, Alice, Olivia, Luz at ang mag asawa na nagpalaki kay Oliver. "P-patay na si Lola? Si Papa? Ang mga kaibigan ko?" "Oo. Nandito kami para sunduin ka." "Maawa ka! Ayoko pang mamatay!" "Halika kana sa hukay at doon tayo magpapasko." Tatakbo na sana si Mary pero tila nakapako ang Paa niya at hindi siya makaalis sa kinaroroonan niya. Mayamaya ay hinila na siya ni Oliver. Unti unti siyang hinihila nito patungo sa Hukay. "Tulong! Tulungan nyo ako!" Halos sigaw lang ng sigaw si Mary. Halos kalahati na ng katawan niya ang nasa lupa. Hindi siya makapalag dahil parang may malakas na naka kapit sa katawan niya at sa kamay ni Oliver. "Maawa ka, Oliver!" Sigaw niya. Itinataas pa ni Mary ang isang kamay para pilit na umakyat paitaas, pero sadyang malakas si Oliver. Hindi na siya sinanto ng kanyang Tito. Hinila na siya nito ng tuluyan hanggang sa lamunin ng buhay ng lupa. Sa ilalim ng lupa ay halos hindi siya makahinga kaya naman hindi rin nagtagal ay binawian narin siya ng Buhay. Nailibing si Mary ng Buhay. **** Nagulat si Marlyn ng pag pasok niya sa kwarto ni Mary ay wala ito doon. Paglabas niya sa kwarto ni Mary sa hospital ay nakasalubong niya ang walang emosyong mukha ni Shaira. "Si Mary ba ang hinahanap niyo?" Tanong niya agad kay Marlyn. "Oo, Shaira nasaan siya? Nakita mo ba siya?" Nag aalalang tanong niya. "Alam ko kung nasaan siya. Halika ka at isasama ko po kayo kung saan siya nagpunta." Walang ganang sagot ni Shaira. Sumama naman si Marlyn kay Shaira. Inakay niya ito at umakbay ng mahigpit sa braso ni Marlyn. Habang papalabas ng hospital ay ngumisi nang isang matalim si Shaira. Walang kaalam-alam si Marlyn na siya na ang huling tao na mamatay. Siya ang kukumpleto para matahimik na ang mga ligaw na kaluluwa. ~ W A K A S ~

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD