Chapter 42

2221 Words

“Okay ka na ba?” mababa ang boses na tanong ni Tita, nandito ako ngayon sa kuwarto ko at nakaupo sa kama, pilit naman akong ngumiti at tumango sa tanong niya. Halos katatapos ko lang umiyak at hindi ko alam kung gaano iyon katagal. Naikuwento ko na rin kay Tita kung ano ang nangyari. Alam ko naman kasi na pipilitin niya akong magsabi sa kanya lalo pa at mukhang nag-aalala talaga siya. “O-Opo, Tita, pasensiya na po,” garalgal ang boses na sagot ko, nagbuntong hininga naman siya at tumango. “Ikaw naman kasing bata ka, bakit mo ginawa iyon? Normal na sa taong nasasaktan na gano’n ang maging reaksiyon,” mapait akong ngumiti sa sinabi niya. “Tita, bakit kailangang maging parte ng pagmamahal ang sakit?” hindi ko alam kung bakit iyon ang naitanong ko. “Bakit kailangang masaktan kapag mahal mo

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD