Chapter 1

2702 Words
Kabanata 1 MASAYANG INABOT ni Amira ang isang mangkok na may lamang sopas sa kaibangan na tumutulong ngayon sakanya at ibinigay naman nito sa kawawang bata na hindi pa nakakain ng pananghalian. Pagkatapos nito ibigay sa bata ay lumapit muli si Lora sakanya at inagaw ang sandok sa kanyang kamay. "Ranee Amira, pwede ka munang mag pahinga. Kami na muna ang bahala dito." Suhestiyon sa kaniya ni Lora. Marahan niya itong tinignan tsaka niya pinisil ang pisngi ng kaibigan dahilan kung bakit ito napangiwi sa ginawa. "Sabing Amira lang Lora. Tigilan mo ako ka ka Ranee mo. Kaibigan kita kaya bilang mag kaibigan, walang may mas angat dahil parehas lang naman ang trato ng magkaibigan sa isa't isa. Hindi ba?" Aniya bago ito dumukwang para kumuha ulit ng sopas para sa mga bata. Napasimangot si Lora sa sinabi niya at napakamot lamang sa ulo bago ito nagsalita muli. "Alam mo naman, papagalitan nanaman ako ng akong nanay pag hindi kita tinawag ng ganyan mahal na prinsesa." asar nito sa kanya habang inaabot ang susunod na mangkok na pinapamigay. " Tsaka masanay ka narin na ganito tawag ko sayo mahal na Ranee. Bilang tagapagligtas ng tribo namin at bilang maswerte na babaeng tulad ko na naging kaibigan ka ay karapat dapat na respetuhin kita." Sabi nito habang nakatingin sa kaniyang mga mata at nakita naman niya na seryoso talaga ito sa sinabi. Napailing lamang siya habang nakangiting pinagpatuloy ang trabaho. Okay rin naman na kahit ano itatawag sa kanya. Pero sa totoo lang tingin nga niya sa lahat ay pare-parehas lamang. Mahirap man o mamayan o ano man yan, wala naman talagang pinagkaiba dahil pare-parehas lang naman silang lahat tao at namumuhay sa mundong ito pero maliban nga lang sa antas. Nang matapos sila sa kanilang pinamimigay na pagkain sa mga bata ay napagpasyahan muna nilang magpahinga ni Lora saglit kasama ang iba pang tumulong kanina sa kanila at kanilang hinati-hati ang natitirang sopas at tinapay. Habang masaya itong humihigop ng sabaw ay biglang may lumapit na babae na siguro'y nasa singkwenta yung edad tsaka siya nito binigyan ng natirang pandesal at masayang tinangap naman niya ito. "Ranee Ami, sumabay ka na sana kanina sa mga bata, yan tuloy di karamihan nakain mo." Sabi ni Aling Iska ang babaeng tinitukoy niya kanina na siyang nanay naman Lora. "Nako po para naman ho talaga sa mga bata yung pagkain na to kaya wag po kayong mag-alala saakin ayos naman po ako dito." Sabi niya na may ngiti sa labi. Marahang hinaplos ni Aling Iska ang kaniyang buhok bago ito nag salita muli na ikinasaya niya."Napakabuti mong bata hija. Sana pagpalain ka pa ng Diyos at nang patuloy sa pagiging maswerte ang buhay mo." May ngiting saad sakanya ni Aling Iska. Kaniya ipinatong sa lamesa ang mangkok na hinahawakan kanina bago hinarap si Aling Iska na ngayon ay nakangiti. Hinawakan naman nito ang kamay ng matanda tsaka ngitian pabalik. "Aling Iska, pangarap ko po na lahat tayo ang pag palain at tsaka ho bawat isa naman sa atin ay may kanya-kanyang swerte sa buhay. Swerte rin ho kayo dahil kumpleto ho yung pamilya niyo at alam kong masaya kayong namumuhay kahit anong hirap ang inyong hinaharap." Masayang saad niya at napatingin sa direksyon ni Lora na ngayon ay nilalaro ang mga bata tsaka ito tumingin ulit kay Aling iska na ngayon ay nakatingin na rin ngayon sa anak. "At tsaka ho napakabait rin ng anak niyong si Lora. Sabihin nating napakaswerte ko na rin sakanya, dahil parang magkapatid na turing namin sa isa't isa ng kaibigan kong yan." Sabay turo niya kay Lora. Nakita ni Amira ang butil ng luha sa mga mata ni Aling Iska na siya namang ikinagulat niya at hinagod sa likuran ang matanda. "Maraming salamat mahal na prinsesa." Anito sa kaniya "Salamat sa pagbibigay halaga sa anak kong yan. Kahit makulit ho yan minsan pero mabait naman at mapagkatiwalaan kaya wag kang mag-alala, sa abot na makakaya namin ay tutulong kami kung sakaling may mangyari sa inyo. Hinding hindi ka ho namin pababayaan." Lumambot ang kanyang puso sa sinabi ng matanda at kanya itong hinagkan ng walang pag-dadalawang isip. "Hayy nako ho huwag na po kayong umiyak wala pong masamang mangyayari kayo naman ." Pagbibiro niya " Sa pangangalaga ho tayo ng Papa ko kaya wag po kayong mag-alala. Ayos ho ba?" Pagpaninigurado niya kay Aling Iska na siya namang ikinangiti nito. BUONG MAG HAPON ay naglibot sila ni Lora sa kanyang hardin sa Alba, malapit sa kanilang bahay pagkatapos nilang pakainin ang mga kawawang bata sa bayan kanina. Iba't-Ibang klase ng bulalak ang sumalubong sa kanila at isa na doon ang pinakapaborito niyang Dahlia na ngayun ay kakapitas lamang niya at tinignan na may ngiti sa labi na para bang kumpleto na ang kanyang araw ng dahil sa kakaiba ang kulay nito sa lahat ng mga bulaklak doon. Lumapit siya kay Lora na ngayon ay nakayukod narin habang pumipitas ng mga bulaklak at sabay lagay sa basket para ibenta sa bayan kinabukasan. "Lora, ang ganda nito." sabi niya sabay pakita doon sa kulay asul na bulalak na kanyang hawak ngayon tsaka niyo itong sinipat muli. "Gusto kong may mag bibigay nito saakin ang ganda niya talaga." Sabi niya na para nilagay ang balaklak sa tenga at kinikilig na kinurot si Lora na nginisihan siya ng sarkastiko. Nilagay ni Lora ang basket sa malapit na lamesa at pinameywangan siya nito. "Ranee Amira, napakarami mo kayang manliligaw! pero hindi mo naman pinapansin ni isa sa kanila, at tsaka kahit siguro anong hihilingin mo ibibigay nila." Sabi nito at tinuro naman ang bulalak na ngayon ay sa tenga niya "Iyan lang ba ang gusto mong matanggap? asus maan nimo, ahaw bulaklak nayan kahit siguro isang daan pa hihilingin mo sa kanila ibibigay nila pustahan tayo haha." Natatawang saad nito sabay kuha ulit ng basket niya at muling bumalik sa pag-aani. Napabuntong hininga siya sabay kuha ulit doon sa bulalak sa tenga na ngayon ay sa kamay naman niya. "Bihira lang kaya ang ganitong kulay. Sa pagkaka-alam ko kasi, swerte ito." mahinang bangit niya. Binalewala niya lamang ang sinabi ng kaibigan tungkol sa mga manliligaw niya sa kanilang lugar dahil wala naman itong pakealam at hindi talaga siya nagkainteres sa isa sa kanila. Hindi naman sa pagmamayabag, pero ang sabi sabi ng mga tao na makasalubong ko ay maganda daw ako at mabait, dahilan kung bakit raw maraming nagkakagusto saakin. May kaya ang aking ama na siyang Rajah ng Manor Madan, namumuno sa lugar ng Alba dito sa Basco Batanes kaya isa rin siguro ito sa mga rason kung bakit sila nanliligaw saakin. Simpleng tao lamang kami ni amang at oo nga't galing kami sa dugong maharlika pero hindi gaano ka mayaman at kalakas ang impluwensya namin. Tulad ng sabi ko, simpleng tao lang kami na tumutulong sa kapwa kung sakaling may mangyaring masama at tulad lang rin naman kami sa mga taong naninirahan dito sa lugar namin ng mapayapa. Matagal na medyo natahimik sila dahil na rin abala sa pagpipitas ng mga bulalak at nang tinignan niya ang langit ay madilim kulay kahel na ito. "Siguro bukas naman yung iba, ayos na siguro ito at nang makapagpahinga na tayo." Sabi niya dito sa kaibigan na sumang-ayon naman sa kanya. Inakbayan siya nito at may mapaglarong ngisi sa mukha at may sinabi sakanya na siyang ikinangisi rin niya "Mayroon daw sayawan mamayang alas sais sa dalampasigan kila Dalisay. Inibitahan tayo na pumunta doon dahil birthday niya raw at may salo-salo na rin." Tumango siya dito at napagpasyahang umuwi muna ito sa kanila dahil alas singko pa naman ng hapon. Nang makarating sa kanila ay pinagmasdan niya muna ang labas ng kanilang pamamahay at malumamanay na napangiti. Medyo luma na kung titignan mo ang bahay pero matikas at matibay pa rin naman ito gawa sa kahoy na may halong semento. Napansin niyang gumalaw ang hindi kalakihang gate at lumabas doon ang isang matandang lalaki na may bit bit na malaking gunting sa halaman at kinawayan ito. "Maayong hapon po mang Sindoy, tapos na ho inyong ubra?" Aniya "Maayong hapon rin sayo Ranee Ami, buti naman at nakauwi kana hija. Pinapahanap ka kasi ng iyong ama, siguro may sadya." Sabi nito ng tuluyan ng makalabas sa gate ng manor. Bilang sagot ay tinanguan ko na lamang siya at kumaway ulit ng makapasok na ako sa loob ng bahay. Pagkapasok ni Amira sa loob ay nakita niya kaagad ang ama sa kanilang salas, nakaupo sa pang-isahang sofa at nag-babasa ng diyaryo kunot ang noo habang hinihilot ang sentido. Lumapit kaagad siya at hinalikan ang ama sa pisnge at nag mano bago umupo sa pahabang sofa." Pa? May problema ho ba?" Tanong niya na may pagtataka sa tono niya. Nilapag nito ang diyaryo sa maliit na lamesa sa gitna at bago ito nag salita. "Hijah sa kananaman galing? Alam mong nag-aalala ako sayo, buong araw wala ka dito." May diin nitong sabi. Nakita niya kaagad ang pagod sa mga mata ng kanyang papa at alam niya rin na hindi lang ang pag-alis niya kanina ang pinoproblema nito ngayon. Lumapit siya ng kaunti dito at hinawakan ang dalawang kamay ng ama tiyaka niya pinisil, at tinignan ito ng marahan. "Pa, sinabihan naman kita kanina na pupunta ako ng bayan para tumulong doon sa community center diba? Tsaka kaninang hapon ho inani na po namin ni Lora iyong mga pananim kong bulaklak dahil bebenta na po namin iyon bukas." Napatango naman ang ama kalaunan, pero napansin parin niyang may kakaiba dito na panay ang buntong hininga. "Ayos lang po ba kayo papa? Sabihin niyo po sakin baka po maymaitutulong ho ako." Nag-aalala kong tanong sa ama. Umiling lamang ito bilang pagtugon sa mungkahi niya at marahan nitong hinawakan ang kanyang mukha na may ngiting malumanay habang nakatingin sa kanyang mga mata. "Kamukhang kamukha mo talaga yung mama mo nak. Even your personality is just same as hers. I can't help but to miss her badly." Sabi nito na may lungkot ang tono. Napapikit ito ng maramdaman ang pangungulila nito sa kanyang ina na siyang dumurog sa puso niya. Namatay ang aking ina nung pinanganak daw niya ako ayon kay papa. Kaya wala na akong alam sakanya dahil hindi ko naman ito nakasama sa paglaki ko, pero ang sabi ng papa ko ay napakabait nito kahit kanino at napakaganda na ang swerte swerte niya daw na siya ang huling pinili ng mama niya. Hindi ko rin mapigilan ang malungkot dahil ramdam ko kung ano ang pakiramdam ng mamatayan ng mahal sa buhay. Noong isang taon lang kasi namatay ang aking lola na siyang ina ng aking papa kaya ganon. "Ang tahimik mo ata ngayon Ranee Ami, gutom ka pa ba? Gusto mo dagdagan natin iyang pagkain mo?" Nagtatakang tanong sakanya ni Lora na. Halos hindi nga niya naigalaw ang pagkain dahil medyo wala itong gana ng dahil sa pag-alala sa ama. Hindi sana siya tutuloy sa kaarawan ni Dalisay, pero nangako ito kanina na sumama kaya wala siyang nagawa. Tinignan niya si Lora na ngayon ay masayang kumakain ng lechon manok at inalok pa siya nito. Napabuntong hininga na lamang siya at kinagatan ang inalok na manok at inumpisahang kainin ang pagkain na nasa kanayang plato. Sa sandaling iyon ay kinalimutan muna niya ang pag-alala at nakisaya tsaka nakihalubilo muna siya sa mga tagaroon. Nahiya naman ito pag pinagpatuloy pa niya ang pagluluksa. "Mahal na Ranee, nga pala napadaan ako doon kanina sa iyong hardin. Nais ko sanang umorder ng puting rosas bukas. Marami kasing naghahanap non lalo na't iyon ang ginagamit ngayon para sa kasal." Sabi ng isang ale na kaibigan ni aling Iska iyong nanay ni Dalisay. Napabaling ang tingin niya doon sa unang kostumer niya kaya hindi niya mapigalan ang mapangiti. Tumango siya dito. "Nako! Maraming salamat po. Bukas ho idedeliv-" Pero nabitin siya sa kanyang pagsasalita ng may nagmamadaling lalaki na lumapit sakanila at nanghihingi ng tulong at may ibinalita sa kanila na siyang ikinagulat nilang lahat doon. "Kailangan namin ng tulong! Galing kami kanina sa laot at may nakita kaming lalaki na lumulutang! Kaya nagmamadali kaming bumalik kasi baka maagapan pa. Nandoon siya ngayon kina kuya Paeng!" Mabilis nitong saad. Napasindak ang lalaki ng makita siya na tulala ngayon at bigla itong napaluhod sa harap niya dahilan kung bakit siya lalong nagulat at kaniya naman itong hinawakan sa braso at pinatayo muli. May halong panginginig at kaba ng mag salita muli ito sa kanya. "M-Mahal na Ranee, w-wala po kaming kinalaman s-sa nangyari sa lalaki. N-Nakita lang ho namin siya kanina na palutang-lutang sa gitna ng dagat ng pumalaot kami k-kaya hi-hindi kami nagdalawang isip ni kuya Paeng na tulungan siya." Kinakaban parin nitong sumbong. Napaayos bigla sa pagkatayo si Amira habang tumutulong sa lalaking nanginginig parin sa takot dahil sa ibinalita sa kanila. Napaisip naman ito bigla dahil ngayon lang nangyari sa kanilang lugar ang ganoon. Ano ba ang nangyari sa lalaking iyon? Hinarap muli ni Amira iyong lalaki at napansing nasa murang edad pa ito, siguro nasa kinse anyos yung edad. Kaya siguro takot na takot dahil ang bata bata pa neto. "Dalhin mo ako kina Paeng. Gusto kong makita kung anong nangyari doon sa lalaki." Matapang niyang sabi. Mabilis ang kanilang lakad patungo kina Paeng ng mapansin niya ang iilang tao na nakapalibot sa malapit na bangka kung saan may nakahandusay na lalaking duguan at walang malay kaya pati siya ay nagmadaling puntahan ang sugatang lalaki doon. Nang makalapit na sila ay napansin kaagad siya ng mga tagaroon kaya binigyan nila ng espasyo para makadaan. Nagulat si Amira sa situwasyon ng lalaki ng makita na namumutla ito at may tama ng baril sa braso at paa. Napabaling ang tingin niya doon sa mga tao na nag papanic at gulat na rin dahil sa hindi malaman kung ano ang gagawin. Lumuhod si Amira at kanyang inumpisahan ang dapat na gawin para matulungan ang lalaki na walang malay. Una niyang ginawa ay ang sipatin ang palapulsuhan ng lalaki at pinaringan kung humihinga pa ito. Ginawa niya kaagad ang CPR na natutunan niya noong highschool pa siya. Nang matapos niyang idiin ng pang ilang beses sa dibdib ang lalaki ay hindi parin nakalabas ang tubig at hindi parin ito humihinga. Pero bago pa man niya gawin ang susunod na CPR ay napaisip siya bigla ng maalala ang mouth to mouth resuscitation at napailing ng marahas sa biglang pag-iisip ng iba sa kalagitnaan ng pangyayari. Ano ba naman yan Amira! Pati ba naman ganyan? Tinignan niya muli ang kawawang lalaki na wala paring malay at hindi na nagdalawang isip sa susunod na ginawa. Kaya sinimulan na niyang gawin iyon ng pang-ilang beses at nagulat pa siya noong nilabasan na ito ng tubig sa katawan ng dahil sa pag-ubo ng marahas. Bigla naman siyang nahimasmasan dahil nailigtas naman niya ito sa wakas. Rinig na rinig ni Amira ang pag-singhap ng mga nanood sa kanya at namangha sa kanyang nagawa sa pagligtas dito sa lalaking walang malay kanina. "Diyos ko po! Salamat at buhay pa yung binata." Bulong ng isang matandang babae na nakinuod hanggang ngayon. Muli niyang binalik ang tingin sa lalaki na ngayon ay hinang hina na minulat ang mga mapupungay na mga mata na nakatitig na ngayon sakanya. Ngayon lang niya na pagtanto na may itsura yung lalaki at mukhang banyaga dahil sa kulay berde nitong mga mata. Kaya maya maya pa at ng mapansin niyang magsasalita na sana ito nang biglang mawalan ulit ito ng malay ng dahil sa hinang hina pa ito. Tumayo ako ng buhatin siya ng iilang lalaki doon at hinihintay ang susunod kong sasabihin at desisyon na kung saan mas mabuting dalhin iyong lalaki. Pero laking gulat ko nung dumating si papa na may kasamang tauhan niya at may sinabi doon bago kinuha iyong walang malay na lalaki na ngayon ay nasa stretcher na nakahiga. Takang napatingin si Amira sa ama na may katanungan sa mukha ng magsalita ito bigla. "Sa manor siya dadalhin hindi kung saan." Bangit ng ama sa mga tao doon na nakiki usisa kanina at tsaka ibinaling ang tingin sa kanya "Amira, mauna kana ng makapagpahinga kana."Ma awtoridad nitong sabi sakanya kaya wala siyang nagawa kundi ang tumango at umuwi ng may pagtataka at malalim na iniisip.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD