Chapter 16

2169 Words

Tahimik kami ni Havoc nang sumakay na kami sa sasakyan niya para makabiyahe na. Sa tingin ko ay alas siyete na iyon ng umaga. Siya ang nagbuhat ng mga gamit namin at nagdala no’n sa trunk ng sasakyan niya. Bago nga kami umalis ay tinignan pa niya ang mga inilulan kong gamit niya sa bag, siguro nang mapansin niyang okay na ang mga iyon ay isinara naman niya ulit agad. Nakukunsensiya ako sa pagsisinungaling kanina na sumakit ang tiyan ko dahil sa hot sauce, pero kagaya ng sinabi ko ay gusto kong matuto siya. Paano ba naman akong hindi makukunsensiya ay hanggang ngayon mukhang malungkot pa rin siya at nag-aalala. Hindi siya nagsasalita, hindi niya ako kinakausap pero ramdam ko ang paminsan-minsan niyang tingin sa akin habang nagmamaneho siya. At gaya ng dati, wala rin naman akong alam sab

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD