Chapter 4

1604 Words
Nyx Tanghaling tapat na pero patuloy parin sila sa paglalakad ng lalaki. Sa totoo lang ay kanina pa kumukulo yung tiyan niya hindi niya lang masabi dito dahil nahihiya siya. Luminga-linga ang kanyang mga mata sa paligid at kinakausap ang sarili na sana ay makakita siya ng kahit ano na pwedeng makain dahil palagay niya ay mayroon naman doon. Wala talaga. Napatukod siya sandali at nakitang napapalayo na pala ito sakanya, kahit sa sandaling pagpapahinga lang. Hindi man lang ba siya nito naramdaman? Kani-kanina lang ay ayaw siya nitong tumakas at ngayon parang wala na itong pake..ano ba talaga plano nito? Ang lalaking yun! Papalayo ng papalayo na ito at deadma parin. Hindi siya makalakad dahil sa halong pagod, gutom at pagka-uhaw. Gusto na talaga niyang sumuko. Mamamatay talaga siya dito at apaka walang puso naman ng lalaking yun kung iiwan siya rito mag-isa pagkatapos isama. Naitampal niya ang kanyang noo dahil sa mga walang kwentang pag-iisip ng kung ano ano. Ngayon lang niya nalaman na may ganito pala siyang ugali. Simula nang makasama niya yung lalaking yun ay napadalas ang pag-iisip niya ng negatibo o di kaya siya mismo ay nagiging negatibo na. At kahit sa kanyang papanalita ay napansin niya na palagi siyang galit dahil ginagalit naman talaga siya nito. O siguro gutom lang.. kaya siya nagkakaganito. Hindi na siya sumigaw dahil alam niyang mapapagod lang siya lalo at mawawalan ng lakas. Nag unat muna siya sandali at napagdesisyonan na sunsundan ito ngunit sa muling pagtingin niya sa malayo ay nawala na ito. Nakaramdam siya ng kaba dahil sa pag-aakalang iniwan na siya nito. Kinalma niya muna yung sarili at sinubukan na hanapin ang kasamang lalaki pero wala talaga. Napa tagis bagang siya at mga ilang minuto lumilinga linga pero hindi parin nakikita yung kasama, kaya mas lalo lang siyang kinabahan.. "Stay there. Don't leave." "Ahhh!" Napatalon at napasigaw siya ng malakas sa kanyang kinatatayuan dahil gulat sa narinig sa loob ng tenga niya. Napahawak siya sa dibdib ng maramdaman ang pagpintig ng sobrang bilis. Bigla siyang nanigas sa kanyang kinatatayuan ng marinig ang umalingawngaw na putok ng baril sa malayo. "f**k! Hey...u alright there?" Boses na galing doon sa kung anong kinabit sa tainga nya. Hindi siya makasagot dahil pagkatapos non ay sunod sunod na ang putokan ng mga baril sa kung saan habang siya ay naestatwa parin sa kinatatayuan dahil sa kaba at hindi alam ang gagawin. Bumalik sa alaala niya ang nangyari kagabi. Yung putol ng mga baril at pag sabog ng mga kabahayan sa kanyang lugar at hindi maiwasan ang pagtulo ng luha habang natutulala parin. Inaalala niya ang mga tauhan doon..mga kakilala, yung kaibigan niyang si Lora at yung Ama niya! Sinubukan niyang kumalma at pinipigilan ang sarili sa pagsigaw tuwing may nagpapaputok, kaya ng makita ang pagsabog ng bomba sa kalayuan ay napasigaw nanaman siya ngunit agad rin niyang tinakpan ang kanyang bibig. "Respond Amira.. Ouch! Damn it!" Desperado nitong tanong at tingin niya ay nagmamadali ito at hindi mapakali. Nanginginig ang kamay na hinawakan ang tenga na kung saan nakakabit sa loob ang hindi halos mahalatang bagay na naroon. Kailan ba to ikinabit sakanya? Lakas loob niyang ibinuka ang mga labi at mahinang nagsalita ngunit naroon parin ang panginginig. "N-Nasaan k..ka? bakit m-mo akong iniwang n-na mag isa dito.." "Don't leave there. You're on the safe spot right now. Babalikan kita mamaya.." Sabi nito at mukhang abala sa pagtatakbo dahil parang hinihingal pa ito. Diba may sugat ito? Paanong.. "U-uhm..b-bilisan mo.." utal niyang sambit "M-Mr...Mr n-naririning mo ba ako?" Hindi na siya nito sinagot. Kinabahan siya. Baka kung ano na ang nangyari dito.. "H-Hello? Mr! Nandiyan ka pa ba?" Napa buntong hininga siya. "Uhm B-Babe?!" Namilog ang mga mata sa huling nasabi. Agad siyang nagulat dahil sa pagputok ng baril na galing doon sa tenga niya. Ano yun natamaan na ba ito!? Nagpanic na siya pero natigilan nang nag salita ito. "Seriously? I'm focusing. Binigla mo ako dun ah" Kumunot ang noo niya, anong nakakabigla doon sa sinabi niya? Yung pangalan ba nito? Sabagay.. pati nga siya ay hinding hindi parin sanay na ganun itawag dito. "May nakakabigla ba sa sinabi ko?" Takang tanong niya "Yeah." "Sabihin mo nga saakin..sino ka ba talaga?" "We'll talk about that later." "Nakakainis ka na!" "Bear with me. I'll explain it to you lat- s**t! you fucker!" Sigaw nito sa kabilang linya. Muli siyang napatalon sa gulat dahil sa pagputok ng baril doon. Wala na bang katapusan to? Hindi na nakapagtimpi si Amira at kahit na takot ay sumulong siya. Ayaw niya sa lahat ay wala siyang ginagawa kaya hanggat maari ay siya na mismo ang maghahanap sa lalaki. Pakiramdam niya kasi ay nagiging pabigat nanaman siya. Kahit na nanghihina dahil sa pagod at gutom ay tinakbo parin niya ang daan. Bahala na na kung saan siya dadalhin ng mga mga paa niya. Tuwing may nagpapaputok ay napapasindak siya kaya sa kakatakbo ay hindi niya nakita ang baging na nakaharang sa dinaraanan kaya siya napa subsob sa lupa. "A-aray.." naiiyak niyang sambit dahil sa masakit iyon. "Hey..what happened?" Nagtatakang tanong ng lalaki sa kabilang linya. "I'm going back there. Hey you hear me?" Hindi niya iyon pinansin. Sumubok siyang tumayo pero hirap na hirap dahil nakaramdam ng hapdi doon sa mga binti. "Amira answer me!.. don't you dare leave that area." Mariin nitong sabi. Hindi ko ulit siya pinansin at itinuon na lamang ang atensyon sa paghahanap ng pwedeng gawin para makatayo doon. Ng makakita ng sanga sa gilid niya ay hindi na siya nagdalawang isip pa at agad naman niyang itinukod ang kamay doon. Ngunit pagkatapos niya kumapit ay bigla itong nabali at sa kanyang kaba ay napapikit na lamang siya at hinanda ang sarili sa panibagong sakit sa katawan. Ilang segundo bago niya naramdaman ang katawan na bumagsak. Pero hindi siya nakaramdam ng kahit anong sakit sa katawan. Possible ba yun? Marahan siyang nagmulat at unang nakita ang kulay berde na mga mata ng lalaking sumagip sakanya mula sa pagkahulog. Diyos ko po. Anghel ba to? Napakurap siya bigla sa mga pinag-iisip at ng mapagtanto na hindi niya pala ito kilala ay nagpupumiglas siya pero mas lalo lang humigpit ang hawak nito sakanya. "Where are you? I'm here! Tumakas ka ba!?" Sigaw ng kilala niyang lalaki sa kabilang linya. Hindi niya ulit ito pinansin at ibinaling muli ang atensiyon sa lalaking bumuhat ngayon sa kanya. Naramdaman niyang lumuhod ito doon at pinaupo siya sa nakahilay na punong kahoy ng biglang itinukod nito ang dalawang kamay, dahilan kung bakit nasa pagitan na siya nito ngayon. Nagulat siya sa ginawa ng lalaking kaya hindi siya kaagad nakagalaw. "A beautiful maiden lost in the woods.." Namamaos nitong sambit. Namilog ang kanyang mga mata. Kung sa tamang pagkakataon siguro niya ito nakita ay kanina pa siya kinilig..pero parang may mali talaga siyang nararamdaman para dito. "What the hell!?" Napabaling ang tingin niya doon sa lalaking kararating lamang. Galit na galit ito at sa unang pagkakataon ngayon lamang niya iyon nakita. Oo nakita ko siya nagalit pero hindi ganito kalala at sobrang nakakatakot pala na hanggang siya ay hindi na makagalaw sa kinauupuan. Sa hindi kalayuan ay nagbabaga ang mga matang lumapit sa gawi namin at nang makalapit ay bigla nitong hinila ang lalaking sumagip sa kanya kanina at sinipa ng napakalakas sa sobrang galit dahilan kung bakit napatumba ito sa harap nila at nakayukong hinhawakan ang mukha. Hindi siya makasigaw dahil sa sobrang pagkabigla kaya wala siya talagang nagawa dahil hindi naman siya makatayo doon. Muli nitong pinatayo at mariin na hinawakan sa kwelyo ang lalaking kulay berda ang mata na ngayon ay putok ang labi pero nakangisi at parang walang nararamdamang sakit sa pagkasipa sa kanya. "Nice to see you alive..Nyx" sarkastiko sambit ng may kulay berdeng mata na lalaki Nyx? Nakita niya na mas lalo lamang nagalit si Mr. Kulay abo ang mata kaya niya ito sinutok ng malakas at parang siya pa yung nasaktan para doon sa isang lalaki. Tumayo na ito doon at nakita niya ang pag silay ng nakakatakot rin na tingin pabalik doon sa kay Nyx kung tama siya. Pinahid muna nito ang dugo at nagsuntukan na nga silang dalawa doon. Nakita niya kung paano pumaibabaw si Nyx doon sa lalaking berde ang mata at nakamamatay ang suntukan at atake ang binibigay sa isat-isa. Ng hindi na niya kinaya ang eksena ay sinigawan na niya ang mga ito. "Tama na!" Pilit siyang tumayo doon. . Nga maibalanse ang katawan ay pa-ika ika siyang lumapit sa dalawa, at ng makakuha ng tiyempo ay hinuli niya ang kamay ni Nyx na isusuntok sana muli sa mukha ng lalaking berde ang mata. Binalingan siya nito at tinignan ng masama bago tumayo mula sa pagkakaluhod kakasuntok doon sa lalaki. Hinuli nito ang kamay niya at nakakapasong tinignan sa mga mata bago ito na salita. "You know him?" Marahan siyang napailing dahil hindi naman talaga niya kilala ang lalaking berde yung mata. "Don't scare her Norieg-" Nabitin ang lalaki sa sinabi ng muli itong sinipa ni Nyx sa mukha na siyang ikinabagsak nito sa lupa. Mas lalong dumugo ang putok na labi ng lalaking berde ang mata at pinukol ng masamang tingin si Nyx. "The f**k!?" Sigaw nito habang pinapahid ang dugong nasa labi. Hindi na niya nakita ang reaksiyon ni Nyx dahil sa likuran siya nito, pero ramdam niyang galit talaga ito. "Shut up!.. you! " pabitin na sambit ni Nyx doon sa lalaki bago niya ito sinipa muli at napahiga ulit sa lupa at tinapakan siya nito ni Nyx sa dib dib ng mariin, at tinutok ang baril na binuot kanina sa likuran. "I'll definitely kill Lucien Alarie."

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD