Chapter 15

2193 Words

Marahan kong iminulat ang mga mata ko kinabukasan nang makarinig nang mahihinang boses na nag-uusap, parang may pinapagalitan na hindi ko masabi. Bahagya pa akong napangiwi nang maramdamang medyo masakit ang likod ko. Bigla kong naalala na natalo ako sa pik-pak-book namin ni Havoc kagabi kaya ako ang natulog sa sofa. Sobrang lakas nga nang tawa niya at patakbo pang pumasok sa kuwarto pagkatapos naming kumain. Ang daya ng isang iyon, ni hindi man lang ako binigyan ng chance na makabawi. Samantalang nung ako tatlong beses pa naming inulit. Agad akong napaupo sa sofa nang makita si Donya Guada na nakatingin sa akin, maging si Nanang Flor, tapos ay nandoon din si Havoc na nakakunot pa ang noo. Naka-white na tee shirt lang siya at isang kulay itim na boxer shorts. “Nagising tuloy siya, ang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD