REIGN SELESTINE Nagising ako na mag-isa na lang dito sa room ko. Tumingin ako sa sarili ko at may suot na akong damit. Tumingin ako sa kabilang side pero wala na siya. Kaagad na hinanap ng mga mata ko si Kuya Vin pero baka umalis na siya. Napatingin ako sa side table ko. May nakapatong na flowers kaya napangiti ako. “Babe, sorry kung umalis na agad ako. I’m gonna miss you, see you kapag nakabalik na ako.” basa ko sa note na iniwan niya. Napangiti na lang ako at inamoy ko ang bulaklak na binigay niya. Itinabi ko ang card na binigay niya. Pumasok muna ako sa loob ng banyo para maghilamos. Nang tumingin ako sa salamin ay may pulang marka ako sa leeg ko dalawa rin ito. Sinubukan kong kuskusin pero ayaw mabura. Ang ginawa ko ay naresearch ako at lumabas na kiss marks itong akin. At walang