"Miss Ella Marie Weibford, may nag papabigay ng bulaklak sa'yo." Inabot sa'kin ng kaklse ko ang red roses. "Kanino raw galing?" Lumapit pa siya sa'kin. "Baka kay Shawn?" Sagot niya. Sa sinabi niya agad kong hinanap ang maliit na card na nakadikit sa bulaklak. "From, SLEF." Malakas na sigaw na binasa ng kaklase ako ang maliit na card, narinig tuloy ng mga iba kong kaklase na nasa loob ng classroom namin. "Sinong Slef? Wala naman akong kilalang Slef na nag-aaral dito." Tanong niya sa'kin. I raised my eyebrows. "None of your business." Mas nauna pa siyang magreact kaysa sa'kin. Nagkibit-balikat siya. "Bagong admirer mo miss Weibford." Sagot niya bago bumalik sa upuan niya. Inirapan ko siya. Kalalaking tao napaka tsismoso. Ano bang pakialam niya kung may admirer ako. Inamoy ko pa ang