Episode 3

2015 Words
Episode 3 Acknowledgement Alessa Magcalas Nang makabalik na si Blake dito sa Pilipinas ay umuwi lang ito saglit. Katulad ng dati ay tila yelo pa rin ang pakikitungo niya sa amin. He just changed his clothes. Kinuha ang susi ng sasakyan kahit gabi na at sa condominium ng girlfriend niya siya pupunta. Hindi ba sila nagsasawa sa mga mukha nila?! Hindi na iyon bago. This house for him is not his home, not his place and never gonna be. Tila hangin lang ito na susulpot at aalis. Kalimitan ay nagiging bagyo pa. Kami ang sumasalo sa galit ni Blake sa tuwing nag-aaway sila ni Denisce. Blake really love Denisce. May mga panahon nga lang talaga na binulag ko ang sarili ko. I always remind my self that I am the legal wife, ako ang mas may karapatan. But rights will remain rights kung hindi mo naman ito ipaglalaban sabi nga ni judge na naging prof ko sa subject ko na Obligation and Contract noong nasa college pa ako, accounting ang kurso ko noon e. Hindi ko pwedeng ipangalandakan na may karapatan ako. Dahil matagal na iyong tinapakan ni Blake. My rights is just a privilege for him. "Tara na anak. Sleep na tayo." Hinilamusan ko muna ang anak ko. We change our clothes on a more comfortable one. Nagtimpla ako ng warm milk para mas makatulong sa mas madali naming pagtulog. As usual ay hindi natutulog sa silid namin si Blake. Karaniwan pa kapag umuuwi ito ng lango sa alak ay nasa guest room pa ito. This bed is so cold every night. Ang kayakap ko lang ay ang aking anak. Anak ko na lang ang nagbibigay ng ginhawa sa puso ko. Kung may isang bagay lang ako na hindi pinagsisisihan ay ang mabuo si Blaize. My son is a loving child, masunurin, mabait, gwapo, hindi ako binibigyan ng sakit sa ulo kasi nauunawaan niya na marami na akong dala-dala na pasakit. Matapos maubos ni Blaize ang milk niya ay pinahiga ko na ito at tinakpan ng kumot. I turn off the light at binuksan na lang ang lampshade. Kinumutan ko na siya at tinabihan. Tahimik na, akala ko ay tulog na ang anak ko when he suddenly spoke about something na mesdyo ikinabigla at disturb ko. "Mom sorry..." Mahina at malungkot ang boses ng anak ko. Humarap ako sa kanya at masuyong sinuklay gamit ang mga daliri ko ang buhok niya. "Sorry for what baby?" tanong ko sa mahinang boses. "Sorry for having me. You feel so difficult and hurt because of daddy. If hindi po ako nabuo. Baka sana masaya po kayo." Garalgal ang boses ng anak ko. Para akong tinamaan ng instant na kidlat. Halos mapatid ang hininga ko. This words came from my almost six year old son! "Anak! Bakit mo sinasabi iyan?" Napaupo ako sa kama at yinakap ang umiiyak kong anak. Napaiyak na rin ako, hindi ko na napigilan na mailandas ang aking mga luha. Ayos lang sa akin na mahirapan at masaktan. But not my son! Not my child... Hindi ako makapaniwala na ganito na ang iniisip ng anak ko... Ito na ba ang epekto ng desisyon ko? Na ituloy pa rin ang pagsasama namin ni Blake kahit wala ng kabuluhan? That all this time I am f*****g busy chasing Blake ay tila naaapektuhan na sa ibang aspekto ang anak ko? He think that he is worthless, that he should not exist on the first place. Pinunasan ko ang luha ng anak ko. Masuyo akong nagsalita... Maingat at binigyan siya ng yakap ng isang ina. "Blaize, listen baby ha? Pain is normal anak. It is part of our life. At huwag na huwag mong sasabihin at isipin that you brought this pain. You didn't cause this anak. Sa katotohanan ay baka kung wala ka ay baka mas lalo na akong miserable. Baka mas lalo na akong lugmok. Baby sa iyo na lang humuhugot ng lakas si mama ha? You are his only treasure. Always remember that?" Tila malaman at madamdamin na pahayag ko sa anak ko. Tumango naman ang anak ko ng bahagya. "I love you Mama." "Mama loves you too. Never forget that." Kinabukasan ay maaga akong nagising upang makapagluto ng almusal. Sapat lang para sa aming dalawa sapagkat mukhang nagpaaga na naman si Blake sa kanyang kasintahan. As if hindi pa ako sanay. Madalas naman siyang wala, madalas siyang nasa taong mahal niya. Mas madalas na ganoon ang ganap. Pero kinakaya ko pa naman. Akala ko noong high school, sa mga nababasa kong pocketbook lang mayroong mga martir na bida. Never did I imagine na magiging isa rin ako sa kanila. I just notice na kumukulo na ang takure, mukhang gising na rin ang baby boy ko. Marunong na siyang maligo ng sarili pero ako pa rin ang nagbibihis sa anak ko at siyempre pinupolbohan ko yung poging binata ko. Matapos ang lahat ng rountine ay kumain na kami. I just cook pancake at nilagyan ng chocolate syrup at strawbery slice. Habang kumakain pa ang anak ko ay sinimulan ko ng contact-in si Mary, na assistant ng asawa ko. Ayaw kasing ibigay ni Blake ang phone number niya sa akin. He hates the thought na ibinibigay niya sa akin yung mga personal na bagay patungkol sa kanya. S-Sabi pa nga niya, kung may choice ito ay hinding hindi niya ilalapat sa akin ang apelyido niya. Kaya ayon madalas kong kinokontak na lang ang sekretarya niya para sa mga pangangailangan namin ng anak namin. "Hello Mary, magandang araw sa iyo." Pagbati ko sa kabilang linya. "Ay, hi Ma'am. Bakit po iyon? Wala pa po si sir Blake dito sa opisina Ma'am... K-Kasama pa ata si Denisce demonyita." Naging kaibigan ko na rin ito. Matagal na siyang assistant at secretary ni Blake. Kwela si Mary at isa siya sa mga taong alam ang kwento ko. Kung ano nga ba ako sa buhay ni Blake. " Alam ko naman iyon e." Malungkot na pagsasabi ko. "Ikaw naman kasi Ma'am e. Noon pa chika ko na, na wala kang mapapala sa boss kong kinulam ni Denisce dimunyu," aniya sa palakaibigan na tinig. "Hayaan mo na. Nandito na e. Ang tanong ko pala ay, anong gagawin ni Blake sa birthday niya?" Sa susunod na buwan na kasi ang kaarawan niya. Sa ilang taon na pagsasama namin, o kung matatawag na pagsasama nga ba ito. Never ko pang naranasan na maging parte kami ng kaarawan niya. Nagbabakasakali na naman ako na baka may magbago ngayong taon. Sabi nga nila, walang matigas na tinapay sa mainit na kape. "E Ma'am, balak niyang i-spend ang time niya with his family and his girlfriend- Denisce dimunyu sa Japan." Hindi naman nakakabigla iyon e. Pero malaki pa rin yung impact sa akin. Nais ko lang- namin ng anak ko, na kahit minsan ay maging parte ng mga espesyal na araw sa buhay ni Blake. Gusto lang naming maranasan ang pasko at bagong taon na nasa bahay at masayang pinagdiriwang ito. Ang kaarawan ng anak namin. Pero tila hanggang pangarap na lang ang lahat. Pagkatapos kong maihatid ang anak ko ay naisipan ulit namin na mag-SB nitong si Marcel. Pwede pq naman siyang magkikilos at limang buwan na ang nasa sinapupunan niya. "Musta na my marupok na friend?" Bungad niya agad. Kahit kailan talaga! "Mas magiging marupok pa Marcel. Akala mo ha?" aniko naman na hindi na sineryoso ang mga sinasabi niya- silang dalawa ni Zach. "Ibinalita na sa akin ng friend nating si Zach ang ganap sa asawa mong si Blake! Ang dami niya talagang time na harutin ang jowa niya, e may asawa na siya." Galaiti nito. Lagi naman siyang ganyan, mas affected pa iyan sa akin. Palibhasa ay magmula ng high-school, magkapatid na ang turingan namin. " Wala namang alam si Denisce na kasal sila. At saka hayaan mo na wala naman ng bago e." Pag-aalo ko na lang. Ayaw ko na lang isipin ang mga ganap ganap na iyan. Mas lalong sumisikip ang dibdib ko sa sakit e. Parang pinipiga na hindi mawari. Ganoon lagi ang nadarama ko sa tuwing nasasampal ako ng katotohanang, hindi ako kayang mahalin ng lalaking pinakamamahal ko. Simangot naman na bwineltahan ako nitong frenny ko. "Girl! Iyon na nga, kasalanan ni Blake lahat... May asawa na- parang binata pa rin kung umasta! Haynako! Ikaw ang ni-legal. Kung gusto mong magstay sa buhay niya, fight for it! Go for banana! At kung hindi na talaga effective, edi makipag hiwalay ka na," aniya. " Oo na frenny, memorize ko na iyan. Haha." "Sige nga recite mo?" seryoso na sabi niya "Gaga joke lang. Hala at um-order ka na lang ng cupcakes ko." Although kaya kaming punan ni Blake in terms of financially, hindi ako lubusang umaasa sa pera niya. Businesswoman din ko kumbaga. May sarili akong mga branch ng mga dessert shop sa mga kilalang malls at lugar. " Maki paghiwalay ka muna. Bibili ako ng halagang milyon. Pramis." Sabay tawa at ngisi niya. Inis akong napabusangot. "Huwag na nga!" Matapos ang usapan namin ay pumunta na ako sa mga branches ng shop ko. Nag-check ng mga status at saka na sinundo ang anak ko bandang tanghali na. Nang makauwi kami ay bigla kaming natahimik. Nasa bahay na pala si Blake. Nakatingin sa kawalan at umiinom ng alak. He turns on the television, saka nilipat ang channel kung saan kasalukuyan na pinapalabas ang girlfriend niya. Nilapitan ng anak ko si Blake. "D-Dad, may pinapanood po akong cartoons." Matigas at malamig ang titig niya sa anak ko. Ibinigay ni Blake kay Blaize ang tablet. "Watch that on YouTube. Don't bother me." ''Pero s-sinusubaybayan ko po diyan e." Tila bulkang pumutok ang galit ni Blake sa anak namin. " HINDI KA BA MAKAINTINDI? JUST WATCH IT THERE! ON THE TABLET! MANANG MANA KA SA NANAY MONG INUTIL!" Tila nanigas ako sa kinatatayuan ko. Nakita ko kung paano sigawan ni Blake ang anak namin. And my son looks afraid and shock. Tila nabigla rin si Blake sa ginawa niya pero huli na ang lahat at nahimatay ang anak namin. " Blaize anak!" Para akong nanginig sa galit at takot. Hindi ako makapaniwala na kayang gawin ito ni Blake! Binuhat ko ang anak ko at akmang aagawin ito ni Blake ng sigawan ko siya. "DON'T TOUCH ME! ANO NA NAMANG GINAWA MO BLAKE. SANA PINAGPASENSYAHAN MO NA LANG YUNG BATA! BATA IYAN E! HINDI LANG BASTA-BASTA BATA! ANAK MO IYAN! ISASAMPAL KO LANG SANDALI SA MUKHA MO HA?!" Nagmamadali akong pumasok sa kotse at pinaharurot ito. I also contact Zach. Litong lito na ako. Damn it! Not my son! Just not my son. Pilit akong nagpakatatag at ikinalma ang sarili ko habang nasa biyahe. I need to stay calm... I nees to focus on driving. I put my airpods on my ear at saka tinawagan si Zach. "Z-Zach... Something happened to my son, please puntahan mo kami sa ospital." "Ha?! Saang ospital! Sige sige pupunta na ako agad!" Nang makarating kami sa private hospital ay agad dinala na sa isang kwarto ang anak ko. Nagstay ako sa labas habang sinusuri ang anak ko. Kung ganito na lang si Blake ay hindi ko na kakayanin na isugal pa yung anak ko. Blake cause to much for me! Wala na siyang naidulot kundi sakit at pasakit sa amin. Siguro oras na para itigil ko na itong kahibangan ko. Bilang isang ina ay tila nasampal ako sa nangyari kanina. Hindi bali ng hindi mabuo ang pamilya na ito! Hindi ko na maatim. Habang naghihintay ako sa labas ng silid ay naiiyak na lang ako sa labis na frustration. At kahit na natatakpan na ng luha ang mata ko ay naaaninag ko ang bulto ni Blake na papalapit sa akin. "How's my-" Hindi ko na siya pinatapos sa pagsasalita at kusa kong pinadapo ang sampal sa mukha niya. Galit na galit ang puso ko! Nasusuklam ako. "Ano pa bang ginagawa mo rito?! Hindi ka namin na kailangan dito! Sana naman naunawan mo na lang yung bata. Kahit na hindi na acknowledgement e... Kahit sana inisip mo na lang na sariling laman at dugo mo iyon." Mas lalong pumalahaw ang aking iyak. "Magiging maayos din si Blaize..." aniya sa mahinahon na boses. "Sobra ka na Blake! Hindi na kita kayang intindihin. Hindi ko na kayang pahabain ang pisi ko... Sobra naman yung ginawa mo. Sana sinampal mo na lang ako, sinaktan, binugbog ng pisikalan... Pero nagmamakaawa ako Blake. Huwag naman ang anak ko. Para mo akong pinatay bilang isang ina!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD