Chapter 3

2202 Words
Babe DIREKTA ANG SIKAT ng araw sa mukha ni Amira, dahilan kung bakit siya napamulat ng marahan sa kanyang kinahihigaan. Bahagya niyang inangat ang kanyang ulo at unang makita ang malalakas na alon ng tubig dagat sa kanyang harapan at napagtantuang, nasa isang dalampasigan siya ngayon. Napabangon nqnan siya bigla at pinagpag ang buhangin na dumidikit sa katawan, at inilibot ang tingin sa piligid ng matagpuan niya ang lalaki sa hindi kalayuan na nakasandal sa puno ng niyog, namumutla at hinang hina habang hawak hawak ang dumudugong braso. Namilog ang kanyang mga mata at mabilis na nilapitan ang lalaki. Agad naman siyang lumuhod sa harap nito ng makalapit at sinubukan itong tulungan pero bahagyang itinabig ng lalaki ang kanyang kamay at kusa itong tumayo pero hinang hina parin. Walang bakas ng kahit anong emosyon ang mga mata ng sinubukan niyang tignan ito at napaatras ng lumakad ng paabante na akala naman niya ay kung ano na ang gagawin sa kanya pero nilampasan lang naman pala siya nito. Hindi niya maalala ang nangyari sakanya kagabi sa totoo lang...dahil matapos siyang himatayin ay natagpuan nalamang niya ang kanyang sarili dito nakahandusay..kasama ang lalaking hindi parin alam kung ano ang pangalan. Nilingon niya ito at nang makita na medyo malayo-layo na ito sa kanya ay agad siyang tumakbo papalapit doon para makahabol. Hindi namang pwede maiwan siya dito, hindi kasi siya pamilyar sa lugar pero nasisiguro niya na parte parin iyon ng Basco Batanes na siguro ay malayo-layo nga lang sa kanilang lugar sa Alba. Bigla niyang naisip na kailangan pala niya malaman ang pangalan nito, hindi naman pwede na hindi eh anong itatawag niya dito..kuya? nong? hoy? ayts bahala na nga.. Humakbang pa siya ng kaunti sa likuran nito para mas makalapit at nagdadalawang isip pa na iangat ang kanyang kamay para sana kalabitin ito at nagawa nga niyang iangat ito pero nagulat nalang siya bigla at halos malag-lag ang puso ng humarap ito ng walang pasabi. Gulat pa rin siya hanggang ngayon na kahit iyong kamay niya na sana kakalabit doon ay nabitin sa ere, pero agad rin naman niyang naibaba ng mapansin yun. Matigas siya nitong tinignan at inis na hinilot ang sentido habang ang isang kamay ay nasa beywang"We're f****d up." maiklii nitong sabi pero bakas ang irita sa tono. Ngayon naman ay napahilamos na ito sa mukha at matalim siyang tinignan sa mga mata na nagpaatras sakanya. Kinabahan siya bigla at naisip na siguro may mali siyang nagawa kaya nagalit ito sakanya...kaya napaiwas kaagad siya ng tingin at ibinaling na lamang sa rumaragasang tubig ng dagat dahil sa tensyon na binibigay sa kanya. Hindi siya sanay na tinitignan ng ganon dahil first time niyang makakita at makaranas ng may taong nagagalit sakanya. "We we're supposed to leave this place last night...But then were not able to make it because you know what?.." Putol niya doon at mariin siya tinignan sa mga mata. "You fainted and I had no choice but to carry and bring your ass here for the fucki'n whole night just reach here asap but damn. Nahuli tayo at hindi na nakaabot sa barko na sana sasakyan natin. Buti hindi pa ako namatay sa sobrang bigat mo." Sarkastiko nitong sambit Naibalik niya ang tingin doon dahil sa nalaman at hindi maiwasang mahiya sa natuklasan. Binuhat siya nito? buong magdamag? Sa mukha nito ngayon ay napansin niyang naroon parin ang bakas ng pagkaputla pero mukhang sanay na sanay naman ito rito na parang bang ang manhid para hindi maramdaman ang mga sugat. Lakas loob siyang humarap muli doon at nagsalita."Sana iniwan mo nalang ako d-doon" nauutal kong sambit. Binigyan niya lamang ako ng mapang-asar na tingin bago ulit ito nag salita. " Why didn't I think of that tho?" Bahagya siyang nasaktan sa sinabi nito kaya ng hindi niya kinaya ay tumalikod siya at nag-umpisang lumakad papalayo doon sa lalaki. Hiyang-hiya na siya at hindi mapigilan ang mababaw at nakakainis niyang luha...edi sana iniwan nalang siya nito! sana hindi na siya pinilit na sumama dito at pinabayaan na lamang na sumama sa ama diba? bakit pa nga ba kasi siya isinama at sumama dito? wala talaga siyang alam sa mga nangyayari at nagmumukha na siyang tanga kaka isip kagabi pa mapa hanggang ngayon.. feeling niya ay naging pabigat na siya unang una palang. Hindi pa man siya nakalayo may biglang humawak sa kanyang braso at pinihit siya nito paharap doon. Magkasalubong ang kilay at matalim na tingin ang iginawad sakanya ng lalaki. "Where do you think you're going? Pagkatapos kitang buhatin buong gabi." Malamig nitong sambit. Pilit niyang binabawi ang kamay doon at nakawala rin naman dahil hinayaan siya nito pero hindi parin nito inaalis ang matalim na titig sakanya. Hindi na niya ata kinaya kaya tinaas niya ang dalawang kamay at itinakip doon sa mata ng lalaki pero napaismid ito sa kanyang ginawa kaya nanginginig na naibaba niya ang kanyang mga kamay ng madalian dahil sa muli siyang nakaramdam ng kahihiyan sa ginawa niya. "What the hell!?" Agad naman siyang umiling " S-sorry!..bakit kasi ang sama mo kung makatingin hindi naman kita inaano.." mahina niyang sambit. Mas lalo lang tumalim ang tingin nito sakanya at kung kanina ay blanko lang ang ekspresyon, ngayon naman ay nakasimangot na ito ng wagas. "Don't do that again, or else.." mapagbanta nitong pahayag sakanya. Napaismid naman siya "Hindi na yun mauulit! Ikaw kasi eh ang sama mo makatingin nakakatakot na." pagak niya dito. Binalewala siya nito at muling bumalik sa direksyon nito kanina pero hindi siya sumama kaya nang mapansin siguro na hindi siya nakasunod ay nilingon siya nito at sinigawan siya sa malayo. "If you don't wanna come, iiwan talaga kita dito! You can't go back to your father either, so choose!" bago ito muling tumalikod sa kanya. Ang lalaking to! bakit ba ang sungit sungit at ang hirap hirap pakisamahan! aish! Wala siyang nagawa kaya sa pangalawang pagkakataon ay muli nanaman siya humabol doon kahit na labag sa kalooban. Ayaw niyang maiwan doon baka mapapano pa siya roon. Gusto pa niyang makita ang ama at maliwanagan sa mga pangyayari kaya hindi pwedeng hindi siya sumama dito dahil palagay niya ay may plano sila. "Says who is afraid of being left behind" mapang asar na tugon nito sakanya. Hindi niya ito pinansin na may simangot sa mukha at naglakad na lamang sa gilid nito. Tahimik lamang siya at hindi alam kung saan ang kanilang patutunguhan. Makalipas ang ilang oras na paglalakad ay nakaramdam siya ng pagkagutom kaya nilingon niya ito ng maramdaman na nahuhuli ito sa paglalakad, Kumunot ang kanyang noo ng makita na parang babagsak na ito anytime dahil ang putla putla na nito at nakahawak parin doon sa dumudugong braso. Saan na kaya sila? Gutom na siya..sabayan pa ng isang to na nanghihina. Dito na siguro siya mamamatay. Diyos ko wag naman sana.. Agaran niya itong nilapitan at inalalayan pero ng maramdaman niyang nanigas ito ay napatingin siya sa mukha ng lalaki na ngayon ay matalim siya nitong tinignan. Ano nanaman ba ang problema ng lalaking to? hindi ko naman inaano ah. Pabalik niya itong pinaningkitan ng mata. "Tinutulungan lang kita Mr. hindi naman kita inaano jan!" Singhal niya dito ng hindi na kinaya ang arte ng lalaking ito. Tinignan niya ang paligid at puro kakahoyan ang lugar. Napapalayo na pala sila sa dalampasigan, at hindi niya alam kung anong lugar ito pero kanina pa sila naglalakad kaya tingin niya ay nasa lib lib silang lugar na puro punong kahoy ang paligid. Alam ba ng lalaking to kung saan kami pupunta? Ng makakita siya ng pwedeng pagpapahingaan ay pinaupo niya muna yung lalaki at tuluyan na nga itong napasandal sa sobrang pagod. Pikit ang mga mata nito habang nakatingala sa kalangitan na animoy, parang normal lang na nagpapahinga. Hindi miya manlang ito narinig na nanagreklamo tungkol sa sugat nito. Siguro kung siya yung nasa posisyon niya, kanina pa siya namatay..parang siya pa nga yung nasasaktan sa sitwasyon nito eh. Tumalikod siya para maghanap sana ng pwede ipangamot dito ng marinig niya itong magsalita. "Tatakas ka? maraming baboy ramo diyan subukan mo." pananakot nito. Kinabahan rin naman siya agad sa sinabi nito kaya napabalik siya ng wala sa oras doon sa kung saan ito saka niya pinukol ng masamang tingin. "Ba't ka ba nananakot! may kukunin lang naman ako...Tingin mo ba makakatakas pa ako nito? ni hindi ko na nga alam kung saan na tayo nito! nakakainis kana kanina ka pa" maluhaluha kong bangit doon.. Tinawanan siya nito pero tumigil rin ng makita siyang humihikbi "O ba't ka nanaman naiiyak? binibiro lang naman kita." Nakakainis na. Kung alam lang niya ang lugar ay kanina pa siya tumakas sa titio lang, pero hindi niya talaga alam eh. Ayaw naman niyang mapahak kung sakali.. kaya mas minabuti niyang sumama nalang dito. Hindi na nga niya ito maintindihan kasi una masungit tapos seryoso ngayon naman grabe kung mang asar. Nababaliw na ata siguro o side effects ng gamot na ginamit ..basta naiinis na siya. Muli siyang umalis sa kinaroonan at narinig pa niya itong tinatawag siya pero hindi na niya ito pinansin dahil sigurado aasarin nanaman siya nito. Ilang minutong paglilibot at hindi niya maiwasang hindi isipin ang pananakot ng lalaki kanina sakanya tungkol sa baboy ramo na pagala gala kaya mas minadali niya ang paghahanap at pag kuha ng mga dahon na pwedeng igamot doon sa sugat nito. Kahit papaano ay may awa pa rin siya na natira ..Buti nalang, pasalamat talaga to. Naupo siya sa gilid nito at sinipat ang sugat ng maalala na wala pala siyang benda na pwede itali dito. Nakita niya ang pagmulat ng lalaki galing sa pag-idlip. Ng mahagilap siya nito na may hawak hawak na dahon na tinadtad kanina sa bato at binaling ang tingin saakin ng may pagtataka sa mukha.. "Gagamutin ko lang.." mahina kong sambit. "Gamit yan?" tanong nito Tinignan ni Amira ang dahon na tinuro nito at wala pala siyang pambalot doon. Tinanguan niya ito bilang sagot. "Paano? " muli nitong tanong. Napatingin siya sa kanyang puting daster na suot. Hala oo nga..pero hindi manlang niya nahalata kanina na ganito pala suot niya ..Diyos ko po pero okay lang eh lampas tuhod naman siya at may shorts naman siya. Nakaisip kaagad siya ng paraan kaya sinubukan niyang punitin ang ilalim na bahagi ng daster pero hindi pala niya kaya. "What are you trying to do miss?" nagtataka na ito sa ginagawa niyang pilit na pinupunit ang ilalim ng daster niya "Amira nalang itawag mo sakin..tsaka tulungan mo naman akon punitin to oh" sabi niya sabay abot doon sa laylayan ng kanyang daster sa lalaki. "You want me to rip that? not going to happen Mi.."pagtatangi nito. "Maliit na parte lang naman yung pupunitin mo! gagamitin ko lng naman jan sa sugat mo." pagpupumilit niya. Tumayo ito sa kinauupuan at hinarap siya "I'm fine...we have to go now" Ano ba yan ang tigas rin ng ulo nito. Kung ayaw niya edi ako gagawa. Nag hanap siya ng matulis na bagay at laking pasasalamat niya at sa wakas ay nakakita rin siya ng matulis na kahoy at iyon ang kanyang ginamit. Hinablot niya ito sa braso at sinimulang ipahid ang dahon na igagamot doon sa dumudugong sugat. Alam niya ang halamang ito kasi maliban sa mahilig talaga siya sa mga bulaklak ay may alam rin siya sa ibat ibang halaman dahil agriculture naman yung kinuha niya kaya siguro ganun. Binalot niya kaagad iyon ng kanyang pinunit daster. "I said I'm fine. No need to do this." turo nito doon sa binalot niya sa braso nito. Imbes na tugunan ang reklamo nito ay iniba niya yung istorya. " Anong pangalan mo?" tanong niya habang inaabala ang sarili sa pagagamot dito. Hindi siya nito sinagot at inangat ang kanyang ulo para tignan ito. Nakatingin ito ngayon sakanya at agad rin namang iniwas at ibinaling sa kung saan yung mga mata. Problema ba nito? Bumuntong hininga ito bago nagsalita. "You don't know me? how comes?" Kumunot ang noo niya sa narinig. Mag tatanong ba siya kung alam niya? hayy. Iling ang tanging sagot niya rito at nang matapos sa ginagawa ay hinarap niya muli ito at pinameywangan. "What?" nagtatakang tanong nito ulit. "Pangalan mo ka ko, hindi talaga kita kilala. Kagabi pa tayo magkasama hindi ko pa rin alam pangalan mo." Medyo nagulat pa ito ayon sa nakikita niya sa reaksyon nito pero napalitan rin kaagad iyon ng pagtataka at napailing sa kawalan. "Hindi ba sinabi ng papa mo?" muli nitong tanong na parang nagbabasakali. Nagtaka siya sa sinabi nito. "Oh..so he's hiding something from you.." napangiwi naman ito ngayon. "Just call me Babe, that would be fine " Tumalikod kaagad ito sakanya, pero hindi nakatakas sakanya ang bahagyang pagtaas ng sulok ng labi nito. Napakurap siya. Babe? babe pangalan nito? ang weird. "B-Babe?" nagdadalawang isip na tawag niya roon. Humarap ito sakanya na may mapang asar na na ngiti sa labi. "Hmm?" "Nagsisinungaling ka lang ata eh! napakabarako mo naman para sa pangalan na yan." naiinis niyang tugon dahil kutob niya ay nag sisinungaling lang ito sa kanya. Hindi siya nito pinansin ng maglakad na ito muli. Nababaliw na ata tong kasama niya..pinagdasal niya sana makauwi na siya at ayaw nang makita ang nakakainis na lalaking to.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD