Chapter 37

1923 Words

Ala una pasado na nang makarating kami sa bahay nila. Ako ang unang sinalubong ni Donya Guada ng yakap lalo pa nang makita niyang may dala akong Leche Flan, nakakatuwa pa nga kasi nagpaluto siya ng Carbonara. Akala ko ay hindi niya alam na ngayon kami papasyal sa kanya, pero nasabi pala ni Havoc kanina, tumawag daw siya para sabihin na pupunta kami ngayon kaya nagpahanda siya ng Carbonara kay Nanang Flor. “Bakit ngayon pa kayo bumisita? Sana ay nagpahinga na muna kayo, ikaw Havoc, sana ay hindi ka na muna pumasok sa trabaho,” saad ni Donya Guada. Kasalukuyan kaming nakaupo lahat sa L-Shaped na sofa sa terrace nila. Hindi na muna namin pina-serve iyong Carbonara dahil halos katatapos lang naming kumain ng tanghalian. “Okay lang po, Lola, nakapagpahinga na naman po kami kagabi,” sagot ko

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD