Chapter 2

2604 Words
Estranghero PAGKA-UWI NI AMIRA ay dumiretso kaagad siya sa kanyang silid at binagsak ang katawan sa kama ng biglang sumagi sa kanyang isipan ang lalaking niligtas niya kanina. Sino yun? Taga rito ba siya? Hindi matangal sa kanyang isipan ang mukha ng lalaki kasi parang hindi naman ito taga rito. Nag taka rin siya kung bakit napapunta si papa niya kanina dahil sa mga ganoong sitwasyon, mag papadala lamang ito ng mga tauhan pag may humihingi ng tulong, at pupunta lang ito pag sobrang importante na. Tas bakit dito yun pinadala ni papa sa bahay? Kilala ba niya ito? nakarating na kaya sila? Naputol lamang siya sa kanyang pag-iisip ng marinig niya ang pagbukas ng kanyang pintuan at nakita ang ama na napaupo sa sulok na parte ng kanyang kama. "Papa!" Napabangon si Amira ng makita ang ama na hindi mapakali kung tignan. Nilapitan niya kaagad ito at hinagod ang likod ng sa ganon ay mapakalma ang ama pero agad naman siya hinarap nito ng may pag-aalala sa mukha na siyang ikinataka niya sa sandaling iyon. Hindi niya kailanman na kita ang ganung klaseng takot sa papa niya, kaya nagulat lang siya sa inaasta nito ngayon na parang bang may hindi ito binabangit sakanya. Hinaplos nito ang mukha niya nang magsalita ito. "I have a favor for you Amira, but please.." Sabi nito ng may pagaalinlangan sa boses. "I want you to understand me after all of this." Nakaramdam siya bigla ng kaba ng marinig iyon sa ama. Buong buhay niya ay ngayon lamang siya naka ramdam ng kakaiba na para bang may mali sa sitwasyong ito, na parang may hindi siya nalalaman. Litong napatango si Amira at napaupo ng tuwid sa tabi ng ama niya, handang makinig sa ano mang sasabihin. Nakita niya itong dahan dahang tinangal ang kulay gintong locket na nasa leeg at marahang ikinabit sakanya na siyang ikinagulat niya. "Papa-" naputol siya sa kanyang pagsasalita ng makita muli ang pagtulo ng butil ng luha sa mga mata nito na siyang dumoble sa kanyang kaba. Hindi niya napigilan ang mapayakap dito dahil siya mismo ay naiiyak rin kahit walang kaalam-alam sa mga nangyayari. Basta ay naramdaman lamang niya ang lungkot na iniinda ng ama. "You've grown so fast Amira..parang kailan lang ay maliit kapa at ngayon," Bahagya itong lumayo sakanya at pinagmasdan siya ng may bahid parin ng luha sa mga mata " I've seen that you can handle yourself already. Pag pasenyahan mo na ang ama kung naiiyak...I- I just can't believe that you're too good to be dragged in this selfish world, and I don't have any regrets of having you in my life..both you and your mom of course." Gustohin rin niyang ipaalam sa ama na kung gaano rin siya ka swerte dito pero mas pinili niyang itikom ang mga bibig at makinig muna sa mga sinasabi ng ama. "I want you to know that you and you're mom are precious to me than anything else..I'll do everything just to give you a peace of life at ang mailayo ka sa mga gulo.." Sabi nito at napayuko dahil may tumulong luha nanaman doon. Gulo? May gulo bang nangyayari? Magulo ang isip niya kanina at mapahangang ngayon, lalong-lalo na sa nabangit ng ama niya na gusto siya nitong ilayo sa mga gulo na hindi niya maiintindehan kung anong klaseng gulo ang mayroon sila ngayon na pinoproblema ng ama. Kaya ng muli itong mag salita ay nakinig siya muli. "You're too kind and innocent in this world that I want to take you away..pero hindi eh, ganito yung takbo ng buhay natin. Na kahit anong gawin ko ay hindi tayo makakalayo sa mga problema." Napipiyok na sabi ng ama. Sa sobrang pagtataka ay hindi niya napigilan ang mapatanong "Anong ibig mong sabihin papa?" Sa totoo lang ay kahit na gulong gulo na siya ay sinusubukan niya parin na pagaanin ang pag-uusap nila ng kanyang papa. Hindi niya gusto ang ganito at ayaw niyang makita na umiiyak ang papa kaya nagpapakalakas loob siya na hindi ito sabayan sa pag-iyak para mas mapagaan yung pag kuwento nito. "Gusto kong protektahan mo ang iyong sarili kung sakaling wala man ako anak.. I've been busy with my work at sa pagtulong sa mga tribo sa mga panahong ito kaya hindi rin maiwasan ang mag ka problema minsan." Tinignan siya ng ama na may simpatiya sa mga mata nito. " I'm so sorry kung hindi ko naibibigay lahat ng gusto mo, lalo na ang makapag aral sa paaralan. I have my reasons and it's for your own safety Amira... and now that your already in your right age to desisyon everything that you want, I won't hesitate anymore because I will trust and support you on what you're going to do onwards." Hindi mapigilan ni Amira ang magulat at maluha sa pinagsasabi ng ama. Oo at naging mahigpit ito sakanya..pero hindi ibig sabihin na pinagmamalupitan siya nito, kundi ay nag-aalala lamang ito sakanya sa hindi malamang rason nito. Pero masaya parin siya dahil kahit na ganun ay hindi parin siya nakaramdam ng pagkukulang sa pagmamahal nito. Kaya ginagawa niya rin ang lahat, na intindihin kung ano man ang desisyon ng ama para sakanya. Nakapagtapos siya ng kanyang elemntary, highschool, at college sa pamamagitan lamang ng pag-aaral sa bahay nila, pero kalaunan ay pinapayagan rin naman siya ng papa niya na tumulong sa bayan basta may kasamang kakilala at tsaka nakapagbili narin siya ng lupain para sa kanyang mga pananim na bulalak at ginagawa niya itong negosyo. Nakapagtapos siya sa kursong Business agriculture dahil mahilig lang talaga siya sa kalikasan, lalo na sa mga bulalak. "Pa sinasabi niyo po bang malaya na akong gawin lahat ng gusto ko?" Masayang tono niyang bangit doon sa ama. Tinaguan siya nito at nginitian ng saglit, maya maya pa ay muli itong nagsalita. "But for now, I want you to come with me and I hope that you won't get mad after this because this is for you Amira. Again..I'm so sorry if this will hurt you big time, but this will be the last time for sure and I want you to understand me as well...as a father who loves his only daughter so much." Hindi niya alam ang pinagsasabi ng ama pero bakit naman siya magagalit dito? May dapat ba siyang ikagagalit? Sumunod na lamang si Amira nung lumabas ang ama at nakitang dumiretso ito sa pinakadulo ng ikalawang palapag ng kanilang bahay. Hindi iyon masyadong malayo sa kanyang silid sa totoo lang. Nang nasa tapat na sila ng pintuan ng silid ay pinihit kaagad ito ng kanyang papa at bumungad sakanila ang lalaking walang malay na nakahiga sa malaking matres na pinapalibutan ng apat na armadong lalaki. Muling bumalik ang kanyang pagtataka kanina tungkol sa lalaking ito. Kilala ba siya ni papa? Hanggang ss hindi na niya ito kinaya kaya napatanong siya sa ama "Sino po ba siya papa? Kilala niyo siya? Bakit ho siya nandito? Eh..meron namang centro sa bayan o hindi kaya marami din mangagamot na pwedeng tumulong sakanya.." Hindi naman sa ayaw niya maparito yung lalaki, pero parang hindi ito pamilyar sa kanila lalong lalo na sa kanya dahil ngayon lamang niya ito nakita dito. Yung lugar kasi dito sa kanila ay hindi masyadong kalakihan kaya sa loob ng ilang taon ay halos nakikilala niya na lahat nang mga mukha ng mga tagarito. O baka turista? Pero bakit ang lupit naman nung dinanas nito..? Sa pag kaalam niya kasi ay friendly naman yung lugar nila at wala pang may nangyaring ganung klaseng insidente dito mula noon. Naramdaman niyang napabaling ang atensyon ng ama niya sa kanyang gilid at tinapik siya nito sa balikat ng marahan "Pasensya na kung panag aalala kita Amira anak..." napabuntong hiniga ito bago nagsalita muli "Kilala ko ang batang ito..he's..he's uhmm.." nauutal nitong sambit pero kalaunan ay nagsalita rin muli "He's my friend's son..at nasa peligro siya ngayon kaya sinusubukan ko lang siyang tulungan" Sinusubukang tulungan. Anong klaseng tulong bang tinutukoy ng ama? Pero bakit parang ang bigat bigat ng pasan kung tignan niya ito? Magtatanong pa sana siya pero biglang tumunog iyong telepono ng ama at sumenyas sa kanya na sasagutin niya muna ito bago ito lumabas ng silid at siya nalang ang natira dito sa loob kasama ang apat na gwardya at ang lalaking walang malay na hanggang ngayon ay hindi parin niya alam ang pangalan. Dahan dahang lumapit si Amira doon sa gilid ng walang malay na lalaki at ng makalapit at nakita ang kakaunting galos nito sa mukha na para bang galing ito sa isang suntukan o ano pero parang ganun na nga. Sinuyod rin ng kanyang mga mata ang braso ng lalaki na kanina ay dumudugo dahil sa bala ng baril na naroon pero ngayon ay mayroon nang benda doon. Muli siyang napatingin sa mukha ng lalaki at hindi maiwasan ang pagkamangha dahil ngayon lamang niya na napansin na may angking kagwapuhan pala ito na kahit nakapikit ay gwapo parin..makakapal ang kilay na magkasalubong ngayon kahit na tulog naman, ang ganda ng pilik mata ah..daig pa niya yung akin...ang haba kasi at kumukurba pa..tsaka ang ganda ng labi manipis ito pero parang ang lambot lambot kung tignan mo.. Hindi naman niya namalayan na napalapit na pala ang mukha niya dito sa lalaki at doon lamang niya ito namalayan dahil sa biglaang pag tikhim ng ama sa kanyang likuran. Nahihiyang napayuko ito at napabalik kaagad sa kaninang pwesto. Bakit niya ba pinagpipyestahan iyong mukha nito? Hindi naman ito iyong tipo niya na lalaki... oo gwapo nga pero..bakit kahit na walang malay ay parang nakakatakot at masungit itong tignan?..Totoo! Na gulantang lamang siya ng marinig niya ang pagsalita ng ama " We have no enough time for this.." bangit nito Nakita niyang nagmamadali ang ama na para bang hindi ulit ito mapakali at masuyong hinawakan siya sa magkabilang braso at tinignan sa mga mata na puno ng kaseryosohan na pati siya ay biglang kinabahan rin. "Listen..I want you to use this.." tinuro nito ang kwintas na binigay kanina sakanya " as a protection and..I want you also to be extra careful Amira no matter what. Now go with him." Seryong sambit ng ama na ngayon ay matalim ang tingin na nakaturo na sa bandang likuran na siyang ikinataka niya. Nang lingunin niya ang direksyon na tinutukoy ng ama ay laking gulat lamang niya na ang kaninang walang malay na lalaki ay ngayon, nakaupo na ito na para bang hindi man lang nakakaramdam ng kahit anong sakit sa katawan sa kondisyon nito, at..tama nga naman siya..hindi lang sa pagtulog ay mukha itong masungit..mas tumriple pa nga ito na ngayon ay gising ang diwa. Anong gagawin niya? Bakit siya pinapasama doon sa estrangherong iyon? Hindi niya ito kilala at lalong na lo na't gulong gulo pa siya sa mga pangyayari ngayon para sundin ang utos ng ama. Gusto niya muna itong kausapin pa para maliwanagan siya yun lang naman eh. Tinignan niya ang ama at mahigpit na humawak sa braso nito na para bang pinapahiwatig niya na ayaw niyang sumama doon, pero bigla siyang nanlamig ng maramdaman ang paghila ng estrangherong lalaki papalayo sa ama niya. Binalingan niya ito at naiiyak na pilit binabawi ang braso doon ngunit sadyang malakas ito. Ayaw niyang sumama dito. Iyon ang sinasabi ng isip niya ngayon ng paulit-ulit. Hindi siya makapagsalita dahil na rin sa halong kaba at takot na nararamdaman ngayon kaya todong iling lang ang nagawa niya. Nagmamakaawa ito sa pamamagitan ng pagbawi ng braso niyang hinahawakan nito ngunit malamig ang mga mata nitong kulay abo na siyang nakapagpatigil sakanya. Kinabahan siya bigla dahil mukhang galit na ito. Naramadaman niya ang paglapit nito sa bandang tenga niya at may ibinulong sakanya. "Come with me or die together with your father choose" bulong nito sakanya na tama lang na silang dalawa lamang ang makarinig. Nanigas siya sa kanyang narinig at nakitang may baril ito na hinahawakan sa libreng kamay. Kahit na labag sa kalooban ni Amira ay binitawan niya ang kamay na mahigpit ang hawak doon sa kanyang ama at nagpaubaya sa gusto nitong sumama sa lalaki. "Please take good care of my daughter for me." Sabi ng ama niya na may halong pag-aalala pero doon parin ang seryoso sa mukha " Hindi ako magdadalawang isip magkikipagpatayan kung may mangyaring masama sa anak ko." Mas lalong humigpit ang hawak ng lalaki sa kanya pero ng kanya itong tignan sa mukha ay parang hindi man lang ito natinag sa sinabi ng ama niya rito. Itinaas lamang nito ang sulok ng labi habang ang mga mata ay nanatiling malamig at walang bahid ng kahit anong emosyon. Pwede ba yun? "As you wish" malamig nitong sambit kay papa. Bakit ba kahit sa pananalita nito ay nakakatakot pa rin? Hindi niya talaga alam kung kakayanin niya ito kung sakaling sasama talaga siya sa lalaking nasa tabi niya. Matalim ang tingin ng ama niya doon at muling lumambot ng ibaling nito ang atensyon sakanya. Marahan nitong hinaplos ang kanyang pisnge bago siya tinanguan at tuluyan na ngang pinakawalan sa estrangherong lalaking nasa tabi niya. Hindi pwede to! anong gagawin niya? bakit nga ba siya sasama sa lalaking to? paano naman ang papa niya? Para siyang binagsakan ng langit ng makita ang unti-unting paglayo ng papa niya pero muli itong huminto ng hindi pa masyadong nakalayo sakanila ng muli itong bumaling at may isinigaw na siyang ikinataka niya muli "You too as well, Young Master!" sigaw ng ama sa malayo. Young master? litong-lito na siya at parang hindi na niya ito kakayanin dahil hilong- hilo na siya sa mga biglaang pangyayari kanina pa. Nakita niyang napatango ang lalaki at hinila narin siya nito papalayo doon sa loob ng silid kanina. Panay ang lakad at takbo nila ng tuluyan na nga silang makalabas doon sa mansyon. Hila parin siya nito hanggang ngayon kaya ng ma pansin yun ay sinubukan niyang bawiin ang kamay pero mas lalo lamang ito humigpit at napahinto naman ito ng wala sa oras dahilan kung bakit siya napa subsob sa dibdib nito. Agad rin naman siyang lumayo pero matalim siya nitong tinignan bago nag salita muli. "Stop being so stubborn miss. Just listen to your father, I won't harm you" matigas nitong sabi Hindi parin niya mapigilan ang hindi mapanatag dahil ni pangalan nga niti hindi niya ito alam. Gusto lamang niya ang makawala at balikan ang ama kung saan man ito pero paano siya makakatakas kung mismo yung hawak ng lalaki sa kamay niya ay parang posas sa sobrang hirap pakawalan don. "A-ayoko..ayokong sumama sayo..ibalik mo nalang ako kay papa please..." Pagmamakaawa niya. Hindi na niya napigilan ang pagtulo ng kanyang luha at sinabayan pa ito lalo ng mahinang paghikbi sa nararamdamang kaba at takot ng dahil sa mga possibleng nangyayari sa kanila ngayon. Natigilan siya sa kanyang pagpupumilit ng makarinig siya ng putukan ng baril sa kung saan at biglaan pagsabog ng isang bahay sa hindi kalayuan sa kanila at lalo lang siya nanigas sa kinatatayuan sa nakita. "f**k!" mura nito sa matigas na tono. Muli siyang hinila ng lalaki papalayo doon sa kinatatayuan nila at sa mga oras na iyon ay puro takbo na ang kanilang ginawa. Muli siyang napasindak ng ma tuklasan ang panibagong pag sabog ng isa sa mga bahay doon at tuluyan nga siyang napaupo dahil sa sobrang kaba at naramdaman ang pag-ikot ng kanyang paningin. Bigla siya nitong sinalo mula sa pagkakatumba at kinarga sa mas malapit na malaking kahoy para makapagtago at sinubukan nitong tapikin ang mukha ko. "Oh s**t! no..no not here miss hey!-" Tuluyan na nga siyang nawalan ng malay sa kalagitnaan ng gulo at hindi na narinig susunod na sinabi ng lalaki sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD