REIGHN SELESTINE Hindi ko inaasahan na darating sila ngayon ng walang pasabi. Dati kasi tumatawag sila sa akin kapag pupuntahan nila ako pero ngayon ay bigla na lang silang darating. Kinakabahan akong naglalakad papunta sa kanila hanggang sa lumingon ang kapatid ko. “Ate!” Sigaw ni Adler nang makita niya ako. “Baby!” nakangiti na sabi ko at sinalubong ko sila ng isang mahigpit na yakap. “I miss you, ate.” Malambing na sabi ni Raleigh kaya napangiti ako. “I miss you all,” masaya na sabi ko. “Mommy, daddy I miss you!” Umiiyak ko silang niyakap. “I miss you, sweetie/baby.” sabay na sabi nila at niyakap rin nila ako ng mahigpit. “Nakakagulat naman po kayo. Hindi man lang kayo nagsabi na pupunta kayo dito.” sabi ko sa kanila. “Sorry, baby. Gusto ka naming i-surprise.” nakangiti na sabi