Chapter 40

2010 Words

Nang makita ako ni Manong Guard ay pinapasok naman niya ako agad. Hindi kagaya nung unang beses na magpunta ako rito na hinanahapan pa ng pass, nakangiti pa siya nang makita ako at ang dala ko. “Ipagdadala niyo po ata ng tanghalian si Mister, Ma’am?” Ngumiti na lang ako at tumango. “Opo, Kuya, wala kasi akong ginagawa sa bahay,” ngumiti naman siya at tumango. “Sige po, Ma’am, pasok na po kayo,” magalang na saad niya kaya iyon ang ginawa ko. Nang makapasok na ako ay agad ko namang nakita si Havoc sa lobby na parang hinihintay ako. Nang makita niya na rin ako ay agad siyang ngumiti at masaya akong sinalubong. Hindi na ako nagulat nang yakapin niya ako at halikan sa kaliwang bahagi ng pisngi. Ramdam ko kasi ang tingin ng maraming tao. “Hinintay kita rito, baka kasi hindi mo alam kung sa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD