Episode 4
Conscience
Blake Son Ferrer
"Blake... Blake! You're doing that again." Tila naiirita na si Denisce sa akin.
After maisugod ang aking anak sa ospital ay dumiretso ako sa condominium. We have a long and steamy s*x. Tila sa sobrang stress ko ay kailangan kong makipag-s*x.
Hindi naman ako kailangan ng babae na iyon. May dumating na lalaki na nagngangalang Zach. So after all this time ay may lalaki pala siya?!
Iyon ba ang ipinagmamalaki niya? That damn guy, ni wala pa nga iyon sa kalingkingan ko.
"Blake! ‘No ba iyang iniisip mo?" My babe Denisce is throwing up tantrums again.
Hinalikan ko ito at saka ako ngumiti.
"It's nothing babe. Medyo stress lang ako sa trabaho."
She smiled. The smile that made me fall in love to her again and again. Magmula noong college hanggang ngayon. Since then, I have her as my girlfriend.
Hindi na ako tumingin sa iba. Why waste being womanizer if I am already contented with my girl. But an uneventful night happened. I've been drown to alcohol drinks dahil sa pag-aaway namin ni Den- at aksidente akong may naikama na babae.
That morning is the day that I felt so miserable. I failed to be a loyal boyfriend at lahat ng galit ay naibunton ko sa taong naging dahilan kung bakit nagawa kong maglihim sa girlfriend ko.
Alessa Magcalas is her name. Sa pagkakaalam ko ay iisang university lang kami nakapagtapos. She is nameless, hindi siya galing sa mga sikat at mayayamang angkan, I just heard that he got on that prestigious university because of the scholarship.
And one fated night, isang gabi na nag-away kami ng girlfriend ko. Hindi ko alam na nalango ako sa alak noon. I remember na may nakasiping akong babae, and I thought it was Denisce that time. Kaya nga laking gulat ko noong ibang babae ang katabi ko sa paggising ko.
Ang dapat nag galit na para sa sarili ko ay ibinigay at ibinunton ko sa babaeng katabi ko. How dare that b***h to use that situation as her advantage?!
Pinagbantaan ko siya, na wala dapat makaalam sa nangyari sa amin. Dahil unang-una ay masisira ang pangalan ko. My family is well known on this city as one of the richest, at iniingatan ko ang reputasyon ko higit pa sa lahat, and I am only planning to stay faithful to my long-time girlfriend. I only promise that Denisce is the only woman I will walk on an aisle.
At sa umagang iyon ay iniwan kong umiiyak ang babaeng dapat ay isang gabi ko lamang na kamalian. But who knows that luck was not on my side that time.
Ang isang gabing pagkakamali ay nasundan ng mas mabigat na kapalaran, sapagkat nagbunga ang kasalanan ko. I tried to ignore her. I don’t want to ruin what I have right that time. Masaya na ako. Masaya na may pera, pangalan, at isang babae na noon pa ay pinapangarap ko. And how dare that woman ruin it?
Lalo na ang lolo niya na nakipag-uganyan pa sa mga kilalang kawani ng gobyerno. He and her granddaughter pulled strings for that shotgun marriage…a damn loveless marriage para lang mapanagutan ko lang yung bata na iyon.
I tried begging, na kaya ko naman na bigyan sila ng sustento, pero matigas ang matanda at gusto na may kilalaning ama ang apo niya.
And so I promise that day that I will make their life for the rest miserable. Our son, Blaize never have my sympathy or love same as her mother, nakikita ko lang ang anak ko bilang isang pagkakamali. Nothing else matter this time but to make them feel worse.
Kung tanungin niyo ay sinadya kong iilang tao lang ang makaalam sa kasalanan na naganap. Even my parents, my siblings and my girlfriend never know what happened that time.
Yung isang tito ko lang na gobernador ang may alam, the rest, wala na.
For the past 5 or 6 years, hindi ko ipinaramdam sa kanila ang salitang pamilya, so why should I feel guilty about what happened?
Nasigawan ko lang yung bata at nahimatay siya. I admit that I felt a little fear that time, yung nahimatay ang anak ko sa aking harapan. Galit na galit si Alessa that time that she didn’t let me help her. Mag-isa niyang dinala yung bata sa hospital.
Sumunod ako, pero nakita ko siyang may kayakap na lalaki. After all this damn time ay may lalaki pala siya! Tapos ayaw niya pa akong pakawalan!
Ewan ko ba at nakaramdam ako ng ibayong galit… that night also became sleepless for me.
Kinabukasn ay sabay na kaming umalis ni Denisce my babe, she got her pictorial, habang ako ay marami pang dapat na gagawin sa opisina.
I am the owner and Chief Executive Officer of Ferrer Corporation. One of the largest multi-purpose company sa bansa, feared by lot of tycoon, sapagkat kung babanggain nila ang kompanya, they know that their business is as good as dead.
Ipinamana sa akin ng aking mga magulang bilang pangalawang anak. My older brother owns a hacienda on Tarlac. My elder sister runs a famous and successful clothing line company in Western. The youngest of us are twin brothers, ang isa ay isa ng sikat na artista habang ang isa naman ay tinahak ang daan sa pagmemedisina.
My family is truly powerful, but my life turns miserable because of just one single woman and my unloved so.
”Sir, free na po ang schedule niyo bandang 3pm after your meeting with one of the investor,” Mary said, my long time secretary and one of the few people na may alam sa buhay ko at sa sikretong pamilya na meron ako.
Napapahilot sentido akong napatango. “Okay Mary…”
”Okay na ba sir si Blaize? I heard the news from Ma’am Alessa…”
I know Mary, she is one of a kind woman. Nakailang palit din ako ng secretary noon. Kung hindi kasi incompetent, may binabalak sa akin na hindi ko gusto. And Mary is an exception from them. Idagdag na lang siguro na asexual ito. She’s a very vocal woman at hindi takot i-express kung anong nasa isip niya, but she knows her boundaries. Ngayon ko na lang narinig na binanggit niya ang sikreto kong pamilya.
“I don’t know, and stop having sympathy on them. Alam mo ang naranasan ko ng dahil kay Alessa.” Giit kong muli. The flame of my anger with them cannot be extinguished.
“My choice of sympathy is none of your concern sir. And I just want to remind you na oo, maaari ay naging isang dahilan kung bakit ka miserable ay dahil kay Ma’am Alessa, pero kasama ba sa dapat mong kapuotan yung bata, and yes sir, it is none of my business. Gusto ko lang talagang mag rant ngayon. Isa rin akong ina sa anak ko, I am a single parent. At alam ko yung sakit na nadarama ni Alessa ng makita niya kung paano masaktan ang anak niya.”
Huminga siya ng malalim at muli ay yumuko ng kakaunti. “That’s all Sir, excuse me.”
Sa sinabi ng sekretarya ko ay mas lalo akong napaisip. Maski sa meeting with my investors ay hindi ako gaanong nakapag isip ng maayos. Marahil ay dahil sa nakokonsesnsya ako… marahil.
Gustuhin ko man na puntahan ang girlfriend ko ay baka may ginagawa pa siya, she is a career woman, and I do understand it.
Hindi ko namalayan na minamaneho ko na pala ang sasakyan ko, pauwi ako sa bahay nila Alessa, hindi ko alam, naguguluhan na ako, ang gusto ko na lang ay makalma ang nakokonsesensya kong puso.
Tila naman ay naghurumentado ang puso ko ng makitang may tao sa loob.
Nakauwi na sila? Ayos na kaya ang bata? Hindi naman ako ganoong kawalang hiya para hindi isipin yung nangyari kagabi. Stress lang ako, hindi ko nais na masigawan yung bata.
Pero ang naabutan ko lang ay si Alessa na nasa kwarto at nag-aayos ng mga damit na ilalagay niya sa bag, hindi pa ba nakauwi si Blaize?
Alam kong alam niya na narito ako sa tabi ng pinto. Pero hindi niya ako tinatapunan ng tingin. Basa pa ang kanyang buhok at namumula pa ang kanyang mata.
Ako na ang bumasag sa aming katahimikan.
“H-How is the kid?” Medyo utal na tanong ko.
“Buhay pa, hindi katulad ng gusto mo…” Walang buhay ang tono niya pero ramdam ko ang galit sa boses niya. Nakaramdam ako sa unang pagkakataon ng takot at galit ng sabay sa unang beses.
“Do you think that I want my son dead?!” Inis na sabi ko.
“Bakit? Hindi ba at iyon naman ang matagal mo ng gusto?” Nakita ko na naiyak na naman siya.
Inis akong umalis sa silid na iyon. I went to the kitchen at naghanap ng malamig na maiinom.
Inisang lagok ko ang nasa baso. Nakita ko naman na sinundan na ako ni Alessa.
Mas kalmado na siya ngayon. Umupo siya sa harap ng dinning table. The way she looks at me, alam ko na may gusto siyang sabihin sa akin.
Kaya naman ako na ang nagkusang loob na umupo sa harapan niya. She looks like she decided something now, at ngayon na ang tamang oras para sabihin niya ito.
”Blake, pumapayag na ako na makipaghiwalay sa iyo,” sabi niya sa akin ng deretsahan. She never holds anymore.
Sa tagal nang pagsasama naming sa iisang bubong na ito. Sa loob ng mahabang panahon ay ito yung mga salitang nais kong sabihin niya. I want her to let me go. I want her to sign the divorce paper.
”R-Really? Do you hear what you are saying?” Paninigurado ko sa kanya.
Muli ay tumango siya. But the next thing she had said is more expected.
“May kondisyon ako Blake…”
Anong kondisyon niya? Gusto niya bang magkunwari ako na mahal ko siya? Pera o yaman? Gusto ko ng marinig, kating kati na akong makawala sa kasal na ito.
“What kind of condition?” tanong ko.
“Iparamdam mo kay Blaize ang pagmamahal ng isang ama. Bago ka man namin iwan ay pabaunan mo siya ng masasayang alaala, ako na ang nagmamakaawa . Alam ko na kinapupuotan mo kami, pero pwede bang ako na lang
“Pwede bang isantabi mo muna yung galit mo? Maaari ba na maranasan ni Blaize lahat iyon? Kahit sa loob lang ng dalawang buwan? ”
Bumuntong hining ako, bago pumayag.