Episode 2

1498 Words
Episode 2 Dumb Alessa Magcalas I am brushing my hair in front of my mirror table. Tila sa mga nagdaan na taon ay hindi na naasikaso ang sarili ko. The eyebags are too obvious, masyadong mabigat na parang kaunting segundo lang ay bibigay na. My lips are dry, parang hindi na kayang remedyuhan ng lip balm. Noong minsan kasi na bumili ako ng skin care ay agad akong naipagbintangan ni Blake na may lalaki. Tandang-tanda ko pa ang araw na iyon. Ang sabi niya wala raw akong karapatan na maghanap ng iba. Itinali ko raw siya sa kasal na ayaw niya. At ganoon din ang gagawin niya sa akin. And that day, hindi ko na sinubukan maski bumili ng lipstick... He will just gonna throw it away. At bibigyan ako ng masasakit na salita. At least he never tried to hurt me physically. But I am so tortured mentally. Sabado at walang pasok ang anak ko. Kakagaling ko lang sa grocery kanina. Ibinili ko ng paboritong marshmallows ang batang makulit. Kasalukuyan na nanonood si Blaize ng cartoon. Hindi ko na inililipat ang channel sa iba at baka makita pa niya ang mga balita about sa ama niya, at ang pakikipagdate nito sa artista niyang Girlfriend. Isang linggo ng hindi umuuwi siya. Ang alam ko ay nag-Europe tour silang dalawa ni Denisce. Kaya kaming dalawa lang ng anak ko ang narito. Mabigat para sa akin ang lahat. When the man that you love is happier on another girl, bonus pa na masakit yung katotohanan na hinding-hindi niya ako kayang tapunan ng ngiti. He can't smile for me the way he smile to her. Yeah, probably... I am so helpless, and hopeless. It feels beyond pain and suffering. I don't know until when I can hold it on. Secluded ang subdivision na tinirhan namin. He can't afford to let us expose. He is too influential na kahit trace man na nakasal na siya at may anak na siya ay walang lumalabas... He knows what he plays, and this game, is too much. Kumukulo na ang niluluto ko. Ginataang kalabasa at nagprito ako ng manok. My son loves vegetables and chicken. Habang hindi masikmura ni Blake na kainin ang luto ko. I remember one time na niluto ko ang paborito niya, and he said awful things na kung maaari ay magpa-deliver na lang kami ng dinner. Hindi niya raw kasi masikmura ang lasa. "Anak, come here. Table is ready." Magiliw na pumunta na ito sa hapag. He wash his hand at siya na ang namuno sa pagdadasal namin bago kumain. Magiliw kaming kumain. Bagay na hindi namin kayang gawin sa tuwing narito SIYA. "Ma, your cooking are the best! Specially fried chicken." Sabay subo nito ng malaki sa piraso ng karne ng manok. I chuckled at saka pinunasan ang gilid ng labi niya. "Eat slowly young man. You don't want to choke right?" "Okay Mom." Inililigpit ko na ang pinagkainan at nilalasap na namin ang dessert na ginawa ko which is baked cupcake na iba-iba ang flavor. We both love the red velvet one. Tumunog ang cellphone ko at may request ng videocall. Zach is on the other line. "Hi Zach!" Ngumiti ito ng pagkagwapo-gwapo. Hindi na kataka-taka that way back on our college days ay siya ang bukang bibig ng mga babaeng estudyante sa Dominicus University. "Hello my beautiful best friend," pagbati nito with his signature playful smile. Agad kong sinamaan ng tingin ang asul na mata niya, nakuha niya iyon sa British niyang ama. "Huwag gano'n kapatid. Hindi lang ako ang beautiful sa paningin mo. Pakingkero." Umakto siya na tila nasasaktan. E kung tadyakan ko kaya siya? Kaso malayo e. Kasalukuyan itong nasa Italy para sa ginaganap na launching ng bagong brand ng mga damit ng kanyang sariling clothing line company. "That isn't true, ikaw lang sapat na Alessa." Ayan na naman siya sa mga banat niya. Kung hindi pa ako nasanay sa mga iyan, matagal na siguro akong hulog sa kanya. Pero kilala ko na siya noon pa man. Trio kami nila Marcel. Si Marcel na queen bee, si Zach na playboy prince at ako na nobody. "Ay ewan ko sa iyo. Ito ang inaanak mo at parang gusto kang kausapin." "Hi po tito ninong Zach!" Bati agad ng anak ko. Malapit sila sa isa't isa. Alam ko na pinagbabawal ni Blake Son na makipagkita ako sa iba. But Zach is an exception! He is my long time friend. Wala naman siguro itong malisya. And as if na binabakuran ako ng asawa ko, e halos iluwa na nga niya ako e. "Hey buddy. How's your studies?" Todo ngiti si Zach. Kung tutuosin ay mas naging ama pa itong si Zach kaysa kay Blake. I remember the day na saktong magla-labor na ako. Halos mamilipit ako sa sakit at pumutok na ang aking panubigan. I tried to reach Blake, but he is nowhere to be found. Nasa date pala siya noon kasama ang girlfriend niya. Kaarawan niya kasi noon. At ang only choice ko na lang ay ang tawagin si Zach. Hindi ito nagtubili na sunduin ako sa bahay. Siya at si Marcel ang kasama ko sa halos ilang oras ko na panganganak. Pero walang anino ni Blake akong nakita. Ayaw ko na lang isipin ang nakaraan. Masyado ng bumibigat ang dibdib ko. Masyado ng maraming luha ang pumatak ng dahil sa asawa ko Mukhang tapos na silang mag-usap at ibinalik na ng anak ko sa akin ang cellphone ko. My child excuses at pumunta na siya sa living room para manood ng cartoon. Noong kaming dalawa na lang ni Zach ang nasa videocall ay naging seryoso na ang aming usapan. "Alam mo naman na kasama si Denisce sa mga model ng damit ko diba Al? Nandito rin ang asawa mo at sinusuportahan siya." Tila nanuyo na naman ang aking lalamunan. May bagong bigat na naman akong nadarama sa aking dibdib. And it is painful... Akala ko wala ng sakit kasi nasanay na rin naman ako. " A-Ayos lang..." Pag-aalo ko na lang. Hindi para sa kaibigan ko, pero sa sarili ko. Higit pa sa limang taon na akong nagtiis at makailang ulit kong sinabi ito sa sarili ko... It is not as if hindi pa ako sanay. Sanay na sanay na nga akong masaktan e. Galit naman si Zach na napatingin sa kawalan. "Walang ayos doon Alessa, ikaw yung legal na asawa. Ipaglaban mo naman yung kaligayahan mo. Bitawan mo na yung tanginang gago na iyon!" Hindi ko na mabilang kung ilang beses na niyang sinabi ito. Ang kanina'y nagbabadya kong luha ay kusa na lang na nilandas ang aking pisngi. Natataranta naman na tumingin sa akin si Zach through vc. " Hooy, Alessa. Huwag mo nang iyakan yung gago na iyon. Uy." Kunwari ay mas lalo kong nilakasan yung iyak ko. Mabuti pa itong mokong na ito napapasaya ako. Minsan nakakadepress din siya. "O-Okay na ako. Ikaw kasi e." Kunwari'y paninisi ko sa kanya. "Hala? Ba't ako Al? Ako ba may babae?" Sinimangutan ko na lang siya at pinatayan na ng tawag. Mang-aasar na lang kasi iyon. Akala mo naman talaga hindi siya babaero o palingkero. Sinimulan ko ng hugasan ang pinagkainan namin. Halos ganito lang ang life cycle ko. Kailangan na lahat ng gawain sa bahay ay gagampanan ko. Ayaw kasi ni Blake na kumuha ng katulong. Baka raw may makaalam pa sa sikretong pamilya na ito. Ayaw niya na madagdagan pa ng mga taong pwedeng sumawsaw sa amin. Matapos patuyuan ang mga plato sa puting basahin ay sinimulan ko ng samahan ang anak ko. He looks enjoying watching. Alam ko na may emotional and psychological impact sa anak ko ang ginagawa ni Blake. My son is too aloof for his age. He is antisocial, silent and not so friendly. Mas nanaisin nito na manood, mag-laro sa kanyang tablet o magbasa ng libro. Marahil ay sa paalala ni Blake sa kanya. That my son should not tell about him being his father. Hindi naranasan ng anak ko na batiin siya ng kanyang ama noong kaarawan niya, sa bawat kaarawan niya actually. Hindi naranasan ng anak ko na mabuhat man lang ni Blake... Mahagkan. Pinagkait lahat iyon ni Blake. Danas ko rin iyon. Sa kaso ko ay wala talaga akong kinalakihan na ama. My mother was r***d by a Chinese guy, hindi na muling nakita yung lalaki. Galit na galit daw noon ang lolo ko. Nag-iisang anak ni mama at babae pa. Tapos kung sinong Intsik na putok sa buho lang ang lalapastangan sa anak nila. Hindi ko naranasan ang magkaroon ng ama, and I know that it is not easy. Pero iba ang nararanasan ng anak ko. Blake is physically here sometimes, pero wala rito ang puso niya. At sa ginagawa ni Blake ay nagtatanim ito ng galit at pagkamuhi sa puso ng anak niya! At baka lumaki ang bata na malayo ang loob sa kanya. Ako na lang naman ang kumakapit sa pamilya na ito e. Hanggang kailan pa ba? Lagi ko na lang tinatanong sa sarili ko. Am I too dumb to notice that I am just destroying it all? 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD