REIGHN SELESTINE Gusto ko siyang paalisin pero mas pinili ko na lang na hayaan siyang manatili dito sa room ko. Pumasok na lang ako sa loob ng banyo para maglinis ng katawan ko. Nagpalit ako ng komportable na pantulog. Paglabas ko sa banyo ay nagtama ang mga mata naming dalawa pero siya ang unang umiwas sa akin. Lumabas puna ako papunta sa kabilang room para kumuha ng damit para sa kanya. May mga bagong damit naman si daddy dito kaya alam ko na kasya lang ito sa kanya. Magkasing tangkad sila ng daddy at magkasing katawan kaya naman sa kanya na muna ito. Ilang segundo rin akong nakatitig sa brief na para sa kanya. Hindi pa naman ito ginamit ni daddy kaya ipapagamit ko na lang sa kanya. Bumalik na ako sa room ko at nakahiga pa rin siya sa kama ko. “Kuya, baka gusto mong magbihis? Bago p