ELLA'S P.O.V. "ELLA!" HALOS magpalit na ang mukha si Loren at Annaliza magkadikit kasi ang mukha nilang dalawa habang sinasabi ko ang plano ko sa para makaganti ako kay Shawn, kung dati pagmamahal ang nararamdaman ko sa kanya ngayon hindi na! Ilang beses niya akong pinahiya at gawing katawa-tawa sa harap ng maraming tao kaya this time gagantihan ko naman siya. Sinimsim ko muna ang natitirang laman ng softdrinks ko pagkatapos pinagmasdan ko sila. "Sasamahan niyo ba ako mga besh?" "T-Teka! Wala na bang ibang paraan?" Halos hindi na nagalaw ni Annaliza ang pagkain niya dahil sa sinabi ko. "Oo nga! Mag-isip ka ng ibang paraan. Kapag nahuli tayo baka patatalsikin tayo rito." Sabi pa ni Loren. Pinagmasdan ko silang dalawa, bakas sa kanila ang pag-aalala sa gagawin kong plano dahil sigura